AMELIA HOMES...
Nakarating ng bahay si Gian at humiga sa sofa ng inuupahang apartment.
Ito ang isa sa prebilihiyo bilang nasa mataas na posisyon sa kanyang trabaho.
Bilang isang Captain, mayroon siyang sasakyan at apartment.
Ang sabi ni Ellah umuwi siya upang maghanda.
"He's the President of a sardines company." Ang kalmadong boses ni Ellah ay umalingawngaw sa kanyang pandinig nang tumawag ito sa cellphone at nagpaliwanag kanina.
"Tsk. Gusto talaga niyang pumunta sa date na 'yon. Hindi ko na responsibilidad na ihatid pa siya sa lalaki niya. Tapos na trabaho ko. Maghanda siya mag-isa!"
Tumunog ang kanyang cellphone at bumangon nang makita kung sino ang tumatawag.
"Don Jaime..."
"Gian, pwede mo bang samahan ang unica hija ko ngayong gabi? Makikipagtagpo siya sa anak ng isa sa kaibigan ko."
"Don Jaime, hindi ho 'yon trabaho, date iyon."
"Oo, date ng apo ko, bigyan kita ng overtime pay, kailangan ng bodyguard ng apo ko lalo na at gabi na."
"Don Jaime, wala sa usapan ang-"
"Nakalimutan mo yata hijo, mas marami akong pabor na binigay sa inyo ni chief Romero. Isa pa dalawang linggo ka lang namang magsisilbi, kaya pagbigyan mo na ha?"
Marahas siyang bumuga ng hangin.
"Papunta na ho, sir."
"Good, hinihintay ka na ng apo ko."
Labag man sa kalooban ay napilitan siyang maghanda.
Tumunog muli ang kanyang cellphone dahil sa tawag ni Vince.
"Pare, napatawag ka?"
"Wala naman pre, gusto ko lang itanong kung in love ka na?"
"What?" Natigil siya sa pagsisepilyo.
"Oh! Brother, 'yong tono ng pananalita mo!" nasa tono ni Vince ang pangangantiyaw.
"Ako?" turo niya sa sarili.
"Inlove sa aristokratang spoiled brat na 'yon? No way!"
"Weh? 'Di nga?"
Tumawa lamang siya. "Tsk. Baliw ka."
"Bodyguard ako. My job is to protect her."
"Is blackmailing someone, a part of that job?"
Napahigit ng hininga ang binata.
"Nandito na naman tayo, ginagawa mo na naman 'yong own version of interrogation mo."
Natawa ng bahagya si Vince. "Alam mo namang dito ako magaling."
Alam naman niya 'yon. Ngayon iniisip na niya ang sasabihin.
Kapag sinabi niyang oo, parte ng kanyang trabaho 'yon bilang gwardya. Bakit daw?
Kapag sinabi niyang hindi parte, kung gano'n bakit niya ginawa?
Ano ang rason sa likod ng kanyang intensyon?
Hindi ito titigil sa pag-iimbestiga hanggang sa mahuli siya mismo sa kanyang mga pahayag.
Ang lalaking nasa kabilang linya ang siyang tumulong sa kanya sa pagbabanta sa supplier. Ito ang nagbigay sa kanya ng impormasyon upang magamit laban sa kliyente ng amo.
Sa kasamaang palad, ang lalaking ito ay kaibigan niya!
Malalalim ang paghinga ni Gian habang si Vince ay nakangiti sa loob ng opisina.
Naghihintay ito ng totoong sagot mula sa kaibigan. Pahusayan na lang sa pagdakip.
"Look, permit circulation was illegal."
"Yeah brother, explain further," tawa ni Vince. "Baka may gusto ka na talaga sa apo ni don Jaime? Kaya kahit hindi na parte ng trabaho mo ginawa mo pa rin."
Napabuga ng hangin sa buhok na nasa kanyang noo si Gian upang kumalma.
"Na inis lang ako dahil ang yabang ng hinayupak na 'yon."
"Siguraduhin mo pare. Falling in love with that kind of woman is dangerous."
"Look, wala akong gusto sa amo ko, okay? Fine, mabait siya, matinong babae at-"
"Maganda?" singit nito.
Tinapos niya ang pagsesipilyo.
"Oo na, pwede na, maganda kunti.
Salamat sa payo. Pero hindi ako in love okay? Itaga mo 'yan sa puso mong bato."
"Hoy, may syota 'to. May minamahal 'to oy!"
"Sige na ikaw na may love life, busy pa ako." Akmang ibababa na niya nang magsalita si Vince.
"Tandaan mo pre, gwardya ka lang ng tagapagmana at wala ng iba. Ikaw ang Captain ng Alpha Team."
"Oo, sige na."
Nakahanda na si Gian kahit labag sa loob niya at walang gana.
Hindi na ito parte ng kanyang trabaho.
Parte pa ba ng pagiging bodyguard ang pakikipag date ng amo sa ibang lalaki?
Hindi na, hindi ba?
Driver lang ang kailangan ng babaeng 'yon.
Kaya may karapatan siyang tumanggi.
Hinagilap niya ang cellphone at tinawagan ang amo.
"Nasaan ka na?" bungad nito.
"Hindi ako makakarating masama pakiramdam ko."
"Ano? Sabi ni lolo pumayag ka?"
"Oo pero sumakit tiyan ko."
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga! Sana sinabi mo agad para hindi ako na late!"
Bahagya niyang inilayo sa tainga ang cellphone dahil sa sigaw nito.
"Hija, ano ba 'yan?" dinig niyang untag ng don.
"Si Gian lolo, ayaw ako ihatid!"
"Madam, papunta na!"
Nagkukumahog siya sa pagbibihis.
Hindi niya kayang tumanggi dahil tiyak magagalit ang hepe nila kapag nalaman nitong hindi siya sumusunod sa utos.
Sa loob ng dalawang linggong paninilbihan ay ito ang unang pagkakataong masaksihan niya ang pakikipagtagpo ng amo sa ibang lalake.
At siguradong hindi lang ito ang huli kaya dapat masanay na siya.
Hinarap niya ang salamin habang nakatingin sa kanyang suot.
T-shirt na itim, pantalong itim, sapatos na itim, sumbrerong itim at leather jacket na itim.
"Woah, nagluluksa lang?"
Iritadong hinablot niya sa kabinet ang t-shirt na kulay pula at hinubad ang damit saka ipinalit at sinapawan ng leather jacket.
Isinuksok niya ang baril sa likod ng pantalon.
Perpektong porma bilang isang gwardya.
"Gwapo ka nga, wala ka namang panama!"
Ang babaeng hinahangaan niya ay lumilipad samantalang siya ay gumagapang.
"Sandali lang, bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa mga lalake ng babaeng iyon? Tsk hindi pa ako baliw."
---
LOPEZ MANSION...
Kunot-noo si Ellah ng dumating si Gian.
Malapit na silang mahuli!
Suot pa naman niya ang isa sa paboritong damit na black silk dress tube above the knee na may slit sa gilid. Kumurba ng husto ang kanyang beywang.
Inilugay niya lang ang wavy hair niyang hanggang balikat.
Paglabas ay narinig niya ang boses ng abuelo na tila kinagagalitan ang kausap.
"Ang tagal mo Gian, ayaw kong pinaghihintay ng matagal ang anak ng kaibigan ko, sa susunod maging on time ka okay? Kasosyo 'yon sa negosyo ayaw kong may makikita silang butas na makaapekto sa negosyo. Naiintindihan mo?"
"Pasensiya na ho, don Jaime." Marahang yumuko ang gwardya.
Bumaba na siya ng hagdan, sabay na napatingin sa kanya ang mga ito.
Napansin niya ang matiim na titig ng gwardya ngunit hindi malaman kung galit ba ito o humahanga.
"My dear, you are so beautiful!" malawak ang ngiting turan ng abuelo pagkakita sa kanya.
"I have to go, Grandpa," tugon niya at hinalikan sa pisngi ang matanda.
"Alis na ho kami sir," kalmadong saad ni Gian.
"All right, bilisan niyo at kanina pa naghihintay ang anak ng kaibigan ko ingat kayo.
Gian, take care of my gorgeous baby."
"Yes, sir."
"Lolo?" saway niya rito.
"Bilisan na ninyo."
Pagdating sa kotse ay tahimik na binuksan ng bodyguard ang pinto sa front seat.
Iritado na siya dahil sa pagiging late. Ayaw niyang isipin ng katagpo na ayaw niyang sumipot sa sobrang late. Galit na nga ang lolo niya, madagdagan pa ng galit ng ka date.
Binuksan niya ang backseat at pumasok doon.
"Ba't nasa likod ka?"
"Remember, I am the boss."
Marahang isinara ng kanyang driver-bodyguard ang pinto at umikot sa driver's seat at pinaandar ang kotse.
Tumatakbo na sila sa highway ng tahimik.
"Saan tayo Ms.?"
"HG hotel."
"Hotel? Agad?"
"Problema mo? Can you drive faster? Can you do it for thirty minutes?"
"Hindi pwede ma traffic, " malamig nitong tugon.
"Pero late nga tayo! I hate being late! Kasalanan mo 'to eh! Ang bagal mo!"
"Traffic."
Napansin niya ang pagbagal ng sasakyan na lalo niyang ikinairita.
"WHAT THE HELL! ANG SABI KO BILISAN MO!" Sigaw na niya.
Tumiim ang bagang ni Gian.
Anong karapatan nitong sigawan siya?
Tumalim ang titig niya sa daan at humawak ng mahigpit sa manibela.
Walang salitang inapakan niya ang gas hanggang sa umabot sa limit ang speedometer.
Wala pang ilang segundo lumilipad na sila.
Sanay siya sa paghahabol kay kamatayan dahil iyon ang trabaho niya, hindi nga lang niya alam sa kasamang nasa likuran na panay ang pagmumura.
'Hindi na ito parte ng trabaho ko, aarte pa ng ganyan ang babaeng 'to? Hah! Ang kapal! Isang linggo na lang ipagtitiis ko sa iyo oy!
Makikipagdate ka na kahit kanino, paki ko.'
"Shit! Stop!" sigaw ni Ellah at sinapak siya sa balikat.
Subalit nagkunwari siyang walang narinig.
Kumapit ng husto si Ellah sa likurang upuan dahil ang salitang "bilisan" para sa gwardya ay kamatayan!
Hindi na niya malaman kung saan kakapit dahil natatangay siya sa tulin ng takbo.
Ni hindi ito bumagal kahit maraming naeengkwentrong sasakyan, ni hindi tumigil sa traffic lights.
Ang ginawa nito ay mag-overtake nang mag-overtake!
Panay ang busina ng mga motorista.
Maya-maya pa ay may humahabol ng patrol car sa kanila. Bigla ang preno ng gwardya na kung hindi siya naka seatbelt ay lulusot siya sa windshield!
"Shit!" tanging nasabi niya at sandaling kumalma.
Lumabas ang pulis na pinakitaan ng ID ng gwardya saka nagsalita.
"Emergency."
Tumango lang ang opisyal.
Pinalipad ulit ng gwardya ang sasakyan.
"Bagalan mo naman!" reklamo na niya at tila nahihilo na, subalit bingi ang lalaki.
Akmang mag-overtake na naman nang biglang may papasulubong na sasakyan deretso sa kanila!
Nakapikit na humihiyaw siya!
Hanggang sa dumating na sila sa destinasyon sa loob lamang ng labing-limang minuto.
---
HG HOTEL...
Nagpasalamat siya sa langit na buhay pa ngunit nang bumuka ang kanyang bibig ay nakahanda siyang bumuga ng apoy mula sa impyerno.
" Gago papatayin mo ba ako!"
"Namatay ka ba?"
"Fuck you!" Sinipa niya ang kinauupuan ng gwardya dahil sa matinding takot bago
binuksan ang pinto.
"Yeah, fuck me," malamig namang tugon ni Gian.
"Isusumbong kita kay lolo!" Tumalikod na siya.
Kinuha niya ang cellphone sa bag at ginawang salamin. Animo siya galing sa pakikipagsabunutan!
Sinuklay niya ng kamay ang buhok bago bumaba.
"Sasamahan pa ba kita?" Lumabas ang gwardya.
"No!"
Agad siyang tumalikod at binilisan ang hakbang upang makalayo lang agad sa lalaki.
"Hinayupak na' yon muntik na akong mamatay!"
Huminga siya ng malalim upang kumalma.
"This way please madam," anang waiter at iginiya siya patungo sa VIP room.
Dumating siya sa silid kung saan may lalaking kalmanteng nakaupo sa mesang pandalawahan.
"Hi!" ngumiti ito at pinaghila siya ng upuan.
Humugot siya ng malalim na paghinga.
"Thanks," tugon niya at umupo. "Sorry, I'm late."
May itsura ang naturang lalaki at mukhang kagalang-galang.
Nakasuot ng black tuxedo.
"It's okay. Anyway, I'm Mark Leandro and you are?"
Kung talagang blind date ito, literal na blind ang isang ito.
"Are you sure you don't know me?"
"Of course I know you. Anyway can we eat first?"
"Are you hungry?"
"Ha? Ah, I just came from a meeting, and then I went straight here. I just don't want to come late."
Matapos marinig ang salitang late ay kinalma niya ang sarili.
"Let's order?"
Tumango siya.
Lumapit ang waiter at agad silang pinagsilbihan. Naglagay ito ng wine sa dalawang baso.
Habang naghihintay ng pagkain ay alam niyang inoobserbahan siya ni Mark habang sumisimsim ng wine.
"What's your passion?"
"Work," tugon niya.
Saglit itong tumingin sa kanya bago ngumiti.
"How about hobbies?"
"Work."
Natawa na ng bahagya ang lalaki.
"You should read good books, because I do. You will learn a lot from reading, and I love it."
"Ikaw 'yon."
"Ha?"
"Then you are knowledgeable enough, right?"
"No, kunti lang."
Sumandal siya sa upuan at humalukipkip.
"Ang sabi mo, marami kang matutunan sa pagbabasa at ngayon sasabihin mong hindi masyadong marami ang natutunan mo ibig sabihin nagsisinungaling ka!"
"Sandali nga, calm down."
"You're talking nonsense, ni hindi ka naghanda sa date na 'to. Magtrabaho ka na lang tutal nakapang opisina ka pa!"
"I explained, didn't I?"
"I don't care! Tell that to my lolo!" sigaw niya at lumabas.
"Wait!"
Hindi siya tumigil at deretso ang hakbang palabas, hinabol siya nito sa pasilyo.
"No woman has ever done this to me!" Hinila ni Mark ang kanyang braso papasok ng silid.
Nagpumiglas siya subalit malakas ang naturang lalaki.
"Let me go, you Neanderthal!"
Biglang tumigil ang lalaki at pinanlisikan siya ng mga mata.
"What did you say!"
"Stupid!"
Biglang itinaas ng lalaki ang kamay upang sampalin siya nang may malakas na boses ang umalingawngaw sa pasilyong kinaroroonan.
"LET. HER. GO!"