Nang matapos kaming maghaponan ay agad naman akong inihinatid ni Kim sa bahay namin. Hindi naman masyodong malayo ang bahay namin kaya madali kaming nakarating.
Bago pa ako makababa ay niyakap muna namin ang isa't isa.
"Ingat ka sa flight mo bukas, Kim." Sabi ko at tinapik-tapik ang likod n'ya. Kumalas na ako sa yakap n'ya.
Ngumiti s'ya sa'kin. "Yeah, I will."
"Geh, labas na ako," kinuha ko na ang bag ko sa upuan sa likod pero bago pa ako makalabas ay hinawakan na ako sa braso ni Kim, bumaling ako sa kan'ya na naka-kunot noo, "oh?"
Matiim s'yang tumitig sa'kin bago nagsalita, "will you do my favor?" Biglang tanong n'ya.
Mas lalong lumalim ang gatla ng noo ko. "Kung anong sinabi sa'kin, 'yon lang ang gagawin ko." Sabi ko.
Malapad s'yang ngumiti sa'kin, may kislap iyong kasiyahan. "Great! Promise, I'll pay you for a payback," sabi n'ya bago sumeryoso at bumuntong hininga, "babantayan mo lang naman s'ya, yun lang, Em."
Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. "Pa'no?"
"Simple. Just follow him wherever he is, and don't take your eyes off him, okay?" Sabi n'ya.
Nakakagulat dahil ganun na lamang ang gusto ni Kim na mangyari kapag nandoon na s'ya sa malayo.
"Sige.." mahinang sambit n'ya. "Gagawin ko naman talaga kung anong gusto mo, kaibigan kita eh," hinaplos ko ang pisngi n'ya at bahagyang tinapik-tapik iyon bago lumabas ng kotse n'ya.
Tumayo muna ako sa gilid para hintayin s'yang umalis at makitang maingat s'yang nagmamaneho at nang nakalayo na s'ya at hindi ko na masyadong maaninag ang kotse n'ya ay pumasok na ako sa bahay.
Bumungad sa'kin si lola na nakaupo sa mahabang sofa sa harap ng tv at wala ingay na nanonood. Mahilig talaga s'yang manood ng palabas na walang ingay. Napailing nalang ako at naglakad palapit sa kan'ya at mukhang ngayon pa n'ya ako napansin dahil nanlaki ang mga mata n'ya kaya tumayo s'ya at itinapat ang likod ng kanyang palad kaya nagmano ako.
"Magandang gabi po." Magalang na sabi ko.
"Magandang gabi, apo ko," aniya at pinaupo ako sa tabi n'ya, "teka, kumain ka na ba?"
Ngumiti ako at inilipat ang bag ko sa pang-isahang sofa at tumango, "tapos na po."
"Ah, ganoon ba? Nagluto pa naman ako para sa'yo." May bahid na lungkot ang boses na sabi n'ya.
"Kaya pa naman ng tiyan ko, lola. Halika, sabayan mo 'ko." Tumawa ako nang makita kong lumiwanag ang mukha n'ya at tumayo.
Inalalayan ko s'yang maglakad papuntang kusina kahit nakasungkod s'ya. Pinaupo ko muna s'ya bago ako naghanda ng pinggan namin.
Habang kumakain kami ay panay naman kwento ni lola sa pinanuod n'yang palabas. Ewan ko ba kung totoo ba ang pinangkwekwento n'ya dahil wala namang ingay ang pinapanood n'ya kaya siguradong kahit tayo ay hindi nakakaintindi sa mga pinagsasabi ng karakter.
Pero kahit na gano'n, nakikinig parin ako kay lola, iniintindi s'ya. Ayokong masira ang araw ni lola kaya gano'n nalang ako pag-iintindi ko sa kan'ya.
Pagkatapos naming kumain ay dumiritso kami sa kwarto namin. Nakayakap ako sa bewang ni lola habang nakahiga kami sa kama at nakikinig sa mga kwento n'ya.
Sobrang namiss ko si lola at nangako ako na magkwekwentuhan kami ngayong gabi. Hindi n'ya talaga nakakalimutan ang mga pangako ko sa kan'ya.
Habang nagsasalita s'ya ay unti-unti naman akong nilulukob ng antok. Pinipilit kong nilalabanan iyon pero hindi ko na nakaya, kaya tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko hanggang sa lumalim na ang paghinga ko.