webnovel

Chapter 3

"Sydney, ok na yung schedule ko for next week. Pumayag na din yung organiser na magstay ako sa bahay ng kuya mo. Teka nga pala, saan ba yung bahay?" Tanong ni Dani gamit ang intercom. "Ah, sa The Residences sa Azuela Cove. Saan ba yung convention mo?" Tanong ni Sydney. "Sa Seda Abreeza." Sagot ni Dani. "Ayos, malapit lang pala sa penthouse ni kuya. Halos 20 minutes drive lang. Dadalin mo ba boyfriend mo doon?" Nakangiting tanong ni Sydney. "Hindi, baka magasgasan pa yun doon. Mabawasan pa kagwapuhan nya." Nakangiting sagot naman ni Dani. "Sabi ko kay Aubrey hanap nya na lang ako ng sasakyan doon na pede i-rent." Sabi ni Dani. "Nako, wag na. Madami sasakyan si kuya na pede nya ipahiram sa'yo." Sabi ni Sydney. "Ganoon b, sige, sabihan ko na lang si Aubrey na wag na." Sabi ni Dani.

"O, pano, kita na lang tayo sa Sunday sa airport. Nagdadatingan na mga customers. Nagugulantang na naman mga assistants ko. Bye!" Sabi ni Sydney. Nangingiti na lamang na binaba ni Dani ang kanyang cellphone sa kanyang lamesa at pinagpatuloy na niya ang kanyang mga paper works.

Mabilis na dumaan ang mga araw, Sunday na ng umaga. Mamaya na ang flight ni Dani at Sydney papuntang Davao.

"O, anak, nakaready na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong ni Esther sa anak. "Yes, mom." Sagot ni Dani habang kumakain sila ng umagahan. "Nakausap ko na si Mr. Tan, ang presidente at organiser ng nasabing convention, at nasabihan ko na din siya na huwag ka ng isama sa mga speaker dahil ayaw mo nga ipaalam na ikaw ang kaisa-isang prinsesa ng PGM." Sabi ni Arthur. "Thank you, dad." Nakangiting wika ni Dani. "Kasi ba naman anak, bakit ba ayaw mong lumantad sa publiko?" Tanong ni Arthur sa anak. "Dad, ayoko ng magulong mundo. Mas gusto ko lang ang tahimik na buhay at gusto ko ng kalayaan. Ayokong lahat ng kilos ko ay nakikita ny madlang people." Sagot ni Dani. Natawa ang kanyang ina. "Hayaan mo na ang prinsesa mo sa gusto nya, di naman natin mapipilit yan pag ayaw nya talaga. Sa'yo nagmana yan ng katigasan ng ulo." Nakangiting wika ni Esther. "At sa akin pa talaga ha?" Nakangiting wika naman ni Arthur. "Actually, sa inyo pong dalawa." Sabad ni Dani na ikinatawa nilang lahat.

"Sydney, sabihin mo sa kuya mo na magpakatino na siya. Ako mismo ang pupunta doon sa Davao kapag di siya umayos." Sabi ni Eleonor. "Opo, ma." Sagot ni Sydney habang nakatingin sa kanyang ama. "Anong oras ba ang flight mo?" Tanong ni Benjamin sa anak. "6 pm dad." Sagot ni Sydney. "So, around 7 pm nandoon na kayo?" Tanong ni Benjamin at tumango si Sydney. "Nagpasundo ka ba sa kuya mo?" Tanong ni Eleonor. "Hindi na po. Magtaxi na lang kami papuntang penthouse ni kuya." Wala sa loob na sagot ni Sydney na ikinakunot ng noo ng kanyang mga magulang.

"Kami?" Takang tanong ni Eleonor. "Ah, opo, kasama ko si Dani." Sagot ni Sydney. "Ah, yung kaibigan mo sa mall?" Tanong ulit ni Eleonor at tinanguan naman ni Sydney.

Kahit si Benjamin at Eleonor ay hindi alam kung sino talaga si Dani. Akala ni Sydney ay tapos ng magtanong ang kanyang ina ngunit nagkamali siya.

"Bakit pupunta doon si Dani?" Tanong ni Benjamin. "Ah, eh, my meeting yung boss niya doon at kasama siya kaso mauuna yung boss niya kaya kami na lang ang magsasabay." Paliwanag ni Sydney. Tumango tango lamang si Benjamin. "Naku, Daniella! Pati sa mga magulang ko ay nagsisinungaling ako." Sabi ni Sydney sa sarili.

Hinatid nina Arthur at Esther si Dani sa airport. Ganoon din sina Benjamin at Eleonor kay Sydney. Hindi na nagpasama ang dalawa sa loob at naiwan na lang ang mga magulang nila sa parking. Paglingon ni Eleonor sa likod bago sumakay ng kotse ay nakita niya ang best friend niya noong highschool.

"Esther? Esther!?" Masayang sigaw ni Eleonor. Nadinig ni Esther ang tawag ng kanyang matalik na kaibigan at sila ay masayang nagyakap sa gitna ng parking area.

"Kamusta ka na? Ang tagal na natin di nagkita ah." Wika ni Eleonor. "Oo nga, ilang taon na nga ba?" Tanong ni Esther. "Nako, wag na natin bilangin." Sabi ni Eleonor at sabay silang tumawa. Lumapit sina Arthur at Benjamin sa kani-kanilang asawa.

"Nga pala, siya ang nakabihag sa akin, si Benjamin Monteclaro." Nakangiting wika ni Eleonor. "Siya naman ang nagkamali sa akin, si Arthur Monteverde." Nakatawang sabi ni Esther. "Sandali, Monteverde? Kayo ang may-ari ng Plaza Galleria Mall?" Tanong ni Eleonor. "Oo." Maikling sagot ni Esther. "Wow! Bigatin naman ang best friend ko." Sabi ni Eleonor. "Hindi naman." Nahihiyang sagot ni Esther.

"Alam namin na namiss ninyo ang isa't isa kaso, hindi ito ang tamang lugar para magtsismisan." Nakangiting sabi ni Arthur. "Oo nga naman. Bakit hindi tayo maghanap ng makakainan?" Nakatawang sabi ni Benjamin na nakatingin sa kanyang asawa. "Doon tayo sa Palatable. Napakasarap ng pagkain doon at talagang kilala pagdating sa mga luto." Sabi ni Esther na nagpatawa sa dalawang Monteclaro.

"Bakit kayo natawa?" Takang tanong ni Esther. "Hindi naman sa pagyayabang pero maipagmamalaki talaga namin ang Palatable." Nakangiting sabi ni Eleonor. "Ibig sabihin sa inyo ang Palatable?" Tanong ni Esther at tumango si Eleonor. "Kung makabigatin ka kanina ay ganoon na lang eh ikaw din pala." Nakatawang sabi ni Esther. "Tara na, libre ko." Sabi ni Eleonor at nagkatawanan na silang apat.

Nadelay ang flight nila Sydney at Dani kaya natagalan sila sa loob ng airport. May naging problema ang engine ng eroplano. Hindi naman sila nainip dahil nilibot nila ang lahat ng boutique na nasa loob. Nang tawagin na ang kanilang flight ay dali dali na silang naglakad pabalik ng departure area.

Welcome to Davao.

Paglabas nina Dani at Sydney sa airport ay sumakay na agad sila ng taxi papuntang The Residences. Pagdating nila doon ay agad na pinakita ni Sydney ang kanyang ID sa guard na agad naman silang pinapasok.

21 storey building ang The Residences at ang penthouse ng kuya niya ay nasa 20th floor.

Pagpasok nina Sydney at Dani sa penthouse ay halatang walang tao. "Nasa bar na naman siguro si kuya." Sabi ni Sydney. "Tiyak naman na bukas na uuwi yun. Doon ka na muna matulog sa kwarto niya. Araw-araw naman pinapalitan ang beddings noon." Sabi ulit ni Sydney. "Ok,sige, matulog na tayo. 7 am ang registration kaya before 7 dapat nandoon na ako." Sabi ni Dani. "Ok, goodnight." Sabi naman ni Sydney. At pareho na silang pumasok ng kwarto. Nagshower at nahiga na para matulog.

"Pare, una na ko, speaker pa ko bukas." Sabi ni Axel sa mga kaibigan. "Ano naman kayang kalokohan pagsasabi mo bukas ha?" Nakangiting tanong ni Jax. "Oo nga, baka puro babae lang asikasuhin mo doon." Sabi naman no Roco. "Mga sira, seryoso yun kaya dapat seryoso din ako. Sige na, una na ko." Sabi ni Axel. "Sige pare, ingat." Sabi ni Jax na sinaluduhan naman ni Axel.

Pagdating ni Axel sa kanyang penthouse ay nadatnan niya ang dalawang sapatos na nakalagay sa shoe rack. "Nandito na si liit." Nakangiting sabi ni Axel sa sarili. Pinuntahan niya ang kwarto ng kanyang kapatid at sinilip. Nakita niyang tulog na tulog na ito kaya dumiretso na siya sa kanyang silid. Dahil madilim, hindi niya nakita ang natutulog na si Dani. Tuloy-tuloy siya sa CR at nagshower. Pagkabihis ay deretso na siyang nahiga sa kanyang kama para lang magulat sa katabi niya.

Titig na titig si Axel kay Dani at naamoy na niya ang tamis ng shampoo at body wash na ginamit nito. "Siya siguro ang kasama ni liit. Ang ganda niya. Parang anghel mula sa langit." Sabi ni Axel sa sarili. Nang biglang magmulat ng mata si Dani.

Next chapter