webnovel

Chapter 81 Maybe Friendless

((( Monina POV's )))

Pero si Kenneth, makatitig sa akin, parang may gustong sabihin sa akin.

Hinawakan na ni Manyak ang kamay ko. Dahil di matapos-tapos ang pakikikamay ko kay Keneth.

"I think you need to wait after the altar, Atty. Kenneth."

Ah. Di pala friend talaga. Sadyang empleyado din naman niya si Kenneth. Grabe talaga ang Manyak na ito. Manyak na nga, terror pa. Okey fine. Wala sayong tatagal na babae. Kaya nga nagkunwari kang fiancei mo ako diba?

Saka okey lang. Hahaha. Wala naman akong lugian. Gwapo ka manyak. Sa kagaya mo ako yumayaman.

Naku talaga kapag nahawakan ko ang camera ko. Tatadtarin kita ng picture. Ibebenta ko! Hehe. Tapalan ko na lang ang di gaanong kagandahan na ugali mo.

Napatango si Atty Kenneth. Naghintay na nga sa may Altar. Masya ito para sa lahat na pumunta nga sa araw nilang dalawa ng magiging asawa niya.

For sure magandang dalagita dahil nga may hitsura din itong si Kenneth.

Ang tanong ko nga sa sarili. Paano ako nasali sa mga higer society na mga taong to?

Dahil kay Kuya gwapo, plus kay Justin Sy. Mga tulay mo kasi Monina, ganda din eh.

Ngunit, mawawala din ang mga ito. Back to normal.

Okey lang Mr. Manyak gawin mo akong fiancei ngayon, dahil ikaw ang ticket ko kung bakit nga nakapasok ako.

Shocks! Mga artista ba ang nakikita ko? Saka mga malalaking pangalan sa politika? Wow. Sino ba talaga iting kasama ko? Halos napapatango sa kanya.

Dapat laging friendly ang pakikitungo sa kanya.

Matanong nga ang information niya kay Secretary Lee kung ayaw niyang magpakilala sa akin ng maayos.

Nagbago na ang music, at ang bride na ang pumapasok. Ang saliw ng musika na parang graduation march. Ngayon, heto din ang wedding march na maghahatid sa kanya sa susunod na kabanata.

Sana nga, wedding muna bago baby. Para wedlock ang baby. May basbas.

Bumukas ang pinto. Liwanag ng puti ang sumilay sa amin. Nakangiti ang bride.

Ngunit may mali…

Di ko naman sinasabi na professional photographer ako o physchiatris na sabihing peke ang ngiti ng babae.

Mga mata niya di masaya.

Napatitig ako sa groom. Masaya naman ito.

Masaya lahat ng tao sa paligid. Yung katabi ko lang saka ang bride ang parang may mali.

Kinakabahan ako sa bride.

Mali ka lang ata Monina. Syempre nakakaba din maglakad mag-isa. Plus sayo lahat ng titig. Iyong iyo ang enteblado.

Ngunit kahit na nga. Dapat ang kaba matatalo kapag mahal mo talaga ang lalaking naghihintay sayo.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Napayakap ito sa magulang niya na naghihintay sa kalagitnaan ng aisle. Nilagay na sa harapan niya ang belo.

May mali talaga sa bride.

Guniguni mo lang ata Missamy. Haist. sa may nasesense akong skandalo na dapat lang di mangyari. Dahil marami ang magugulat. Lalo na sa mga taong labis ang kaligayahan na nararamdaman nila sa araw na ito.

Katabi ni Manyak si Secretary Lee. Sa likuran ni Mr. Manyak, napapasenyas ako sa kanya.

Pahiram ng phone. Dapat laging handa sa mga skandalo na maaring mangyari. Sense ko. Hahaha. Ayan na naman ang dugong Journalist diba?

Nagmamakaawa na ako kay Secretary Lee na ibigay sa akin ang hinihingi ko.

Sige ka! Ako dito ang mag iiskandalo!

Kaya walang nagawa, ayan, naibigay ang phone ko. Phone ko? Hahaha. Thanks. Nakabalik din.

Pero di naman kagandahan ang camera nito.

Napatitig si Manyak sa hawak ko. Napabelat ako sa kanya. Nireready ko na ang camera app. Nang biglang hinablot nito sa akin at ibinigay niya ang phone nito sa akin. Kanya to. Wow! Latest Iphone. Akin na lang.

Siguro nahiya si Manyak sa hawak na phone ng fiancei niya. Hahaha. Sabi ko na eh, yayaman ako nito. Pangap pa kasi ng madami Mr. Manyak. Bakit kasi kailangan ko sayo patunayan na di ako gold digger at social climber. Lalo na sa paratang mo na may gusto ako sa kapatid mo. Jusko naman my dear Manyak kuya. Bahala ka. Ikaw din malulugi sa akin.

Nakita kong ibinalik niya ang phone ko kay Secretary Lee. Pinandilatan niya ito ng mata.

Parang sinasabi na, ayusin nito ang trabaho.

Yan ang mahirap sa boss na terror. Di pinpili ang lugar.

Yung phone, wallpaper parin ng apple. Ginagamit lang ata niya ito pantawag sa secretarya niya. Wala man lang picture sa gallery. Jusko po. Tao ka pa ba Kuya Manyak? Kawawa ka naman.

Next chapter