webnovel

Chapter 6 Next Target

((( Monina POV's )))

"Yung pasyente na sinugod namin!"Bingo! Ikaw na po kuyang kulot ang nakabingo. Pero si Kuyang gwapo nakatitig lang sa akin. Parang huminga na lang ng malalim na okey lang nga ako.

"Teka?! Sabihin mo nga andito ka para sa kanya?" turo niya sa biktima kong magbibigay ng pera sa akin. Napatango na lamang ako. Kunyaring fans nga ako.

"Actually, uhmm… andito ako para ibigay ang sulat na ito. Saka po, kung pagbibigyan picture niya po."

Ngumiti sa akin biktima ko na ang pangalan nga niya, Justin Sy. Akin ang pera kapag sumang-ayon ka sa akin.

"Pagbigyan mo na pare."Kinuha ko na nga ang camera ko.

"Sure. Sa higpit nga securidad paano ka nakapasok sa lugar na ito? Tiyak nahirapan ka."

Ngumiti ako ngunit..

"Sinasabi ko na nga ba nagkukunwari ka lang na nahimatay kanina." sabi ni Kuya gwapo na nakatingin sa bintana at timatanaw sa malayo. Wala ang isipan sa mundo natin.

"Nahimatay lang ako dahil nga sa kanya." depensa ko.

Natawa si Justin Sy.

"Timothy, kunan mo kami ng larawan."lapit ni Kuyang kulot. "Ah, okey lang na siya ang kunan ko ng larawan. I don't mind na wala ako."

Natigilan sila. Nawala din ang ngiti ni Justin Sy.

Ang baliw mo Monina may fans ba na okey lang larawan ng idol niya na may pagkakataon namang makapag-picture.

"I mean, solo shot saka kaming dalawa."

"Si Miss, parang di kumbinsado sa pamimicture mo Timothy."sabat ng isa pa sa lalaki na abala nga sa harapan ng phone niya at may headset ngang nakapulupot sa leeg nito. Ngumiti sa akin.

"Leonard."

Hindi ko gusto na kayo ang makilala kundi si Kuya gwapo na sinabi ko ngang wala bigla ang isipan sa paligid niya.

Nakuha ko na ang picture ni Justin Sy.

"Thank you."

"Ayaw mo ng yakap."

"Whoa! Womanizer yan Miss."

"No need." na bahagyang nagugulat sa sinasagot ko. Kaya napangiti na lamang ako at bumanat na. "Kiss?"

Wait. Anong pinagsasabi ko?

"Sure." saka kinuha ni Justin Sy ang kamay ko at hinalikan nga. Ngumiti na lang ako dahil yung utak ko nadisappoint dahil ini-expect ko yung lips kong never kiss since birth.

"Whoy! Ang gentleman bigla." pang-aasar ni Leonard.

"Ginagawa niyo dito malalate na kayo." sita niya dito.

Speaking of malalate. Jusko po! Oo, malalate na din ako sa klase ko.

"Mauna na ako." paalam ko nga.

"Anong pangalan mo?" na siyang pinako ang mga paningin nila sa akin.

"Nahihiya ako magpakilala. Nasa love letter na po."

At ang hilig ko din ng po at opo? Sabagay panatiliin ang pagiging magalang lalo na nga sa mga produkto kong nagbibigay ng pera sa akin.

"Sabagay. Ingat." mabait niyang pamamaalam sa akin. Kaya maraming babae ang nafafall sayo. Kahit sa likod ng camera, ready parin magkunwari. Thank you mu dear products sa pagiging demand ngayon.

Bayieee! Pera na naman ito eh.

Ngunit bago ako umalis, tinapunan ko na muna si kuyang gwapo na napamuni-muni at wala parin talagang paki-alam. Napakaconcern pa naman niya noong nakita akong nahimatay diba?

Ang misteryoso lang niya. Yun ang nasesense ko.

Nang makalabas ako sa silid. Tumatak sa isipan ko si Kuya Gwapo. Tinignan ko ang orasan sa aking braso. May forty minutes pa naman ako. At estimate ko makakapunta ako ng school thirty minutes. Kaya may ten minutes pa!

Ayyyy! Lagot ka sa akin Kuya Gwapo.

Natagpuan ko ang aking sarili na napapa-akyat na naman nga sa sanga. Ayun nga si Kuya gwapo, nanatili sa bintana. Nakapikit pala ito na parang sinasamyo ang hangin.

Isang sanga na lang talaga, matatarget lock ka din Kuya gwapo! Binalanse ko ang aking katawan sa sanga.

O sanga magkampihan tayo para kay kuya Gwapo ha. Wag mo akong hahayaan na mahulog.

Ready the camera, position. Zoom in. Camera Angle.

Pinagsisigawan ng nakukuha ng angle ko na sobrang gwapo ng lalaking nakikita ko. Wow. Napacapture ako ng biglang may nakasamang…

mas mature na kuyang gwapo. Zinom in ko yung image. nakatitig sa akin. Ang mata niya..

At napatitig nga ako sa bintana, agad na may inutusan para hulihin ako.

Naku po! Takbo na Monina!!!

Wait! Baba muna ako.

@International_Pen

Next chapter