webnovel

Chapter 50 - The Fall

MEDC OFFICE...

Deretso ang lakad ng isang don Jaime Lopez papasok sa kumpanya habang nakahilera ang mga tauhan sa magkabilang gilid at nakayuko. Ang iba ay bumabati.

Nakasunod sa kanila ang mga gwardya at iba pang opisyal ng kumpanya.

Pormal ang mukha ng chairman dahil sa bigat ng suliranin ngayong nag resign at umalis na ang kanyang nag-iisang inaasahan at tagapagmanang apo.

Ni hindi man lang nito inisip ang kapakanan ng kumpanya.

Ngayon ay nagpatawag siya ng meeting upang siya na muli ang mamahala. Nakakaawa ang mga empleyado na umaasa sa kumpanya.

Sa kabilang banda ay naisip niya rin ang kanyang pagkakamali. Hindi na kinaya ng kanyang apo ang responsibilidad lalo pa at babae ito.

Ngayong nakakalakad na siya ulit ay aakuin na niya lahat ng responsibilidad. Aalamin niya ang lahat ng nangyayari sa kumpanya dahil bigla na lang nag si-resign ang ibang opisyal.

Kaya ipinatawag niya ang mga opisyal maging ang mga direktor sa kumpanya upang mabigyan siya ng report.

May kumakalat pang balita na tatanggalin siya sa posisyon.

Dahil sa naisip ay mariing kumuyom ang kamay ng don. Sino ang nagbigay ng karapatan sa hudas!

'Ako ang nag-iisang Jaime Lopez. Walang kahit sino ang maaring bumangga sa akin!'

Pagdating sa conference room ay nagsitayuan ang mga naroon at bumati.

"Dito po tayo don Jaime, " inalalayan ni Alex ang matanda sa pag-upo.

Nakapalibot ang lahat ng tao ng kumpanya sa isang mahabang mesa.

Ang nakaupo sa harapan ay si don Jaime. Bilang Chairman nararapat lang na sa harapan ng lahat ito pupuwesto.

Naroon ang mga direktor na dumalo para sa nasabing meeting.

"Ladies and gentlemen good morning. Uumpisahan na natin ang meeting." anunsiyo ng speaker.

Tahimik ang lahat ngunit ramdam ang tensyon sa naturang pagtitipon.

Nakasentro ang kamera sa mukha ng lalaking nagsasalita.

Inilibot nito ang buong paningin sa mga naroon.

"Ang agenda... " sadyang pinutol nito ang sasabihin awtomatiko namang napatingin ang lahat sa sa lalaking nagsalita.

" Ang pagpapatalsik sa chairman!"

Biglang nagkagulo ang lahat. Doon na nagsipasukan ang medya.

Nagkislapan ang mga kamera!

Derekta sa kinaroroonan ni don Jaime.

Halos hindi rumerehistro sa isipan ng don ang nangyayari. Buong buhay niya ay inalay niya sa kumpanya at ngayon ay pinapatalsik na siya!

"Kailangan ng umalis ng dating chairman sa kanyang kinauupuan."

Humagkis ang kanyang tingin sa mga lalaking papalapit at tila sasabog ang kanyang utak sa galit.

"HINDI!" sigaw na niya at natigil ang mga papalapit.

"Mapipilitan kaming ipadakip kayo chairman."

"Sinong may pakana nito!" Dumagundong sa loob ng silid ang kanyang tinig.

Walang sumagot.

Mabilis umalalay si Alex at bumulong ng mahinahon sa kanya.

"Don Jaime, gagawa kayo ng paraan para makabalik, pero sa ngayon kailangan ninyong sumunod. Ipapadakip kayo chairman at magagawa nila 'yon."

Sa nanginginig na kamay ay hinawakan niya ng mahipit ang tungkod.

"Don Jaime, gustong kong malaman ninyong wala na sa inyo ang malaking share ng kumpanya. "

Nanlaki ang kanyang mga mata at nangamba ng husto, maging ang don ay gulat na gulat.

Nagpatuloy ang lalaki sa pagsasalita.

"At kahit pagsamahin ang share ninyo ng inyong apo lumalabas na forty percent lang kayo, ang sixty percent share ay iba na ang nagmamay-ari. Ibig sabihin wala na sa inyo ang awtoridad na humawak ng kumpanya."

"Hindi ito maaari!" mahinang bulong ng matanda.

"Mr. Chairman, bumaba na kayo sa inyong pwesto. "

Hindi pa rin tumatayo ang don.

Sila ang may pinakamalaking minahan sa buong lugar nila, halos lahat ng kumpanya sa lugar ay mayroon siyang share of stock, pinakamakapangyarihan at pinakamayaman.

Kaya sino ang nangahas? Paano nagawa!

Tumiim ang tingin ng don sa lahat habang mahigpit ang pagkakahawak sa tungkod nito.

"Wala na kasing tiwala sa inyo ang mga naririto ngayon, lalo na ng iwan kayo ng mismong inyong apo! Kaya don Jaime, bumaba na kayo diyan kung ayaw ninyong sapilitan kayong kaladkarin palabas. "

"Ako ang pinakamakapangyarihan sa lahat!"

Dumagundong ang nakakapangilabot na tinig ng don.

Natahimik ang mga naroroon subalit saglit lang.

Tila wala ng epekto ang boses niya.

Wala ng kapangyarihan at hindi na iginagalang.

"Don Jaime! Bumaba ka na sa pwesto mo!"

"Wala ka ng karapatan diyan!"

"Iniwan ka na ng lahat!"

Umugong ang matinding usapan.

Maging ang kanyang pinakamamahal na apo ay iniwan din siya sa panahong alam niyang siya ay nanganganib.

Subalit nakakagulat pa rin na harapan siyang tatanggalin sa sarili niyang kumpanya.

Ngunit wala na sa kanya ang kumpanyang pinaghirapan, at iniwan na siya ng lahat!

"Don Jaime Lopez, maari mo bang sabihin kung ano pa ang karapatan mo upang magtagal sa upuan na 'yan? Hindi ba' t ipinagkatiwala mo sa babae mong apo ang kumpanya dahil hindi mo na kayang mamuno?

Wala ka ng kapangyarihan! Iniwan ka na rin ng nag-iisa mong pamilya!"

Napapikit ang don sa masakit na katotohanan.

Wala na nga siyang karapatan.

Ang huling sinabi ng isang direktor ang nagpabagsak sa katatagan ng don.

Dahan-dahang tumayo si don Jaime at lumabas kasunod ang kanang kamay nito!

Bumaha ng mga reporters!

"Don Jaime, bakit kayo tinanggal sa inyong posiyon?"

"Mr. Chairman bakit nag resign ang inyong apo?"

"Don Jaime may kinalaman ba ito sa pag-alis ni Ms. Ellah sa kumpanya?"

"Mr. Chairman alam niyo ba kung sino ang may kagagawan nito?"

Nanatiling naglalakad ang don kasama ang mga tauhan nito.

"Don Jaime!"

"Don Jaime sandali lang!"

Hinarap ni Alex ang mga ito.

"Pasensiya na pero hindi pa namin kayo masasagot!"

"Don Jaime! Don Jaime..."

---

CIUDAD MEDICAL...

"Hindi!" tanging naisigaw ni Ellah.

Nanghina ang dalaga habang napapaluhang nanonood lang at walang ibang magawa upang matulungan ang abuelo.

"Bullshit!" galit na galit na pinatay ng dalaga ang telebisyon.

"Mga hayop sila!"

Binalingan niya ang nobyo na kapapasok lang ng silid.

" Gian sabihin mo may kinalaman ba dito si Javier?"

Hindi sumagot ang binata.

"Sumagot ka! Kasi siya ang nagsasalita kanina eh, halata sa mukha niya na siya nga ang may kagagawan nito!"

"Hindi lang siya, dahil kasabwat niya si direktor Han. At sigurado akong hindi lang silang dalawa ang nagmamaniobra ng inyong kumpanya. "

"Hayop na direktor 'yon kaya pala siya talaga ang nambatikos ng husto sa akin noong board meeting! Iyon pala ahas siya!"

Hindi umimik si Gian.

"Paano na si lolo? Ano na ang mangyayari sa kanya? Uuwi kaya ako?"

"Hindi muna sa ngayon, delikado para sa'yo ang umuwi ka pa."

"Pero papaano si lolo? Natatakot akong mapahamak siya!"

"Huwag mong isipin 'yon, ngayong alam na natin ang galaw ng kalaban tayo naman ang kikilos. "

Tumunog ang cellphone ng dalaga.

"Jen, kumusta na diyan buti napatawag ka. "

"Ms. Ellah, pinatalsik nila si don Jaime!"

"Alam ko napanood ko sa T.V. "

"Paano na kayo ngayon? Ms. Ellah, si Mr. Javier na ang kumikilos dito pati na rin ang mga accountant. "

"Jen, huwag mong ibaba ang phone. "

"Sige. "

Inirecord ng dalaga ang pinag-uusapan nila.

"Kasama ba niya ang accountant na si Gonzalo?"

"Opo Ms."

"Sino pa Jen?"

"Hindi ko po alam Ms. nasa labas po ako kaya ako nakatawag. Mamaya hindi na po pwede at papatayin ko na ang cellphone ko, pasensiya na Ms. pero ayaw nilang banggitin namin ang pangalan ninyo ni don Jaime. "

"Gano'n ba? Jen, pwede bang ikaw ang magiging mata at tainga ko diyan sa loob? "

" Opo Ms. Makakaasa po kayo. "

" Maraming salamat, sabihin mo lahat ng malalaman mo diyan, mag-iingat ka ha? "

"Opo Ms. salamat. "

Ibinaba niya ang cellphone.

Kakausapin niya sana ang nobyo kaya lang may nurse na pumasok.

"Sir, i check ko lang kayo sandali, kumusta na kayo?"

"Medyo okay na. "

"Ms. pwede bang mamaya na 'yan may pag-uusapan muna kami."

"Ngayon po ang schedule ni sir."

Aalma pa sana siya ngunit hinahawakan siya ng nobyo sa kamay.

"Hayaan na natin siya."

Tumango siya at umupo sa may sofa.

Pinagmasdan niya ang ginagawang paghawak ng nurse sa braso ng nobyo.

Nasa dibdib ang sugat ni Gian kaya nakaharap ang nurse habang nakahiga ang nobyo niyang nakahubad na ng pang-itaas.

Nakayuko naman ang babae habang masaya sa pagtatrabaho.

Sumama ang tingin niya sa babae.

Ilang sandali pa nagsalita ang babae.

"Tapos na ho sir, pagaling kayo agad sa kamakalawa makakalabas na po kayo. "

"Sige po, salamat. "

Umirap siya pagkaaalis ng nurse.  "Kasama daw ang accountant. "

Sumeryoso si Gian.

"Natitiyak kong marami sila. "

"Ano na ang gagawin natin?"

" Tayo naman ngayon ang kikilos. "

"Ha? Pero paaano natin 'yon gagawin eh hindi ka nga makakaalis diyan?"

Napangiti si Gian ngunit saglit lang.

"Akala mo ba gigyerahin natin sila?"

"Hindi ba?"

"Matatalino ang mga kalaban ninyo, nagawa nilang patalsikin ang iyong lolo ng walang ginagamit na dahas. Kaya hindi rin tayo gagamit ng dahas. Hanggat hindi sila gumagamit noon, tayo ay hindi rin. "

---

MEDC OFFICE...

Sa loob ng kumpanya ay nagtitipong muli ang mga opisyal sa isang mahabang mesa at sa harap ng mga ito ay ang mga kopitang may lamang alak.

Lahat ay nakatingin sa bagong Chairman.

"Congratulations Chairman! Sinong mag-aakalang kayo ang papalit? Wala!"

"Nagawa rin natin ang matagal na nating plano, ngayon madali na lang sa atin ang maniobrahin lahat.

Tayo na ang mamamahala sa kumpanya na dapat noon pa natin ginawa," sagot ng bagong Chairman.

"Mr. Chairman, ngayong kayo na ang namumuno, papalitan niyo ba ang mga tao ni don Jaime?"

"Lahat sila. Wala akong ititira. Lahat ng kakalaban sa atin aalisin ko."

"Tama 'yan! Kayo ang nagpapakahirap pero kahit minsan ay hindi kayo inintindi ni don Jaime kaya dapat lang sa kanila ng apo niya ang nangyari."

Itinaas ng naturang Chairman ang noo.

Ngayong siya na ang namamahala, wala ng makakapigil pa sa mga plano niya.

"Maglalagay tayo ng panibagong posisyon, kayong mga nakasama ko simula pa noon ay ang siyang papalit sa lahat ng matataas na posisyon."

"Kailan natin 'yan gagawin Mr. Chairman?"

"Ngayon," matigas nitong sagot.

Ikaw Javier, magiging direktor ka na," pag-aanunsiyo ng naturang Chairman.

Tumayo ang dating Marketing Manager.

" Maraming salamat po Chairman. Maraming salamat din sa pagpapalaya sa akin. "

" Magaling ang amo natin buti na lang malakas siya sa loob. "

" Huh! Akala siguro ng ugok na Villareal na 'yon mabubulok niya ako sa kulungan!" inayos nito ang suot na tuxedo.

Binalingan nito ang isa pa." Ikaw naman Galvez, General Manager ka na. "

"Marami pong salamat Mr. Chairman!"

"Ikaw direktor Han, ang bagong Presidente. "

Tumayo ang naturang direktor at humarap sa lahat.

"Maraming salamat Mr. Chairman, gagawin ko po lahat ng makakaya ko para mas mapaunlad pa natin ang kumpanya. "

"Tama, tayo ang kikilalaning pinakamalaking supplier ng carbon sa buong bansa!"

"Para sa bagong Chairman!" itinaas ng Presidente ang hawak na kopitang may laman na wine.

"Para sa bagong Chairman cheers!"

Sabay sabay na nagtaas ng kopita ang mga ito at sabay na lumagok.

"Ah, ang sarap ng wine na ito, lasang tagumpay!" anang Chairman.

Naghalakhakan ang lahat.

---

CIUDAD MEDICAL...

Tumunog ang cellphone ng dalaga. Mabilis niyang sinagot.

"Jen?"

"M-Ms. Ellah...." tila nanggaling sa pag-iyak ang boses ng kausap.

"Bakit Jen?" kinabahan siya.

"M-Ms. tinanggal po ako, "

napasigok ang babae.

Nabitiwan niya ang cellphone.

"Bakit?" pinulot ito ni Gian.

"Si Jen, tinanggal nila."

"Tayo naman ang kikilos ngayon!"

Napalunok ang dalaga at hindi na niya alam ang gagawin sa dami ng suliranin.

Lumabas siya para magpahangin.

Kinuha ng binata ang cellphone nito at may tinawagan.

"Vince pare, nasa trabaho ka pa ba?"

" Oo pare, pero pinagplanuhan na ng mga opisyal natin ang pag raid sa kuta ng mga kargamento, bakit? "

" Kailangan ko sana ang tulong mo. "

" Anong gagawin? "

" Pare, tungkol kay don Jaime, tinanggal na siya. "

" Talaga! May nakagawa no'n?"

"Kung hindi ka pwede ako na lang."

"Bakit makakalabas ka na ba ng ospital?"

"Sa susunod na linggo pa pare."

"Lintek, matagal pa pala pero lalabas ka na? Hintayin mo ako diyan papunta na ako!"

"Hindi ba makakasama sa trabaho mo?"

"Wala na akong masyadong ginagawa, nalaman ko na lahat ng impormasyon, opisyal na bahala roon. Ano bang gagawin?"

"May ipapabigay akong ebidensiya para kay don Jaime."

Nagpanting ang tainga ni Vince.

"Lintek! Nakalimutan mo ba? Ang taong tutulungan mo ay ang taong muntik ng pumatay sa'yo!"

"Vince pare, naiintindihan ko ang galit mo, pero pare mahal ko ang babae, lahat gagawin ko para sa kanya, kaya pare tulungan mo sana ako. "

"Nakaka putang ina lang kasi, tutulungan mo pa ang taong naging dahilan ng pagkaospital mo!"

"Vince, malaki ang utang na loob ko kay don Jaime, alam mo 'yon. "

"Pwes bawing-bawi ka na!"

Huminga ng malalim ang binata.

"Vince pare, nasa gipit na sitwasyon ngayon si don Jaime na siyang tumulong sa akin noong magipit ako. Pare kailangan niya ang tulong natin ngayon. Matanda na si don Jaime para maranasan pa ang ganito kasaklap na kabiguan."

"Ano bang ebidensiya 'yan?"

"Mga dokumentong magpapatunay na magkasabwat ang marketing manager at ang direktor, may kasama ding video sa USB ng kanilang mga transaksyon. "

Naiiling si Vince. "Paano mo nagawa sa loob lang ng maikling panahon?"

"Malaya akong nakakapasok sa loob. "

"Ngayon alam ko na, ito pala ang sinasabi mong trabaho. "

"Tama ka pare, kung hindi lang ako nabaril, mas marami pa sana akong makakalap na impormasyon, pero sa ngayon, sapat na 'yan. Pare pakibigay kay don Jaime dahil tiyak kailangang-kailangan niya 'yan!. "

"Pasensiya na pare baka pag nakita ko ang don Jaime na 'yon ako mismo magpapakulong."

Humugot na malalim na paghinga ang binata.

"Naintindihan ko pare, isa pa hindi ka pwede basta lang lalabas sa misyon mo. Delikado 'yan, ingat ka palagi."

"Maraming salamat pare."

Pagkatapos ng usapan ay binalingan siya ni Ellah.

"May trabaho si Vince?"

"Oo, kaya plano ko si Ryan papuntahin ko para tulungan tayo."

"Anong gagawin niya?"

"Ibibigay niya ang ebidensiya kay don Jaime."

"Ebidensiya ng? Paano ka nakakuha?"

"Kasama ko sina Valdez at Salazar."

"Talaga? Paano?"

Dahil sa tanong ni Ellah ay naalala niya ang ginawa noon.

Pagkatapos makausap ang dalawang opisyal sa site ay dinala niya ang mga ito sa isang coffeeshop ayun na rin sa kagustuhan ng Manager.

"Bakit dito pa sa ganitong lugar?" ang supervisor 'yon na papasok.

"Gian dito."

Napalingon sila sa tumawag.

Gano'n na lang ang pagkagulat ng supervisor nang makita nito ang manager na nakaupo sa sulok.

"Sir, nandito rin pala kayo?"

"Dalawa kayong gusto kong makausap," ani Gian na umupo na rin.

"Teka lang bakit kami?" anang supervisor.

"Dahil sa lahat dito kayo lang ang may pinakamabuting background, kaya kayo lang ang may kakayahang gumawa ng mga plano ko."

"Inimbestigahan mo ang background namin nang hindi namin nalalaman?" anang manager. "Kaya ba marami kang alam tungkol sa akin?"

"Pasensiya na kayo, pero kailangan."

"Paano mo 'yon nagawa samantalang gwardya ka lang?" ang supervisor.

Tumiim ang tingin ng manager sa kanya na tila nagdududa na.

"Hindi siya basta gwardya lang Salazar. Hindi kayang gawin ng isang ordinaryong gwardya lang ang gano'n."

Hinarap siya ng supervisor.

"Kung gano' n sino ka?"

"Mas mataas pa siya sa atin."

"Ano?" napalingon ito sa manager na nakatingin pa rin sa kanya.

"Magtitiwala lang kami sa'yo kapag sinabi mo kung sino ka talaga," tigas na tugon ng manager.

Huminga ng malalim si Gian at mariing tumingin sa dalawang kausap.

"Tama, hindi ako gwardya lang. Isa akong pulis."

Nabaghan ang supervisor sa narinig maging ang manager ay napaupo ng tuwid.

"Pulis ka? Asan ang tsapa mo?" tanong ng supervisor.

Dinukot niya mula sa bulsa ng suot na pantalon ang pitaka at inilabas nag sinasabi nito.

Nanlaki ang mga mata ng supervisor bago mariing napalunok habang nakatingin sa bagay na 'yon.

"S-sir, hindi namin alam pasensiya na po."

"Anong ginagawa mo sa kumpanya? May misyon ka ba rito at nagpapanggap ka?" deretsong tanong ng manager na ikinagulat ng supervisor.

"Misyon?"

Muling tumiim ang tingin ni Valdez sa kanya.

"Isa siyang spy."

"Ano!"

"Anong totoo mong pangalan?" si Valdez na duda pa rin.

"Gian Villareal," sagot ng binata.

"Sinungaling!"

Muli niyang hinawakan ang pitaka at inilabas ang ID na binasa ni Salazar.

"Gian Marasigan Villareal."

Doon pa lang tila nakumbinsi niya ang dalawa.

"Anong ginagawa mo sa kumpanya?"

"Kailangan ko ang tulong niyo pero mas higit ninyong kailangan ang tulong ko."

"Hindi ba kami mapapahamak niyan? Paano na ang pamilya namin?"

"Ligtas sila kapag pumayag kayo, hindi ko misyon ang kumpanya gusto ko lang makatulong sa pamamagitan ng tulong ninyo, maaayos natin ang inyong kumpanya."

"Paano kami makakatulong?" anang manager.

May binuksan siyang sobre at inilabas ang laman.

"Manmanan ninyo ang bawat galaw ng dalawang opisyal na 'yan."

Inilagay niya sa mesa ang larawan ng dalawang pinag-uusapan.

"Sandali sina Javier at Galvez ' to ah?" ani Salazar.

"Siguradong may nag-uutos sa dalawang 'yan, siguraduhin ninyo na makakapasok kayo sa opisina ng dalawa."

"Opo sir."

"Sa inyong dalawa nakasalalay ang kumpanya kaya maaasahan ko ho ba ang inyong mga tulong sir?"

"Opo sir!"

"Sir Gian!"

Nabalik sa kasalukuyan ang binata.

Mabilis na pumasok ang tauhan.

"Ryan, buti nakapunta ka."

"Yes captain kumusta?"

Binalingan nito ang dalaga.

"Good afternoon Ms. Ellah."

"Good afternoon din sa'yo Ryan."

Binalingan siya ng tauhan.

"Ano bang gagawin captain?"

Inabutan niya ito ng sobre.

"Ryan, ibigay mo kay don Jaime. "

"Ano 'to?"

"Mga ebidensiya 'yan, kaya ingatan mong mabuti."

"Hindi ba siya ang bumaril sa'yo captain?"

"Naunawaan ko kung mag-aalangan ka pero pakibigay lang niyan."

"Yes captain."

Mabilis itong lumabas.

Nilapitan siya ni Ellah.

"Ang mga ebidensiyang 'yon ba ay tiyak na makakaapekto sa mga hayop na 'yon?"

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Siyempre meron, gusto ko lang talagang madiin sila para makabalik na si lolo. "

"Hindi 'yon gano' n kadali. "

"Nakakainis lang isipin na ang lolo ko ang may-ari pero nagawa nilang traydurin!"

"Gano'n talaga, sa negosyo unahan lang 'yan. Kung sino ang mahina 'yon ang talo. Sa ngayon mahina kayo, pero babawi tayo at tinitiyak ko, tayo ang mananalo!"

"Gian, wala akong masasabi kundi pinagkakatiwalaan kita at mahal kita."

"Salamat, ang pagmamahal mo at pagtitiwala ang nagbibigay lakas sa akin para lumaban. "

Nagyakap ang magkasintahan!

Maya-maya ay hinarap siya ng dalaga.

"Paano ka nakakuha ng ebidensiya?"

"Sa panahon ng board meeting ninyo kung saan binatikos ka nila naalala mo 'yon?"

"Oo, bakit?"

"Doon ko isinagawa ang pagkuha."

"Talaga? Paano?"

Dahil sa tanong ng nobya ay muli niyang naalala ang ginawa.

Pagkatapos niyang ihatid sa conference room ang dalaga ay tinawagan niya ang dalawang pinagkakatiwalaan.

"Ngayon natin gagawin ang plano, lansihin niyo at libangin ang dalawang sekretarya ng mga opisyal na 'yon. Siguraduhin ninyong walang tao sa mga opisina nila."

"Opo sir!"

Habang naglalakad sa pasilyo ay sinulyapan niya ang CCTV.

Umiikot ito bawat sampung segundo.

Bawat palapag ay may CCTV.

Nasa ikaapat na palapag ang pakay niya.

Pagdating doon, wala ng tao madali na lang sana kundi dahil sa umiikot na camera.

Nasa kaliwa ang pakay niya at doon din ito nakatutok hinintay pa niyang umikot ito sa ibang direksyon.

Pag-ikot nito sa kanan ay saka siya mabilis na pumasok sa opisina ng pakay niya.

Sa gilid ng dingding nito ay kinabitan niya ng isang maliit na spy cam.

Nakaharap ito sa mesa ng opisyal kaya makikita kung sino man ang magiging kausap nito.

Nang matapos na ay naghanda siyang lumabas.

Marahan niyang pinihit ang pintuan at sinilip ang daan.

Walang tao, hinintay niyang umikot sa kabilang dereksyon ang camera saka mabilis na umalis.

Ilang sandali pa naglalakad na ang binata na parang walang nangyari.

May nakasalubong siyang isang empleyada na ngumiti pagkakita sa kanya.

"Gian, anong ginagawa mo rito?"

"Galing ako sa conference room, hinatid ko si Ms. Ellah."

"Gano'n ba? Sana maging maayos na ito, wala naman kayong relasyon hindi ba?"

"Wala po, ma'am."

"Mabuti, o sige mauuna na ako ha?"

"Sige po," tumango siya at nagpaalam.

Malalaman lang niya kung sino ang may pakana ng lahat magagawa na niyang harapin ang isang don Jaime.

"Kaninong opisina ang kinabitan mo ng gano'n?"

Ngumiti ang binata bago umiling.

"Bakit gusto mong malaman?"

"Siyempre para malaman ko kung...sandali pati ba akin kinabitan mo?"

"Huh?"

"Ano?" hinintay nito ang sagot niya.

"Hindi ko naman kinabitan 'yong sa' yo," nangingiti niyang tugon.

"Eh  ano ang ginawa mo?"

"Kinalabit ko."

"Huh?"

Humalakhak si Gian.

Nahahawa na siya sa gagong kaibigan!

Next chapter