webnovel

Chapter 4 - The Bodyguard

PHOENIX HEAD QUARTERS...

"Don Jaime, pasensiya na sa inasal ng bata ko, kakausapin ko ulit, palayag din 'yon."

Humugot ng malalim na paghinga ang don bago tumango.

"Aasahan ko 'yan, aalis na kami."

Tumango ang hepe at hinatid nito ang mga bisita bago tinungo ang opisina ng tauhan.

"Villareal mag-usap tayo!"

"BODYGUARD? GWARDYA! SERYOSO BA 'YAN CHIEF?" Gustong sumigaw ni Gian sa tindi ng frustration habang kaharap ang hepe.

Nang mag walk-out siya kanina ay hindi na nakapagpaalam sa mga bisita.

Akala niya binibiro lang siya ng hepe ng sabihin nitong magiging bodyguard siya sa apo ni don Jaime, subalit ngayong dumalaw na ito ay doon na niya napagtanto.

"Villareal hindi ko gusto ang ginawa mo!"

"Pero chief naman, bakit ako pa? Hawak ko ang Aplha team at may misyon pa kami sa anak ni Mondragon-"

"Kalimutan mo na 'yon, ibang team ang i assign ko roon. Nagpapagaling ka pa at hindi naman basta-basta lang ang babantayan mo, apo 'yon ng taong nagbigay ng pangalawang buhay sa'yo."

Natahimik siya.

Nangyari 'yon noong nag-aagaw buhay siya sa isang misyon at ang Foundation ng mga Lopez ang tumulong na magbigay ng pinansiyal para sa mga tulad niyang alagad ng batas.

Subalit siya ang pinuno ng Alpha Team, iginagalang at tinitingala kaya isang kahihiyan kung magiging gwardya na lang siya ng isang babae pa!

"Pansamantala lang naman ito Gian, kapag nakahanap na ng kapalit si don Jaime aalis ka na agad," huminahong ang hepe kaya napilitan din siyang huminahon.

"Two weeks lang naman, hangga't hindi siya nakakahanap ng kapalit ng mga dating gwardya ng apo niya."

Dalawang linggo.

Misyon niya nga umaabot pa minsan ng isang taon bago maisagawa.

"Papayag na ako chief," napilitan niyang tugon.

"Good!" Ngumiti ang hepe.

"Pero! Pero dalawang linggo lang chief!"

"Oo naman, basta pagbigyan mo muna si don Jaime, malaki utang na loob natin doon."

Tahimik na lang siyang tumango.

---

LOPEZ MANSION...

Ngayon, kusa siyang pumunta sa tirahan ng mga Lopez.

Kung mayroon mang pinakaayaw ang binata, iyon ay ang magkakaroon ng utang na loob.

Utang na hindi kayang tumbasan ng salapi!

Kaya tutumbasan niya ng serbisyo ang utang na loob na iyon.

Habang nakaupo sa magarang sofa, inilibot niya ang paningin sa paligid.

Nakakalula ang kayamanan ng mga Lopez kitang-kita 'yon sa gara ng mansyon.

Moderno ngunit may halong klasiko ang kabuuan ng bahay. Tatak espanyol ang naturang mansyon.

Ngunit habang nakamasid sa paligid ay hindi niya napigilang mag-isip tungkol sa magiging bagong trabaho.

Ang pagiging gwardya ng isang babae ang pinakamababang antas ng pagiging protektor.

Being a protector without a mission is useless.

Hanggang sa may isang babaeng nakakuha ng kanyang atensyon mula sa hindi kalayuang distansya.

Awtomatikong nag pang-abot ang kanilang mga tingin.

Ang babaeng naka uniporme ng pang katulong ay tila mahina ang itsura ngunit malakas ang personalidad.

Napatayo siya habang hindi naghihiwalay ang kanilang tingin ng babae.

Sa pamamagitan lang ng tingin alam niyang may kakaiba rito.

"Mr. Villareal!"

Ang boses na 'yon ay naging sumpa sa tila mahikang nangyari sa kanya.

Naghiwalay ang kanilang titigan at nilingon niya ang matandang nakaupo sa wheel-chair kasama ang kanang-kamay nito sa likuran.

"I am glad to see you!" Nakangiting bati ng don.

Huminga siya ng malalim.

" Yes, don Jaime. "

"Julia, tawagin mo nga ang apo ko."

Muling sinulyapan ni Gian ang babaeng nakatitigan na nagngangalang Julia.

"Opo, don Jaime," tugon nito bago umalis.

Binalingan siya ng don.

"Maghintay muna tayo saglit, upo ka, nag-almusal ka na ba?"

"Yes," aniya at umupo.

Panay ang tingin sa kanya ni don Jaime ngunit hindi nagpahalata si Gian at kalmadong tumingin sa paligid.

Marahan ang paghagod ng mga mata ni Don Jaime sa magiging bagong gwardya ng apo.

Tama lang ang pangangatawan nito, hindi gaanong maskulado ngunit makikitang matatag. Matangkad at may itsura hindi masama ang tabas ng mukha.

Nakita na rin ng matanda ang record ng magiging bodyguard ng apo.

Magaling sa hand to hand combat, gun experts at strategies.

Ibig sabihin hindi lang sa physical na aspeto magaling, maging sa pag-iisip ay mahusay din.

Pasimpleng sinulyapan ni Gian ang matandang kaharap.

Alam niyang pinag-aaralan siya nito.

Bagamat hindi niya lubusang kilala ang naturang don, alam niyang may taglay itong kabutihan sa likod ng pagiging makapangyarihan.

"Relax," tinapik siya ng don sa balikat.

Marahan siyang tumango.

Ilang sandali pa may babaeng bumaba mula sa hagdan na ang buhok ay naka messy bun.

Natuon ang kanyang tingin sa mala aristokrata nitong mukha.

Ang babae ay may malakas na aura na kayang mapasunod ang sino man!

Kahit hindi naka make-up at nakapambahay lang ng suot na sleeveless at shorts ay napaka sopistikada pa ring tingnan.

Napapalunok siya nang hindi namamalayan.

"Gian, mukha lang 'yang tupa pero mag-iingat ka tigre 'yan," bulong ng matanda.

Natatawang napapailing ang binata bago pumormal saka muling pailalim na sinulyapan ang dalaga.

Naalala niyang ito nga pala ang naghahanap ng mapapangasawa.

Nang tuluyan na itong makalapit ay nagsalita ang matanda.

"Gian, ito nga pala ang unica hija ko, si Ellah, hija, si Gian Villareal, ang pinakamahusay na napili ko."

Tumayo siya bilang paggalang.

"Good evening ma'am," pormal niyang tugon.

Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa at saka nagsalita.

"Is this the man from the television?" 

Kumunot ang noo ng binata at umayos ng tayo.

'Telebisyon?'

"Yes, hija," tugon ng don.  

Hinarap siya ng dalaga nang may seryosong anyo.

"Do not call me that, address me as miss," matigas na tugon nito.

Tumahimik siya at naiisip na sa telebisyon lang siya nakita ng mga ito.

Gano'n din naman siya, nakita lang din niya ito sa telebisyon.

"Hija-"

"I remember you miss..." putol niya sa usapan.

Napatingin ang mga ito sa kanya at hinintay ang kanyang sasabihin.

"...A woman in the audition," kalmado niyang wika.

"What?" kumunot ang noo ng tagapagmana.

"Ah, hija, si Gian Villareal, siya na ang pinakamagaling na nakuha ko. Nag-iisa lang 'yan pero katumbas ng apat."

Dahil sa sinabi ng don ay itinaas niya ang mukha at tumayo ng tuwid para ipakitang tama ang lahat ng sinabi ni don Jaime.

Tinitigan siya nito ulit mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo.

"Okay na lolo, mukha naman siyang tao," anang dalaga at umupo sa couch.

Nagtiim ang kanyang bagang.

Anong ibig sabihin no'n?

'Mukha ba akong hayop?'

Bumulong ang don, "Ah, Gian pagpapasensyahan mo na ang apo ko ganyan talaga 'yan prangka kung magsalita."

Tumango siya.

Ang totoo gusto na niyang sapakin ang apo nito.

Malambing ang boses pero matalas ang dila.

Umupo ang don sa tabi ng dalaga.

"Okay, ganito ang set-up dito. Bodyguard-driver ka ng apo ko, ang uniform ay tux. May kwarto sa guards quarter kung gusto mo ay bibigyan kita."

Ang magsuot ng tuxedo ay hindi niya kinasanayan mula pa man noon.

"Kailangan ho ba talagang mag tux?"

"Yes."

"Ayaw ko ng mukhang goons," derektang saad ng apo na tumititig sa kanya.

"Okay naman sa'yo hijo ang mga terms and conditions?"

Tumikhim siya. "Hindi ho ako titira rito."

"Sige, ikaw ang bahala."

"Pero lolo, paano kung may emergency na kailangan ko wala siya? Halimbawa sa mga date ko?"

Agad uminit ang ulo ni Gian sa narinig.

'Emergency na pala ang date ngayon?'

"Ma'am, driver-bodyguard ho ako hindi alalay ninyo. Ang oras ng trabaho ko ay sa oras ng trabaho niyo."

"Ano? Aba-"

"Hija Ellah, tama si Gian, sa oras ng trabaho lang siya makakasama."

Tumalim ang titig nito sa kanya halatang naiirita, parehas lang sila napipilitan lang naman siya talaga.

"Okay, iwan ko muna kayo, hija ikaw na bahala kay Gian."

"Sige po."

Nang makalabas na ang matanda ay nagdekwatro ang tagapagmana at tumambad sa kanyang paningin ang napakaganda at napakakinis nitong binti ngunit wala itong pakialam kung nakatingin siya roon, lalo naman siyang walang pakialam at inilipat ang tingin sa mukha nito.

Pormal ang anyo nito at walang emosyon, kagaya niya.

"Mr. Villareal, ilang taon ka na?"

"Thirty."

"May asawa?"

"Wala."

"Anak?"

"Lalong wala."

"Girlfriend?"

"Wala rin."

"Ex?"

"Yes."

Huminga ito ng malalim saka siya pinagmasdan.

"May itsura ka naman, you are perfect. You're hired!"

Umayos siya ng pagkakaupo.

"You can start tomorrow, by seven a.m. sharp, I need you to be here," anang dalaga at tumayo na.

Tumayo na rin siya, nauna itong naglakad kaya nakikita niya ang ganda ng hubog ng katawan ng dalaga.

May katangkaran at tamang-tama ang kurba hindi gaanong matambok ang pang-upo ngunit hindi rin patag.

Bawat paghakbang nito ay pasimpleng umiindayog ang balakang at maging ang pang-upo, nawiwili siya sa nakikita.

"Mr. Villareal," untag ng tagapagmana at biglang tumigil sa paghakbang.

"Yes? " Napakislot siya at muntik ng mabunggo sa likuran nito kung hindi siya maagap na huminto.

Bahagyang lumingon si Ellah pero hindi ito nakatingin sa kanya.

"Are you watching my back?"

"Ha?"

"I don't want a liar, paano kita mapagkakatiwalaan sa malaking bagay kung sa maliit ay nagsisinungaling ka na? So I'll ask you again, are you watching my back?"

Natigilan si Gian. Hindi naman siya sa likod nito nakatingin kundi sa pang-upo.

Kung magsinungaling siya posibleng hindi na siya magiging gwardya nito.

"No."

Tumaas ang kilay ng dalaga at nilingon siya.

"You're lying," paratang nito.

"Yes, I mean nakatingin ako pero hindi sa likod mo, " mahina ngunit matigas niyang tugon.

Hinarap na siya ng tuluyan ng tagapagmana bago humalukipkip.

"Kung gano'n saan ka nakatingin?"

Hindi siya magsisinungaling ng dahil lang sa maliit na dahilan.

"Sa pwet mo."

"What? Manyak!" Bigla itong tumalikod na ikinangiti niya.

"Ano, i fire out mo na ako?" nananantiya niyang tanong.

Mas gusto niya ang gano'n hindi bale ng mapagalitan ng hepe nila kaysa magsilbi sa isang babaeng hindi naman parte ng misyon.

"No. At least you tell the truth! But next time, don't do that or else I'll sue you."

'Kaso agad?'

Napakamot siya ng batok.

Tuluyan na itong umakyat at siya lumabas.

"Hooh! What the hell?"

Aaminin niyang kinabahan siya sa nangyari kanina, hindi dahil sa mawawalan siya ng trabaho kung hindi ay dahil sa matatamaan nito ang kanyang ego bilang lalake kapag sinampahan ng kaso dahil sa pagiging 'manyak.'

Nagkakandarapa ang babae sa kanya hindi siya!

Tuluyan ng umalis si Gian sakay ng kotse.

Pinagmasdan ni Ellah sa labas ng bintana ang pag-alis ng sasakyan ng magiging gwardya.

Tatanggapin niya ito dahil mukhang maasahan kahit mukhang manyak.

Alam niyang hindi siya bibiguin ng isang don Jaime.

Marahan siyang humiga sa malambot na queen - size bed at nag-isip sa magiging bodyguard niya.

Aaminin niyang napahanga siya sa tahasan nitong pag-amin sa katotohanan.

Ang ibang lalake madali lang magsinungaling at iyon ang pinaka ayaw niya.

May matikas na pangangatawan at matapang na mukha. May awtoridad ang porma at powerful ang awra.

Tila maasahan naman ang naturang lalake kahit pang-upo niya ang pinuntirya ng mga mata.

"Tall, dark and..." napangiti siya bago tuluyang pumikit ngunit bigla ring dumilat saka sumimangot.

"Woman in the audition? Teka sandali...does it mean nakita niya 'yon?"

---

AMELIA HOMES...

"Pakiulit nga pare, gwardya ka ng apo ni don Jaime?"

Nanlalaki ang mga mata ni Vince habang hawak ang basong may lamang alak.

Dinalaw siya nito sa bahay niya kinagabihan ng malaman kung ano ang trabaho niya.

Tinungga niya ang alak sa basong hawak.

"Ayaw ko pero kailangan."

"Ingat pare, apo ng isang don Jaime Lopez 'yan. Muntik ng makidnap noong nakaraang buwan kaya siguro sa' yo pinagkatiwala ni Chief. Namatay kasi lahat ng bodyguard niya para lang iligtas siya."

"No way! Hinding-hindi ko 'yon gagawin!" Tumatawang tinungga niya ulit ang alak.

"Hahayaan mong mapahamak ang apo ni don Jaime?"

"Dalawang linggo lang ako, siguro naman hindi siya kikidnapin sa panahong 'yon."

"Dalawang linggo lang pala! Pare, pagkatapos mo ako naman, gusto kong makita ang apo ng isang don Jaime Lopez."

"Oo naman! Sasabihin ko kay Chief."

"Maganda raw sa personal? Totoo?"

Agad siyang umiling. "Hindi, scam 'yon maniwala ka."

"Pare, kapag naging kayo ng apo ni don Jaime, para kang nanalo sa lotto kahit hindi ka naman tumataya!"

"Gago!" Tumatawang binato niya ito ng chips na pulutan.

Naalala niya ang pang-upo ng dalaga sa sinabi nito.

Humagalpak ng tawa ang kaibigan.

Next chapter