webnovel

Twenty-six

Chapter 26

"Ate." I called her while she's busy making designs on some chlothes inside her library. Kumatok pa ako sa gilid para mapansin niya ako.

"Tiana!" Nanlaki ang mata nito nang makita ako. Tumakbo ako palapit sakaniya at yinakap.

"Namiss mo ako no?" Pagbibiro nito at tumawa habang hinihimas ang aking likod. Napapikit ako at umiyak.

"Mamimiss kita ate."

Lumayo ito saakin at hinawakan ang aking mukha at pinunasan ang luha ko na parati paring tumutulo. "Aalis kana?" She looks sad.

Tumango ako at ngumiti nang pilit. "Ngayong Monday alis ko ate."

Kumunot ang noo nito. "Huh? 3 days nalang Tiana! Friday ngayon diba?"

Ngumiti ako at tumango. Her face frown at umiwas nang tingin. "Where's Jeydon?" Tanong nito.

Hindi ko siya sinagot kundi ngiti lang. She already knew kaya hinila niya ako agad at yinakap nang mahigpit. "That's alright. Alam kong mahal ka niya. Hindi ka 'nun matitiis."

'Sana' 'yan lagi ang nasa utak ko. Sana hindi niya ako matitiis.

HABANG nag iimpake ako sa kwarto ko ay napahiga ako sa higaan at napapikit. Mamimiss ko lahat dito. 9 months matagal na 'yun. It felt like years. Nakilala ko silang lahat.

"Tiana? Anak?" Napamulat ang aking mata at napaupo sa aking higaan. Pumasok sa loob si Tita Lucy at naalala ko ang pagiging link niya sa Tatay ni Jeydon.

Ngumiti ako nang pilit nang makita siya. Tumingin ito sa kalat sa aking kwarto dahil sa pagiimpake. "Aalis kana pala." Ngumiti ito at tumabi saakin sa higaan.

"Opo Tita." Umiwas ako nang tingin.

Hinawakan nito ang aking kamay kaya napatingin ako sa mukha niya. She's still beautiful. With her hazelnut brown eyes, to her pointy nose at bilog ang kaniyang mata kaya napaganda nito lalo na't kapag may make up. Manang mana si Ate Bianca talaga sakaniya.

"I know na alam mo lahat." Ngumiti ito nang pait. "Mahal ko talaga si George kahit mali." Umiwas ito nang tingin at bumuntong hininga.

"I even heard na nag away pa Mom at Dad mo dahil sa kaguluhang ito."

Ngumiti ako at pinaibabaw ko ang aking kamay na nakahawak sa isang kamay ko. "Okay lang po iyon Tita. Okay na family ko. Ang family ni Jeydon--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ko dahil tumulo na ang luha ko. I really miss him so damn much.

Hinila ako ni Tita at yinakap.

"Ganito kasi iyon Tiana. Kaibigan ko si George at tatay mo. George and I--" kinagat nito ang labi niya. "May relasyon kami during teenage years. Mahal ko siya at mahal niya din ako. Pero simula nung umuwi na siya sa pinas ay nasaktan ako dahil hindi niya ako sinabihan. Biglaan ang pag-alis niya. Nasa Korea kami lahat nun dahil doon kami nag aaral."

Bumuntong hininga ito. "Until I meet my husband. At meron na din sakaniya. Alam kong mali dahil simula nung nailuwal ko si Bianca nagkita kami ni George and we both knew mahal namin talaga ang isa't isa."

Nanlaki ang mata ko. "Mali pa rin yun Tita. May pamilya na kayong dalawa."

Ngumiti ito pero malunkot ang kaniyang mata. "I know. Mali ang ginawa namin."

"Kaya tuwing nandito si Jeydon alam kong iniiwasan niya ako dahil galit yun saakin. Natuwa lang ako dahil tinitiis niya ang galit sakin dahil sayo." Tumawa ito nang mahina.

Hinawakan niya bigla ang balikat ko. "Kaya nadamay Tatay mo dito ay nung nasa Europe kaming lahat. Nakita ko ang Mom mo na pano siya nasaktan sa nakita. Your Dad hugged Jeydon's Mom. Just because dahil kasalanan ko. Jeydon's Mom saw us. Sandra saw us. Nakita niya kaming magkasama ni George. Kaya pinatahan nang Tatay mo." She smiled at tumulo ang luha niya.

"Sana naniwala ako sa Tatay mo. Binawalan na niya kami sa relasyon namin ni George pero matigas parin ulo namin. Kaya ayaw na ayaw ng Tatay mo na pumunta uli sa pinas dahil galit ito saamin." Pagpatuloy niya. Nakinig naman ako at naalala na pano magalit si Dad about Philippines. At buti pinayagan niya ako sa pagiging exchange student.

"Nandamay pa ako. Alam kong galit si Jeydon saamin. Pero sinabihan ko na si George na tigilan na ito." Umiiling ito at hinawakan ang mukha niya at umiyak.

Hinawakan ko ang likod ni Tita at pilit pinatahan. Pagkatingin ko sa pintuan ay nanlaki ang mata ko. "Ate?"

Napabitaw saakin si Tita at napatingin kay ate bianca na nakikinig pala saamin. She's crying.

Tumayo si Tita at yinakap si Bianca. "Alam ni Daddy tungkol dito?" Buhos parin ang luha niya.

Tumango si Tita. "Matagal na niyang alam anak. I'm so sorry hindi ko sinabi sayo dahil ayokong masaktan ka."

Tinulak ni Ate Bianca si Tita at tumalikod. "Well you did it. Sinaktan mo na ako."

Napatayo ako pero tiningnan ako ni Tita. "Ako na bahala. Thank you anak." At umalis ito para sundan si Ate Bianca. Wala dito si Tito nasa work ito ngayon.

Napangiti ako sa salitang 'anak'. Para ko na talaga siyang ina dito.

Pagkatapos nang impake ko ay napadaan ako sa kwarto ni Ate Bianca. Nakita ko silang magkayakap ni Tita. I smiled at napabuga ng hangin. Mabuti naman at okay na sila.

Pagkababa ko ay sinalubong ako ng mga katulong nila Tita kaya yinakap ko sila isa isa. Mamimiss ko talaga sila.

Binuksan ako ni Manong sa gate at nagpaalam sakaniya. "Ma'am ingat ka po. Tsaka may lalaki pala na nakatayo sa labas. Pinapasok ko siya pero ayaw niya daw." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Manong.

"Sino yan kuya?" Takang tanong ko.

"Nakapasok na iyon noon dito Ma'am. Kasama mo siya lagi." Sabi niya.

It's Jeydon. Nanlaki ang mata ko at tumakbo palabas. Nakita ko pano umilaw ang star.

"Jeydon!" Tawag ko at lumilingon sa paligid pero walang tao. Tumakbo ako kung saan basta lang ay mahanap siya.

Napaupo ako sa daan at umiyak dahil sa pagod. "Jeydon!" I screamed. Tinignan lo ang star sa aking cellphone at unti unting nawawala ang ilaw.

"J-jeydon!" I covered my face while crying. Fuck! Namimiss ko na talaga.

----

Short updateeee.

Next chapter