webnovel

Theo

Aliyah Neslein Mercado's

" Sissy si kuya Theo na daw ang maghahatid sayo. " ulit ni Sav ng hindi agad ako sumagot kanina.

" Oo nga Liyah para naman makapag-catch up tayo. At nang maikwento ko na rin sayo yung mga nangyari sa akin the past years. " segunda ni kuya Theo.

" Sige kuya Eli este Theo pala. " pagpayag ko.

Kinuha nya kay Sav ang susi ng kotse nito at iginiya na nya ako papunta sa labas ng bakuran kung nasaan nakaparada ang kotse. Eksaktong nasa labas na kami ng may pumaradang isang vintage car, isang Ford Mustang Mach 1 na alam na alam ng lahat kung sino ang may ari.

" Theo? is that you apo? " bulalas ni Mr. Almario Llanes pagkababa pa lang ng sasakyan. Ito ang may-ari ng university, na lolo nila Sav. Kita ang pagkabigla sa mukha ng matanda.

" Yes po lolo. " sagot ni Theo at mabilis na lumapit kay lolo Chairman. Mahigpit silang nagyakap ng magkalapit sila. Tila sinusulit ang matagal na panahong hindi sila nagkita.

" What happened to you young man? Bakit ngayon ka lang nagpakita? " tanong ni lolo Chairman ng magbitaw sila ng kanyang apo sa pagkakayakap.

" Lolo, let's not talk about it right now, maybe some other time. It's getting late, I need to take Aliyah home. " nagtataka man sa sinabi ng apo, tumango na lang si lolo Chairman.

" Aliyah hija." bati ni lolo sa akin tapos muling sumulyap sa kanyang apo. " Sige ihatid mo na nga sya nang makabalik ka kaagad.Mag-iingat kayo. " sumaludo lang si Theo sa lolo nya at nagmamadali na akong hinila papunta sa sasakyan na hiniram nya kay Sav. Nilingon ko na lang si lolo Chairman at kinawayan bilang pamamaalam.

" So kumusta ka na kayo ng family mo, princess? " tanong kaagad ni kuya Theo nung nasa loob na kami ng sasakyan.

" Okay naman kami kuya. Nasa Sto. Cristo na si mommy dahil nalipat na dun yung office nila ni lolo Franz. Kami na lang nila dad at Neiel ang nandito sa bahay namin pero umuuwi kami pag weekends dun. Sorry kuya hindi kaagad kita nakilala kanina. "

" It's alright. Ikaw din naman hindi ko kaagad nakilala.Buti na lang binanggit ni Sav yung pangalan mo. Tumangkad ka kasi at medyo tumaba. Ang liit talaga ng mundo,I can't believe that you're friends with my favorite cousin. I thought hindi na tayo magkikita. " wika nya.

" Oo nga. Kumusta ka naman? Kadarating mo lang ba from St. Gallen? How's my brother Mark? "

" Mark is fine. Nalungkot nga sya nang umalis na ako. Si daddy kasi nahanap na ako. Pero hiniling ko na dito na lang muna ako sa Pilipinas kila lolo, hayun pumayag naman kaysa magtago na naman daw ako. " turan nya.

Naalala ko na naglayas nga pala sya sa kanila dahil pinapakasal sya ng daddy nya dun sa anak ng business partner nito. Doon sya kila Mark nagtago. Pinsan nya si Mark sa father side. First cousin nung father ni Mark na si tito Wesley si tito Amiel, ang daddy ni Theo. Si Mark naman ay parang kapatid ko na. Itinuturing namin siya ni Neiel bilang kapatid dahil si daddy ang kinagisnan nyang ama noon because of tita Marga.

Si tita Marga ang naging dahilan noon ng paghihiwalay ng parents ko. Pero naayos naman ang relasyon nila sa pagdaan ng panahon. Nagbago na si tita Marga simula nung tanggapin nya si Lord sa buhay nya. Doon nga kami nagbakasyon kila tita Marga sa St. Gallen two years ago after namin sa US. Almost one month ako sa kanila dahil pinaiwan ako ni Mark kila daddy na pumunta naman ng Zurich with mommy and Neiel, dun sa bahay namin nila papa Anton. Doon kami naging close nitong si kuya Eli este Theo pala, parang kapatid ko na rin sya katulad ni Mark.

Hindi ko talaga sya nakilala kanina. We used to call him Eli. Mula pala yun sa second name nya na Eliseo. Hindi ko naman naalala nung ipakilala sya sa amin ni Sav sa full name nya. Payat pa sya noon at maraming taghiyawat sa mukha. Ang layo talaga nya sa itsura nya ngayon na hot and gorgeous.

Nung ihahatid na nila ako, silang dalawa ni Mark sa Zurich, nagyaya muna ako sa twin towered Cathedral. Doon muntik mawala yung hello kitty pouch ko na naglalaman ng passport, bank cards at pera ko. Buti na lang nahanap ni kuya Theo dahil isang Filipina rin ang nakapulot. Kaya yun siguro ang mga binanggit nya kanina nung kinikilala ko sya.

" Alam mo kuya Eli---"

" It's Theo, Liyah.Wala na si Eli. Ginamit ko lang naman ang pangalan na yun dahil nagtatago nga ako.At isa pa, ang pangit kaya ni Eli. " natawa naman ako sa sinabi nya.

" Hala sya. Ang lupit mo sa sarili mo ah. Pero mas gusto ko kaya si Eli, masaya at palangiti. Eh si Theo, mukhang masungit at hindi ngumingiti. Ano nangyari sayo at naging ganyan ka. Stiff. "

He heaved a deep sigh.

" Kung alam mo lang Aliyah ang mga nangyari sa akin nitong mga nakakaraan. "

" Ano nga? Bukod dyan sa transformation mo, mayroon pa ba akong dapat malaman? "

" Roselyn happened. " bulalas nya.

" Ohh. Sino naman si Roselyn? "

" Yung fiancee ko. Na-engaged kami pagkadating ko pa lang sa amin sa US. Siya yung gusto ni daddy na pakasalan ko noon pa. Ang tagal kong nagtago, sa kanya rin pala ako babagsak. " malungkot nyang turan.

" Kailan ang kasal? "

" After nyang maka-graduate sa med school, which is three years from now. Kaya hiniling ko na lang na dito muna ako sa Pinas, ayoko syang makasama dun. "

" Hay nako kuya Theo. Kung ako sayo tanggapin mo na lang yang kapalaran mo. Malay mo magiging masaya ka pala sa kanya. Ngumiti ka palagi, huwag mong hayaang kainin ka ng kalungkutan. YOLO. Kaya chill ka lang. Have fun brother. Hindi bagay sayo ang masungit. "

" Alam mo ikaw, hindi ka pa rin nagbabago. Para kang mas matanda sa akin kung magsalita ka. But honestly, tama ka naman palagi at napapagaan mo ang sitwasyon. Kaya proud na proud sayo si Mark eh. Walang bukam bibig kundi ang ate Liyah nya. "

" Sira! paano eh pareho kayong isip bata nun. Iliko mo na dyan sa kaliwa at dun na yung bahay namin. " untag ko sa kanya nung nasa kanto na kami ng Quezon Ave.

" Nandito ba sila tito Nhel? " tanong nya.

" Wala nasa Sto. Cristo sila ngayon. Naiwan lang ako kasi nga may rehearsal ako para sa Ms. Campus Sweetheart ng university. " tugon ko.

" Talaga? Kailan ka uuwi dun, sama ako? "

" Hay nako busy ako sa pageant ng school ngayon. Pero sige, isasama kita kapag umuwi ako. Ipapakilala kita sa boyfriend ko. "

" May boyfriend ka na? " gulat nyang tanong.

" Oo. Kababata namin ni Mark, si Onemig. "

" Ayiie. Dalaga na ang princess namin. Pakilala mo ako ha? "

" Oo naman. Ikaw pa ba kuya Eli. " pang-aasar ko pa. Umepekto naman dahil napanguso na siya.

" Aliyah nga. Sabi ng Theo eh. " nayayamot nyang turan.

" O sya, Theo na kung Theo. Akala mo naman ikakapangit nya pag tinawag ko sya ng Eli. "

Naiiling na nginitian na lang nya ako.

Hayun ngumiti na rin sa wakas. Ang gwapo kaya nya lalo pag nakangiti. Wala na talaga yung bakas ni Eli na patpatin at puro taghiyawat ang mukha.

Ano kaya ang magiging papel ni Theo sa buhay ni Aliyah?  Abangan.

Thank you for reading.

Please vote and comment.

God bless. ?

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter