webnovel

16

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Doon lang ako napamulat nang may biglang kumatok.

"Sir. Oras na po para kumain. Darating po ang ma'am mamayang hapon para kamustahin ka." Sabi ng maid na galing sa labas ng pinto.

Tumingin ako sa katabi ko at agad na napalinga-linga nang wala sa tabi ko si John. "John?"

"Yes?" Agad kong nakita si John hindi kalayuan sa harapan habang pinupunas ang basa n'yang buhok. Nakahubad baro s'ya pero ang pang-ibaba ay nakasuot ng pajama. Iniiwas ko ang paningin ko dahil sa panginginit ng pisngi ko. Ang macho n'ya at naiilang akong titigan ng matagal ang katawan n'ya.

"Ah, kumain ka na." Sabi at bumangon para umalis sa kama kapagkuwan ay lalabas na sana nang magsalita s'ya.

"Eat with me."

Napatigil ako. Ano bang pinagsasabi nito? Kailangan ko nang umalis.

"Pero kaila—"

"Eat with me." Maowtoridad na saad n'ya.

"'Wag sa labas. Nahihiya ako." Sabi ko.

"Eat with me here, then." Aniya kapagkuwan ay isinampay sa balikat ang tuwalya at lumapit sa'kin. Sa isang iglap, nasa harapan ko na s'ya, napakalapit n'ya. Gusto kong umatras pero nahawakan na n'ya ang magkabilang balikat ko.

"Stay here. I'll get the food." Magpoprotesta sana ako nang pinaupo na n'ya ako sa gilid ng kama at agad na umalis. Wala akong magawa dahil ayoko ding lumabas, nahihiya ako sa mga katulong nila John.

Ilang minuto ng paghihintay habang nakaupo lamang ako sa kama ay agad na pumasok si John na may dalang tray ng pagkain sabay lapag sa maliit na lamesa sa gilid ng kama.

"Here." Sabi n'ya at pumasok sa isang pintuan at agad na lumabas habang sinusuot ang isang simpleng damit na puti.

Lumapit s'ya sa harapan ko at may kinuha sa ilalim ng kama. Napaiwas ako sa paa ko para bigyang laya ang mga mata n'ya na makita kung ano ang hinahanap. At nang makuha ay isa iyong lamesa na maliit at inilapag sa ibabaw ng kama. Pumwesto s'ya sa harapon na iyon at tumingin sa'kin.

"Put the food here. We'll share a plate." Utos ni John.

Kahit galing pa ako sa gulat dahil sa utos n'ya ay nagawa ko paring kunin ang mga pagkain sa tray. Nang mailapag ko na iyon lahat ay pinapwesto n'ya ako sa tabi n'ya.

"Diba ako ang mag-aalaga sa'yo ngayon? Galing ka pa sa sakit at agad kang naligo, baka bumalik na naman ang sakit mo. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo dahil wala dito ang kasi—"

"Don't worry. Magpapasubo ako sa'yo." Ngumisi s'ya.

Lumaki ang mata ko sa gulat. "Marunong ka pala talagang mag tagalog?" Kahit nakakagulat ang sinabi n'ya ay mas lalo akong nagugulat dahil sa pagtatagalog n'ya.

Nagkibit-balikat s'ya. "Yeah. But I'm not quite used to it."

Tumango-tango ako at agad na napahinto nang makita ko na isa lang ang kutsara at tinidor. "Ikaw na ang kumain."

"No. We'll share, Emy."

"Hindi. Isa lang—"

"Hindi, Emy." Napahinto ako at napatitig kay John. Parang may parte sa'kin na sobrang nagugustuhan ang boses n'ya kapag nagtatagalog s'ya. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. "Magsasalo tayo. Susubuan mo 'ko at ayokong ayawan mo 'ko."

Next chapter