webnovel

19

Hininto ni John ang sasakyan sa isang gilid ng kalsada lumabas. Lumabas naman ako at nakita kong pinapalibutan kami ng mga kahoy. Isang gubat. Akala ko ay pupunta kami sa sementeryo pero dito n'ya ako dinala.

Napaka dilim nito at parang gusto ko nang umatras at umuwi nalang. Nang maglakad si John papunta sa loob ng gubat ay sumunod naman ako. May mga kakaibang mga tunog ang naririnig ko at tumatayo na ang mga balahibo ko.

Huminto kami sa pinakadulo ng gubat at may nakita kaming isang bangin. Nakakatakot iyon dahil napakalalim at napakadilim. Walang buwan ang nakikita ko sa langit kaya napakadilim, mabuti nalang at nagdala ng flashlight si John.

Nakita kong umatras si John na parang may nakita at nanginginig ang katawan. May mga ilang butil ng pawis ang nakikita ko sa noo n'ya.

Hinawakan ko si John sa kamay para pakalmahin s'ya. Nakikita kong nahihirapan s'yang huminga, tumataas at bumababa ang dibdib n'ya dahil sa marahas na paghinga.

"John, bakit mo 'ko dinala dito? Hindi naman ito—"

"Emy.. T-they were murdered here in front me." Lumaki ang mata ko dahil sa pagdidirikta n'ya na magsalita.

"John, hindi ko naman sinabi sa'yo na gusto kong malaman kung anong nangyari sa mga magulang mo noon at wala akong karapatan na malaman iyon." Mahinang sambit ko.

Huminga s'ya ng malalim at pumukit sandali kapagkuwan ay dumilat at tumingin sa may bangin. Hindi ko inaasahang ipagpapatuloy n'ya ang pagkekwento. Mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa n'ya.

"Pagkatapos saksakin si daddy at magahasa si mommy at ilang beses na sinaksak habang may takip sa mga mata nila ay... ay..." Bigla ko s'yang niyakap at hinagod-hagod ang likod n'ya.

"Tama na, John. Sapat na iyon sa'kin para malaman ko—"

"Inihulog sila sa bangin... ginawa ko ang lahat para makatakas dito, pero huli na ang lahat nang masaksak na ako non at nagising nalang ako isang araw na nandoon na ako sa hospital. I hate hospitals and I don't like the smell of those medicine around there. Bata palang ako no'n at wala pa ako sa tamang pag-iisip. Walang bumibisita sa'kin noon at wala akong kausap. I hate being alone, my trauma was always coming back. I was fucking alone and from God's mercy, someone came and it was my tita. Inalagaan ako at itinuring akong anak. She said someone had take me from here and saved my life. I promised to myself that I will be forever grateful to someone who just saved my life and I will seek justice and make them pay for what they did to my parents. I couldn't understand why those fuckers had to do that to them, bakit kailangan pahirapan sila ng ganoon. Mabuti naman ang kanilang trabaho bilang mga lawyer.. ba't—bakit..."

Nakatingin lamang ako sa mga mata n'ya at kitang kita ko doon ang paghihirap. Nanginginig pa din ang mga labi n'ya habang binibigkas ang mga katagang iyon.

"Pumikit ka, John." Sambit ko.

Kumunot ang noo n'ya at biglang natarantaa. "Ano? Iiwan mo 'ko? No. Don't, I'm scared."

Ngumiti ako at sumagot. "Hindi kita iiwan, pangako. Basta pumikit ka lang."

"Ayoko.." May takot pa rin sa mga mata nito pero sumunod naman s'ya.

"'Wag kang didilat. Gusto kong matulungan kita.." bulong ko. "Isipin mo, John... isipin mo lahat ng mga nakaraan mo dahilan sa pagkakaroon ng trauma mo. Idama mo at isipin mong nahihirapan ang mga magulang mo."

Naramdaman ko sa mga kamay ko ang kamay n'ya na nagsisimulang manginig. Tumingin ako sa mukha n'ya na parang nasasaktan.

"Walang kaawa-awa ang nagpatay sa kanila at kahit bata ka palang noon, nagawa nilang isaksak ka. Isipin mo kung ilang beses nilang ginawa iyon sa ama mo at isipin mo kung gaano kasakit makita ang ina mo na ginahasa sa harapan mo. Isipin mo John..." bulong ko. Wala na akong pakialam kung nasasaktan s'ya sa mga salita ko.

"Emy..." bulong n'ya. May namumuo nang mga luha sa mata n'ya.

"Kaya mo 'yan John." Ngumiti ako kahit hindi n'ya nakikita.

Naramdaman kong nanlalamig ang mga kamay n'ya. May isang butil ng luha ang nahulog sa pisnge n'ya at agad ko naman iyong pinunasan.

Ilang beses s'yang huminga ng malalim at tahimik na nakapikit at bigla na namang humihinga ng malalim. Nakakunot ang noo n'ya hanggang sa unti-unting nawawala ang panginginig n'ya at naging kalma ang kan'yang buong katawan. Ilang segundo pa s'yang nakapikit bago n'ya idinilat ang mga mata at bigla nalang akong niyakap.

Hinagod ko ang likod n'ya at ngumiti. "Hindi ibig sabihin agad kang gumagaling pero handa akong maging therapist mo."

Kumalas s'ya sa pagkakayakap at tumitig sa'kin. "I don't want to go on a therapy but I have you now."

Nagulat ako nang bigla n'ya akong hinalikan. Nakabukas lang ang mga mata ko at hindi magawang ipikit iyon. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nang igalaw n'ya ang mga labi n'ya sa mga labi ko ay nanghina ako at dahan dahang inilagay ang mga kamay sa likod ng leeg n'ya.

Doon ako pumikit at dahan dahang sinunod ang galaw ni John. Ang sarap ng pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang mailapat n'ya ang mga labi n'ya sa labi ko. Nawala ang inhibisyon na nararamdaman ko ng kagatin n'ya ang pang-ibabang labi ko dahilan para lumabas ang hindi ko inaasahang halinghing mula sa bibig ko.

Ipinulupot n'ya ang braso sa bewang ko at hinihimas-himas iyon paibaba at paitaas. Para akong mababaliw ng laruin ng dila n'ya ang dila ko sa loob ng bibig ko. Mas naging mapusok ang paghalik n'ya at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakawit ng kamay ko sa likod ng leeg n'ya.

Agad kong naalala si Kim at ang mga masasayang ngiti n'ya. Bigla akong dumilat at lumayo kay John na parang napaso. Lumaki ang mata ko at agad akong kinabahan.

"J-john, hindi pwede 'to..." Umiiling na sabi ko. "Mali 'to."

Lumaki ang mata ko nang lumapit s'ya at hinapit ako palapit sa kan'ya at lumapit ang mukha sa mukha ko. "Don't think about it." Bulong n'ya malapit sa labi ko. "Think about us." Agad n'ya akong hinalikan at wala akong nagawa kundi tugunin ang mga halik n'ya.

Sa sandaling iyon, para akong makakasalanan na tao at hindi inisip kung anong kalalabasan sa susunod na mangyayari. Hinayaan ko muna ang sarili ko na malunod sa sarap ng labi ni John at alam ko sa sarili ko na hindi na ito mangyayari.

Next chapter