Tinawagan ni Axel ang mga magulang ni Dani para ipaalam na nagising na ang dalaga. Tuwang tuwa naman sila Arthur at Esther sa magandang balitang natanggap nila. Ipinaalam din ni Axel sa kanyang mga magulang ang magandang balita at natuwa din ang mga ito.
Dahil sa makukulit na reporters ay nag-release na ng statement ang kampo nila Arthur na nagsasabing ligtas na sa kapahamakan ang kanilang anak kaya isa isa ng naalisan ang mga ito sa harap ng PGM at ng ospital.
Kung ang iba ay masaya dahil sa paggising ni Dani, may isa naman tao ang halos kulang na lang ay basahin ang TV sa harap niya.
"Ang tatag mo din Daniella Monteverde! Pero huwag kang mag-alala, may ihahanda pa ako at sisiguraduhin ko na hindi ka na magigising!" Sabi ni Britney na tumawa na akala mo luka-luka.
Nagpabili si Axel kay Dalton ng lugaw para makain ni Dani. Kahit ayaw ni Dani ay pilit siyang sinubuan ni Axel. "Hindi naman ako baldado para subuan pa." Sabi ni Dani. "Just let me feed you. Say aahh." Sabi ni Axel at sumandok ng lugaw sa bowl at sinubo kay Dani.
Pagkatapos kumain ay nakaramdam si Dani ng pagbalik ng kanyang lakas kaya nagpatulong siya kay Axel na makaupo sa sopa. Sumasakit na kasi ang likod niya sa hospital bed na kanyang higaan.
"Dahan-dahan lang. Buhatin na lang kaya kita?" Nakangiting sabi ni Axel. "Kaya ko, ok?" Sabi naman ni Dani. Nang makaupo si Dani ay may kumatok sa pinto at pumasok si Dalton. "Sir Axel, nasa baba po si Sir Blaze." Sabi ni Dalton. Tumaas ang kilay ni Dani at tumingin kay Axel.
"I ordered them not to let anyone in except for our family and friends." Sabi ni Axel na mukha na namang nakainom ng isang timbang suka. "Let him visit me Dalton." Sabi ni Dani. Tumingin muna si Dalton kay Axel at ng tumango ito ay lumabas na at isinara na ang pinto.
"Pagkatapos ni Mr. Yabang, si Mr. Feeling Close naman!" Nakasimangot na sabi ni Axel. Ngumiti si Dani. Bago pa niya masuyo si Axel sa sumpong nito ay bumukas na ang pinto at pumasok na si Blaze na may dalang bulaklak at mga prutas.
"Hi! Kamusta ka na?" Nakangiting bati ni Blaze. "I'm ok. Maupo ka." Sabi ni Dani. Naupo si Blaze sa harap niya. Para namang nananadya si Axel dahil umupo din ito sa tabi ni Dani at inakbayan ang dalaga. Hinayaan lang ni Dani ang kalokohan ni Axel dahil baka pag pinatulan niya ito ay lalong tumindi ang sapak sa ulo.
Kita naman ni Blaze na sinadya talaga ni Axel ang ginawa. Naiilang man siya ay hindi siya nagpahalata.
"Totoo bang may nagtatangka talaga sa iyo ng masama?" Nag-aalalang tanong ni Blaze. Tumango si Dani. "Pero bakit? May suspect na ba kayo?" Tanong ni Blaze. "Sa ngayon ay hindi din namin alam kung bakit. Natatandaan mo yung waiter na nagserved sa atin? Siya ang primary suspect, ang kaso ay hindi pa siya nakikita ng mga pulis. Siya lang ang makakasagot ng mga tanong natin." Sabi ni Dani. "Kung kailangan ninyo ng tulong ay willing ako. Kilala ni Dad ang Deputy Director General ng PNP. Pwede tayong lumapit sa kanya." Sabi ni Blaze. Kunwaring naubo si Axel, "Ang yabang!" Mahinang bulong niya pero nadinig ni Dani at kinurot ang hita ng binata. Nangiwi si Axel pero hindi siya nagpahalata na nasaktan.
"We can handle the situation, Mr. Florentino. Besides, our bodyguards are doing their jobs very well." Pagmamayabang ni Axel. "Thank you sa offer Blaze. Ginagawa naman nila Dalton ang lahat para makita yung waiter." Sabi ni Dani.
Kumatok si Dalton at tiningnan si Axel. "Sir, nakita na po yung waiter. Nasa opisina po ngayon ni Sir Arthur." Balita ni Dalton. Bago pa makasagot si Axel ay tumunog na ang phone niya.
"Yes, Uncle." Sagot ni Axel sa tumawag. "The waiter is here. Pumunta siya ng kusa dito dahil natakot na baka kung ano ang gawin sa kanya ng mga pulis. Papunta na diyan si Aubrey at Cleo para samahan si Dani. Pwede ka bang pumunta dito para makausap mo siya?" Sabi ni Arthur. Bago sumagot si Axel ay tiningnan niya muna si Dani at pagkatapos at tumingin kay Blaze.
"Ok po, Uncle, I'll be going." Sabi ni Axel. "Kakausapin ko lang yung waiter and then, babalik agad ako." Sabi ni Axel at tumango si Dani. Kumunot ang noo ng dalaga dahil hindi pa din kumikilos si Axel pagkatapos magpaalam sa kanya. "Hey, you can go now para malaman na din natin kung sino ang kaaway ko." Nakangiting sabi ni Dani pero ang totoo ay kinakabahan siya.
Simula pa lang ng mangyari ang pagkabanli niya, pagkatanggap niya ng patay na pusa, at ang huli nga ay ang pagkalason niya, iniisip na niya kung sino ang may gawa ng mga ito.
"Papunta naman sila Aubrey at Cleo." Sabi ni Axel. "Ok, go." Sabi ni Dani. "Sabay na tayo sa pag-alis Mr. Florentino." Sabi ni Axel na tumayo na sa sopa. Kumunot naman ang noo ni Blaze at ngumiti naman si Dani.
"Ah, I'll stay here to accompany Dani. Intayin ko na ang pagdating nila Aubrey at Cleo." Sabi ni Blaze na nakangiti. Gusto naman umbagin ni Axel ang binata dahil alam nitong tuwang tuwa siya dahil masosolo niya si Dani. "Axel, baka mainip si Daddy. Just remember our deal, ok?" Sabi ni Dani at biglang nag liwanag ang mukha ng binata. "Ok! Aalis na ako." Masayang sabi ni Axel at bago umalis ay humalik muna sa noo ng dalaga. Kumunot naman ang noo ni Blaze dahil sa paiba-ibang mood ni Axel.
Paglabas ni Axel at Dalton sa private room ay humarap ang binata sa bodyguard. "You stay here. I'll go with the others. Doon ka sa loob at bantayan sila." Sabi ni Axel at saka nagpatuloy sa pag-alis. Nagkamot naman ng ulo si Dalton at walang nagawa kundi bumalik sa loob ng kwarto.
"Oh, bakit nandito ka pa?" Tanong ni Dani sa bodyguard. "Sabi po ni Sir Axel ay maiwan na lang po ako." Sabi ni Dalton. Hindi na niya dinugtong ang sinabi ng Axel na bantayan ang dalawa dahil tiyak na maiilang si Blaze.
"It's ok, Dalton, you can stay outside. I'm safe here." Sabi ni Dani. Tumango si Dalton at lumabas na.
"Gusto mong ipagbalat kita ng fruits?" Tanong ni Blaze. "No, it's ok. Busog pa ako sa lugaw na pinakain sa akin ni Axel." Sagot ni Dani. Tumango tango ang binata. Ramdam ni Dani na may gustong sabihin sa kanya si Blaze kaya lang ay mukhang nag-aalanganin ito.
"Na-sign ko na nga pala ang cotract about sa clothing line na ilalagay sa PGM." Simula ni Blaze sa usapan. "Thank you for choosing us. Anyway, may name ka na ba sa boutique mo para masabi ko na kay Aubrey at magawa na ang name at mailagaw na before you officially open it for the public." Sabi ni Dani. "Wala pa nga akong naiisip eh. Any suggestions?" Tanong ni Blaze. "Hhhmmm, let's see." Sabi ni Dani at nag-isip.
Titig na titig naman si Blaze kay Dani. "You've never change. Since then, lalo ka pang gumanda. I thought makakalimutan kita when you dumped me pero hindi pala. I tried courting other girls but it ended na I'm still looking for someone like you." Sabi ni Blaze sa sarili.
"Blaze? Blaze?" Tawag ni Dani sa binata na nagpabalik sa sarili ni Blaze. "Yes?" Sabi ni Blaze. "Ang sabi ko ano bang idea mo about your clothing line? Is it for children, adults or in general?" Tanong ni Dani. "Before, I planned it to be in general but since, I got to know the kids from Holy Angels, parang mas gusto ko na ang clothing for kids." Sabi ni Blaze. Ngumiti si Dani.
"In Italian, ragazzo is their term for kids." Sabi ni Dani. "Then, it will be Ragazzo." Mabilis na sagot ni Blaze. Natawa naman si Dani. "Ang bilis mo naman magdecide." Nakangiting sabi ni Dani.
Seryosong tumingin si Blaze kay Dani. Nailang naman si Dani sa mga titig ni Blaze.
"Dani?" Sabi ni Blaze pero biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gerald.