webnovel

First Encounter!

"Hindi ko inaasahan ito.", sabi ni Yuri ng pabulong.

"May sinasabi ka.", tanong ko sa kaniya.

"Wala. Bilisan na natin maghanda, baka di natin alam nagsisimula na pala.", sabi niya saakin, at tumalikod.

"Anong problema no'n?", tanong ko.

"'Bat' di mo puntahan.", tanong naman ni Kin.

"Ayoko nalang makeelam. Baka mamaya iba isipin non saakin.", katwiran ko.

Naghanda narin kami at naghintay sa announcement. Ilang minuto lang ay naghayag na si Forh.

"Maaari nang bumaba ang lahat. Maghintay ng ilang saglit bago pumasok, dahil tinatapos pa ang mga huling mga paghahanda.", sabi ni Forh sa lahat.

Bumaba na nga kami at naghintay sa harap ng gate. Sa sobrang laki ng gate ay nalula ako at nakaramdam ako ng kakaunting pagsakit ng tiyan.

"O anong problema mo?", tanong ni Kin.

"Naeebak ako eh... alam mo ba kung nasaan ang banyo?", sabi ko.

"Siguro doon sa dulo.", sabi ni Kin sabay turo.

Agad ako kumaripas ng takbo papunta sa banyo. Nang makaraos na at makalabas ng bathroom stall, ay may nakita akong anino. Pinuntahan ko't tinignan ngunit walang tao, pero may isang papel ang naiwan. Pinulot ko at binasa…

"Ang Oras ay Lilipas na."

Nagtaka ako dahil sa mga panahon ko sa GAIA ay noong mga pagkakataon palang nayon ako nakakita ng isang sulat na nasa English Alphabet kaya napaisip ako na mayroon pa liban saamin ni John ang naroroon. Tumunog na ang alarm at tumakbo na ako pabalik sa stadium.

Inabot ako ng ilang saglit bago ko nakita ang stall kung saan kami ay mananatili para sa game.

"'Bat' ang tagal mo?", tanong ni Kin.

"Hala! Parang limang minuto lang.", sabi ko.

"Ano bang kinain mo?", tanong ni Kin.

"Kung mga pinagbibibigay niyo saakin.", sabi ko.

"Ahhh… Yung mga iyon.", sabi ni Kin. "Hindi mo pa pala tingal iyon?", tanong niya naman kay Yuri.

"Aba'y malaymalay ko ba namay panis na pagkain kayong iniwan.", sagot ni Yuri.

"Panis na yung mga iyon?!!!", galit na sabi ko.

"Hindi ko na napansin, akala ko naman kasi ayos lang yung mga kinakain mo kanina. Sarap na sarap ka pa kaya.", sabi ni Yuri.

"Kailan pa ba iyon nandoon?", tanong ko.

"Mga apat na araw na ata iyon nandoon.", sabi ni Kin.

"Apat na araw? Pero bakit parang wala naman akong nalalasahan na maika-susuka ko.", tanong ko.

"Dahil siguro manhid sikmura mo.", sabi ni Kin.

"Teka nga muna.", bangitna ni Yuri. "Paano ba tayo napunta sa usapang 'panis na pagkain'.", tanong pa niya.

"Dahil sa pagebak ko?", sabi ko. "Hindi naman kasi ako ang nagsimula, sisihin mo yung isa diyan."

"O 'bat napunta naman saakin ang sisi.", sabi ni Kin.

"Ops! Itigil na natin to. Mukhang alam ko na kung saan ito papunta kung magpapatuloy pa tayo.", sabi ko.

Ilang saglit lang ay nag announce na si Forh.

"Sa loob lang ng ilang saglit ay magsisimula na tayo. Lahat ng sasabak sa first round maghanda na sa starting point. Sa pagtunog ng signal ay pindotin niyo ang botton na nasa harap ninyo at bubukas ang gate para makapasok kayo sa Stadium. Pag pumindot kayo at di kayo lumabas hangang sa pagsasara muli ng mga gate ay eliminated na.", "Magsisimula na tayo in…

3…, …2…, …1… START!!!"

At nagsimula na nga ang first round. Ang mga unang sumalang ay sina; Yu Xin Lim, Ashmir Khallid, Marzix Hjel; Lester Houller, Jhaine Khaina, Marque Lutois;

Pagkapasok nilang anim ay may tanong agad ang isa.

"Nasaan ang trono?", tanong ni Lester.

Ilang saglit lang ay biglang yumanig ang buong stadium, may bumukas na butas sa gitna nito at lumabas ang isang trono sa gitna nito, ngunit may kulang.

Agad na sumugod si Marque sa trono na sobrang bilis, pero unti-unti ay bumabagal siya at parang nahihilo hangang sa natumba nalang siya.

"Hoy! Ayos ka lang?", tanong ni Jhaine kay Marque.

"Anong nangyari?!", tanong ko. Pagkalingon ko kay Kin ay medyo na weirdohan ako dahil parang pinapanood niya yung laban na nakalagay ang daliri niya sa kaniyang mata na parang naka binoculars. "Ahm??? Anong ginagawa mo?", tanong ko kay Kin.

"Ginagamit ko yung spell ko para malaman ko kung ano ba talaga ang meron sa kaniya.", sabi niya.

"Akala ko ba kilala mo siya?", tanong ko.

"Sa pangalan, Oo, pero sa kakayanan. Iyon ang di ko alam."

"May nakuha ka na?", tanong ko.

"Wala Hindi ko siya makita kahit ang mana niya di ko madetect.", sabi niya.

"Tanong ko pa. Pinag aralan niyo ba pati ang tungkol diyan?", tanog ko.

"Sayang nga at ang tagal mong natulog. 'Wag kang mag alala magabang ka nalang sa gilid at hayaan mo nalang kami ni Yuri ang magpanalo.", sabi niya.

"WOW! Edi Kayo na ang magaling.", sabi ko sarcasticly.

"Joke lang ikaw naman pikon. Pero seryoso kung di mo talaga alam nang gagawin mo, huwag ka nalang gumawa ng kahit anong makakaistorbo saamin.", sagot niya.

Balik sa Battle.

Ilang saglit lang ay may isang tao ang nagpakita na siyang nakatayo sa tuktok ng trono. Si John.

"Nagbibiro lang kayo.", sabi ni Lester.

"Bakit?", tanong ni Jhaine

"Ngayon ko lang naaalala siya yung pinakadalikadong tao noong nakaraang tournament. Siya si 'John the Illusion'.", sabi ni Lester.

"'John the Illusion'?", tanong ni Jhaine. "Huwag mong sabihing siya ang 'John the illusion' na nakapagpatumba sa 100 mga participants na mga silver rank hangang platinum?"

"Siya nga.", "Balita ko pa. Siya rin ang nakapagpatigil sa pagatake ng isang libong mga sundalo ng kalabang bansa sa loob lang ng ilang minuto.", sabi ni Lester.

"Ganoon na pala ako ka sikat? Haha!", sabi ni John. "Huwag kayong mag alala.", at tinaas niya ang kaniyang kamay. "Kita niyo itong papel na nasa braso ko. Ito ang nagpapanatili saakin upang hindi ako makagamit ng magic ng higit sa 20%."

"Kung ako sa inyo hihilain ko na paatras yung kaibigan kong nasa panganib baka ikamatay niya pa ito…"

Dali-daling tumakbo ang dalawa para hilain si Marque hangang sa sila ay unti-unti na ring nahihilo.

"Ano… ba… to… Di… ako… makahinga.", sabi ni Jhaine at natumba na rin.

"Anong nangyayari.?", tanong ni Lester.

"Mirage magic. Kaya kong kontrolin lahat ng mga element sa paligid. Pero ngayon, masmaliit na ang radius ng mga atake ko. Pagpasok niyo sa radius ng atake ko ay unti-unti ko nang inaalis ang oxygen dito.", sabi ni John. "Pero siyempre magtitira ako ng kakaunti para lang di kayo mamatay."

At naeliminate na nga ang grupo nina Lester. Ang mga sumunod na umatake ay sina Ashmir.

Naunang tumakbo at umatake si Ashmir.

"Gun Creation: M4-A1 Reinforced", isang baril ang biglang lumitaw sa mga kamay niya at pinagbababaril si John. "Kung hindi kami makakaatake ng malapitan, aatakihin ka nalang namin mula sa malayo.", sabi pa niya.

"Mirage Magic: Stone Wall.", sabi naman ni John, at naharangan ang mga atake ni Ashmir.

"Paano na ito niyan.", sabi ni Ashmir sa sarili niya.

"Ashmir. Barilin mo ang palibot ng trono.", sabi ni Yu.

"Bakit?", tanong niya.

"Basta gawin mo nalang!", sigaw ni Yu.

"Pasalamat ka bata ka.", bulong ni Ashmir. Binaril ni Ashmir ang palibot ng trono at umikot lamang ito sa isang area. Ni hindi man pumasok sa proteksyon ni John.

"Marzix, subukan mong gamitin ang kaya mo sa kaniya.", utos ni Yu.

"Pasensya, pero susubukan ko. Memory Magic: Memory Link.", sinubukan ni Marzix na makapasok sa isip ni John pero bigla siyang nanghina.

"Ayos ka lang?", pagaalala ni Yu.

"Hindi ko kaya, di ako makapasok sa isip niya.", sabi niya.

"Gaya nga ng sabi ko sa espasyo ko ako ang kumokontrol. Maaari kong baguhin ang lahat ng bagay na nasa loob nito, kahit ang pagtatangal ng lahat ng laman ng aking utak.", sabi ni John. "Ako naman. Mirage Magic: Time Pendulum.", may isang malaking pendulum ang lumabas sa ibabaw ng trono at dumuyan ito pakaliwa pa kanan. "Tignan natin kung sino ang aking uunahin.", pagkasabi ni John at umunday muli ang pendulum, ilan saglit lang ay tumuro ito kay Marzix. "Patawad medyo masakit ito.", sabi ni John. "Mirage Magic: Picture Pendulum.", ang pendulum ay nagkaroon ng talim at nagbabadya na tatama kay Marzix. Ibinato na niya ito ng biglang…

"Times Up!", sabi ni Forh, at nawala ang lahat ng mga magic sa stadium, maging ang atake ni John na sana ay tatama kay Marzix. "Ang first round ay tapos na, maghanda ang ikalawa."

Umalis na sila sa Stadium at bumalik na sa kanikaniyang mga stalls.

"Sinabi ko na sa inyo huli na dapat tayo ehh…", sabi ni Ashmir na may pagkairita.

"Hayaan mo na, ngayon alam na natin kung paano gagawin ito.", sabi ni Yu.

"Pasensya na.", sabi ni Marzix.

At magsisimula na nga ang second round. Pagkatapos ng mga pagpapaalala muli ni Forh sa mga gagawin. Pagkabukas na pagkabukas ng gate ay nakita nila ang isang bagay na hindi nila inaasahang makikita roon.

"Hoy! Hoy! Hoy!... paanong may nauna na.", sabi ni Paul. "Teka, saksak na mula sa likod. Malabis na pagdurugo. Anong nangyayari ditto???", sigaw pa niya.

Ilang saglit ay biglaang bumigat ang pakiramdam naming lahat. Habang tinitignan ko ang screen ay pansin ko na halos di na siya humihinga kaya natakot na ako.

"John! Gising!', sigaw ko. "Anong nangyayari? Akala ko ba ay mayroong kung anong nagpapatigil ng mga fatal injuries?", sigaw ko habng kinakabahan.

Dahil sa parang di niya ako naririnig at kinakabahan na rin ako ay kinuha ko si Kuro at hinati ang gate na nasa harapan namin at nakita ko… Si John ay may saksak mula sa likod pa harap.

"ANONG GINAWA MO KAY JOHN!!!", sigaw ko.

"Pinatatahimik niya siya. Kaya nararapat lang itong mangyari.", sabi ng sumaksak.

"MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO!!!", sigaw ko uli. Habang hawak-hawak ang espada, sa di pagiisip, ay umatake ako. Di pa naman ako nakakalapit ay agad na namagitan si Forh.

"Wall Creation: Great Wall of Portification!", isang making pader ang bumalot sa palibot nina John at ng sumaksak sa kaniya. "Umalis na kayo dito. Di niyo kakayanin 'to.", sabi pa ni Forh.

"Pero? Si John.", sabi ko.

"Ako na ang bahala dito. Sige na! Umalis na kayo.", sigaw ni Forh.

Hinila na ako ni Kin at Yuri pabalik sa sasakyan kasama ang iba pa liban kina Forh, John, at doon sa lalake. Bago pa naman ako makasakay ay tumingin saakin ang lalake at may ibinulong.

"Magkikita ulit tayo.", sabi ng lalake ng pabulong.

At nakasakay na kaming lahat pero naiwan si Forh kalakalaban ang lalake. Mga ilang minuto narin kaming nakakalayo mula sa stadium ng biglang may isang malakas na liwanag ang lumitaw sa lokasyon ng stadium at ilang saglit lang ay lumitaw sina Forh at John sa sinasakyan namin.

"Forh!", sabi ng iba.

"John!", sigaw ko.

"Huwag niyo na muna ako alalahanin. Si John ang unahin ninyo.", sabi ni Forh.

Binuhat namin at ng iilan si John papuntang infirmary para gamutin. Pero mabilis siyang nauubusan ng dugo at unti-unting nanghihina. Yung mga kasama ko ay lumabas muna matapos tapalan ang sugat niya, pero alam naming lahat na halos wala na siyang pag-asa. Naiwan kaming dalawa ni John.

"John! Please 'wag.", sabi ko.

"Bobo… (cough*) Hindi naman ako mawawala ng… (cough*) matagal.", sabi ni John.

"So ano na ang mangyayari sa iyo?", tanong ko parin habang unti-unti nasiyang nawawala.

"Puntahan mo ako… (cough*) sasabihin ko… (cough*).", sabi ni John. "Wala na rin akong… (cough*) oras… magiinga- (cough*) magiingat ka…", sabi ni John bilang kaniyang mga huling salita, at nawala siya ang kaniyang pagka nilalang.

Naiyak ako ng lubha sa kaniyang pagkawala. Naiwan na lamang mula sa kaniya ang isang kuwintas na yari sa tali. Kuniha ko ito at lumabas. Habang hawak-hawak ko ang tali, ay may narinig akong napakalakas na ingay na sobrang talim. Sumakit ang ulo ko at napahiga na ako.

Sa pagpikit ko ng mata at pagdilat ay nakabalik na ako sa aking kuwarto. Alarm ko lang pala ulit iyon.

Akala ko halos magiging normal ang araw ko. (Sa totoo lang hindi man naging maganda ang araw ko.) Pero may nalaman akong ikina sasabog ng utak ko.

Next chapter