webnovel

Chapter Six

   "Thank you, Ma."

Niyakap ni Axel ang ina ng iabot nito ang susi ng bago nilang bahay. Regalo daw iyon ng Daddy ni Axel sa kanilang mag-asawa.

It's a modern-type townhouse. Malawak sa loob noon at mukhang mamahalin ang mga gamit. Katulad iyon ng mga bahay na nakikita lamang niya sa TV at magasin. It was one of her dreams. Pero hindi siya masaya. Ni hindi niya magawang ngumiti. Dahil alam niya na sa likod ng magandang bahay na iyon ay may impyernong naghihintay sa kanya.

"Aren't you happy, iha? You looked … sad, miserable." Puna nito ng maupo ito sa tabi niya. Hinimas nito ang kanyang likuran na para bang isa siyang musmos na bata na inaalo ng kanyang ina. Hindi na niya napigilan ang sarili. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Mama …"

Naramdaman niyang nagulat ito sa kanyang ginawa. Pero niyakap rin naman siya nito habang patuloy pa rin ito sa paghimas sa kanyang likod. "Sshh. Don't worry, dadalaw-dalaw naman ako dito."

"Mamimiss ko po kayo Mama." Alam niya na sa oras na umalis ito ay magsisimula ng maging miserable ang buhay niya. Ito lamang ang tanging panangga niya sa kagaspangan ng ugali ni Axel.

"And I'll miss you too, iha."

Nang humiwalay siya sa pagkakayakap rito ay nakita niyang mariin na nakatitig sa kanya ang asawa. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang iyon.

"Kanina pa naghihintay yung driver sa labas, Ma." Walang emosyon nitong sabi.

"Alright. I have to go." Nakangiti ito sa kanya. "Axel, yung bilin ko. Huwag mong iiwan si Katherine ditong mag-isa. At huwag na huwag kang magpapasok rito ng kung sinu-sino ha."

Tumango lamang si Axel.

Nang makaalis ang ina nito ay walang pakundangang ibinalibag ni Axel ang pintuan. "You will stay in this house. At hindi ka lalabas hanggang hindi ko sinasabi."

Hindi siya sumagot. Susundin na lamang niya ang kung anumang sinabi o sasabihin pa nito.

"By the way, doon sa guest room ang kwarto mo. At hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko hanggang hindi ko sinasabi. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Nagugutom ka ba? Ipagluluto kita." Pagbabago niya ng usapan.

"You don't have to. Kayleigh is already on her way. And as soon as she gets here, ayaw kong makita ang pagmumukha mong pakalat-kalat sa bahay ko." Utos na naman nito.

"Just let me know if you need anything. I will just be in my room." Aniya bago tumungo sa kanyang silid.

Maayos at malinis naman ang kwarto niya. Kumpleto at bago ang mga gamit. May sarili siyang telebisyon at may roon din siyang personal ref. Nang buksan niya ang aparador ay maayos ding naka-hanger ang mga bago at mamahaling mga damit. Marahil ay binili iyon ni Axel para sa kanya, para sa pagpapanggap niyang asawa nito.

Oo nga naman, kailangan niyang magmukhang maayos at mayaman kapag kailangan siya nitong iharap sa mga tao. Kahit ang totoo, isa siyang basura, hindi lamang sa bahay na iyon kundi maging sa buhay nito.

Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malawak at malambot na kama. Marahan siyang pumikit upang damhin iyon. "Sana ngayon mo ginamit ang utak mo Serene. Sana hindi mo ginamit ang puso mo." Aniya habang tumutulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.

Naalimpungatan siya sa malakas na pag-ungol ng isang babae mula sa kwarto ni Axel. At dahil magkatabi lamang ang kanilang silid ay dinig na dinig niya ito.

"Oooh, Axel … I love you … I - I fvcking love you!"

She tried to cover her ears with the pillow beside her. But knowing exactly who it was is slowly tearing her heart apart. It was not the moan or how the woman scream her husband's name. It was accepting the fact that it would never be her who he was making love with.

She was screaming in her head and pleading to stop until she could hold the heartbreak no longer. Her grief poured out in a flood of uncontrollable tears.

Marahil ay natapos na ang pagtatalik ng kaibigan at ng asawa sa kabilang kwarto dahil tumigil na rin ang pag-ungol ng mga ito. Pero alam ni Serene na hindi dito natatapos ang pagtitiis at paghihirap niya. Alam niyang mauulit at mauulit ito. And the worst part is, she has to get used to it. Dahil iyon na ang magiging buhay niya araw-araw.

She tried to get back to sleep pero parang sirang plakang paulit-ulit sa isip niya ang nasaksihan noong araw ng kanilang kasal. Kung pwede lang niyang hindi mahalin si Axel para hindi na siya masaktan, para mas maging madali ang lahat. Kung pwede lang na bawiin niya ang puso niya mula rito, gagawin niya.

["I can't wait to make love with you, Serene." Sabi ni Axel habang nakahiga sila sa kama. Nakatingin ito sa kisame habang sinasabi iyon.

"Ano ka ba … pwede naman nating gawin iyon dahil ikakasal na rin naman tayo."

"No." Saka nito ibinaling ang tingin sa kanya. "I want to make love with you after the wedding."

Marahan siyang ngumiti.

"Isusuko ko ang sarili ko sa'yo Axel. Ang puso ko, ang kaluluwa ko … ako, ng buong-buo."]

Hindi mapigilan ni Axel na hindi pagmasdan saglit si Serene nang datnan niyang nagluluto ito sa kusina. She was wearing a baggy shirt but still damn sexy. Lalo nang humarap ito sa direksiyon niya. Hindi niya napigilang mapalunok ng maaninag ang dalawang matatayog na umbok nito. Agad niyang ipinilig ang kanyang ulo upang iwaksi ang kung anumang nagsisimulang tumakbo sa isip niya.

"What're you doing?" Pukaw niya sa atensiyon nito.

"Uhm, nagluluto?" Anito.

"I'm not hungry."

Kahit ang totoo'y nagising siya dahil sa mapang-anyayang amoy na nanggagaling sa kusina. Napagod siya kagabi kaya siguro kumakalam ang sikmura niya pagkagising. Hindi na rin niya namalayan na umalis si Kayleigh sa sobrang pagod at antok.

"Nagluto ako ng nilagang baka. Hindi ba't paborito mo 'to?" Nakangiti nitong sabi sa kanya.

"Ayokong kumain."

Naupo siya sa sofa at binuksan ang TV.

"Ikaw ang bahala."

He was starving. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang magtiis sa gutom samantalang nakahain sa harapan niya ang dalawang masasarap na putahe. Ang nilagang baka at ang asawa niya.

"Damn it!" Aniya sa kanyang sarili.

Pinatay niya ang TV at tinungo ang kusina. Kinuha niya ang isang mangkok ng sabaw na may dalawang pirasong karne. "Sa susunod ayokong basta-basta kang magluluto dito sa bahay. Kung nagugutom ka, magpadeliver ka na lang ng pagkain. Ibibigay ko sa'yo ang isa sa mga credit card ko. Ako ang magbabayad."

"Uhm, Axel …" Malambing nitong tawag sa pangalan niya. "Pwede ba akong magtrabaho? Ayoko kasing maging pabigat sa'yo."

"Saan ka naman magttrabaho? Sa club?"

"Graduate naman na ako. Pwede na akong magtrabaho ng naayon sa pinag-aralan ko."

"Nagpapatawa ka ba Serene? Sino namang tatanggap sa isang pokpok na kagaya mo?"

"Hindi ako pokpok!" Saka ito padabog na tumayo mula kinauupuan nito.

"Don't you fvcking raise your voice on me!" Saka niya isinaboy ang sabaw sa pagmumukha nito. "Ako ang nagbihis sa'yo at nag-ahon sa mabahong lugar na pinanggalingan mo Serene! So you will do as I say, you-will-stay-here!" Duro niya pa rito.

Walang nagawa si Serene kundi punasan ang mukha habang umiiyak.

"M-Maayos naman akong humihingi ng permiso sa'yo, Axel. Hindi mo naman siguro kailangang ipamukha sakin kung ano ako. Hindi mo ako kailangang saktan." Basag ang boses niyang sabi.

"Oh, I'm sorry. Did I hurt you?" Bahagya itong tumawa. "Well, I can hurt you more than that. I can hurt you whenever I want to."

Lumapit ito sa kanya saka marahang hinaplos ang kanyang pisngi bago nito hinigit ang kanyang panga. "Keep that in mind." 

Napaatras siya at nawalan ng balanse ng bitawan siya ni Axel.

Biglang bumukas ang pintuan at halos sabay silang lumingon rito. "What the hell is going on here?" Bakas sa mukha ni Caleb ang pag-aalala ng mahagilap siya nito ng tingin.

Agad siya nitong nilapitan at inalalayang tumayo. "What the fvck are you doing pare?" Anito.

"Don't you know how to knock?" Ganting tanong ni Axel rito.

"I've been trying to call you but you weren't answering your phone. At tama nga ang hinala ko, ito ang daratnan ko dito." Dinala siya nito sa sofa at inalalayan ring makaupo.

"What are you now, a superhero?"

"No Axel, I am not a superhero. I'm a fvcking grown up man." Matapang na sagot ni Caleb rito. "I didn't expect you to be like that pare, the last time I checked hindi retarded ang kaibigan ko dahil hindi niya kayang manakit ng babae."

Isang malakas na suntok naman ang isinagot ni Axel rito. Bumagsak sa sahig si Caleb. "Well, you came to the wrong house." Susundan pa sana iyon ng tadyak ni Axel ngunit naging mabilis siya at agad na hinarangan si Caleb mula rito.

"Tangina!" Anito.

Halos hindi niya maramdaman ang kanyang braso. Nabalian yata siya ng buto.

"Tama na … pakiusap, tama na."

"Get out Caleb … umalis ka na habang kaibigan pa ang turing ko sa'yo."

"Umalis ka na Caleb." Pakiusap niya.

"Pero Serene --"

"Please umalis ka na." Kahit nanghihina'y pinilit niya itulak ito palabas ng bahay.

"Wag ka ng babalik pa rito!" Sigaw ni Axel bago ibinalibag ang pinto. "And you …" Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "You killed my brother, you ruined my family and now you we're trying to seduce my bestfriend?!"

Hinablot ni Axel ang kanyang buhok saka siya nito hinila palapit sa sofa. "Ah! Bitawan mo ako Axel, nasasaktan ako!"

"Talagang sasaktan kita!"

Isang malakas na sampal ang nakapagpawala ng kanyang ulirat.

Isang tapik sa pisngi ang gumising sa kanya. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na walang malay pero ng mahagip ng tingin niya ang bintana, madilim na.

"Get up and get dressed." Utos ni Axel sa kanya.

"I-I can't. S-Sobrang sakit ng katawan ko, Axel."

Halos hindi siya makagalaw sa kanyang pagkakahiga. Tuyung-tuyo rin ang kanyang lalamunan at namamaga ang kanyang braso.

"Magbibihis ka ba o kakaldkarin kita?"

Alam niyang ginagawa ni Axel ang sinasabi nito kaya kahit hindi niya kayang tumayo ay pinilit niya. She went upstairs to take a shower and get dressed. And she bursted into tears when she looked at herself in the mirror. Hindi niya halos mabilang ang mga pasa sa kanyang katawan. Paano siya haharap sa mga tao kung pati ang kanyang pisngi ay may pasa rin?

She immidiately took a shower. Kailangan niyang magmadali sa pagbibihis dahil baka mainip sa paghihintay si Axel. Hindi na kakayanin pa ng katawan niya kung sasaktan siya muli nito. She covered her bruises with make up. Sampung patong yata ng concealer ang inilagay niya rito matakpan lamang ang mga ito.

"You are Katherine Ford-Buenavidez. You are not Serene." Kumbinsi niya sa sarili niya sa harapan ng salamin bago niya lisanin ang kanyang silid.

 

Dinatnan niya sa loob ng sasakyan si Axel. At tama nga ang hinala niya, umuusok na naman ang bumbunan nito sa galit dahil sa paghihintay sa kanya.

"Why did you wear that kind of dress?" Tanong nito nang pumasok siya sa loob ng sasakyan. Ah, hindi pala nakakunot ang noo nito dahil sa tagal niya sa pag aayos kundi dahil sa suot niyang damit.

She was wearing a tight-fitting tube dress that reveals her curves and her ample breast. Sinuot niya iyon dahil gusto niyang maging kaakit-akit sa paningin nito. Gusto lang naman niyang magbaka sakali.

"Pati ba naman pananamit ko pakikialaman mo rin?"

"Yes. Coz you dress like a whore."

Alam ni Serene na iniiwasan siya ng tingin ni Axel. Kahit paano'y nakaramdam siya ng kaunting saya dahil alam niyang naaapektuhan niya ang pagkalalaki nito. Kaya naman naisipan niyang lalo itong tudyuin.

Bahagya siyang yumukod upang ilapit ang kanyang mukha sa tainga ni Axel. Then she whispered, "Hmmm, I am not a whore. I am your mistress. But now, I am your wife."