Aliyah's Point of View
NAMAYANI ang katahimikan sa gitna ng hapag kainan. Maging ang mga kasambahay ay natigil sa kanilang ginagawa.Hindi ako nakakibo.Nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko ng marinig ko ang tinuran ni Onemig.
Naaawang nakatingin lang ang pamilya ko sa akin. Alam nila kasi ang excitement ko sa paghihintay para sa next semester dahil kay Onemig. Ngayong malabo ng mangyari yon dahil sa sinabi nya, hindi nila makapa ang maaari nilang sabihin upang mapaglubag ang kalooban ko.
Tumingin ako kay Onemig. Nakikita ko ang sobrang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi rin naman nya gusto ang nangyayari at alam kong mas lalo pang naragdagan ngayon ang kalungkutang bumabalot sa kanya sa nakikita nyang reaksyon ko ngayon. Yun naman ang ayaw kong makita, ang malungkot din sya. Kaya kahit parang may nakadagan sa puso ko, pinilit kong ngitian sya. Gusto kong ipaabot sa kanya na sa pamamagitan ng ngiti ko ay nauunawaan ko ang sitwasyon. That I'm willing to compromise. I love him so much and beyond loving is the willingness to sacrifice.
" It's okay beb.I understand fully. Let's just compromise for the situation."
Ngumiti sya sa akin. Pinagsalikop nya ang aming mga kamay na nasa ilalim ng mesa at pinisil ng mahigpit, tila naghahatid ng malaking pasasalamat at relief.
" Tama yan mga anak.
Compromise.Pag-usapan nyo kung paano ang gagawin nyo. Noong kami ng daddy nyo, two years na nagkahiwalay kami dahil dito sya nag college sa Manila at nasa Sto.Cristo naman ako. Sulat lang ang komunikasyon naming dalawa noon, madalang pa ang phone. Ngayon nga napakarami ng means of communication. Mas madali na sa inyo ngayon ang LDR." turan ni mommy.
Nakakaunawang tumango kami ni Onemig sa sinabi nya. If there's a will, there's a way ika nga. Pag-uusapan na lang namin ang mga nararapat na gawin.
Pagkatapos ng breakfast, ang mga kasambahay na ang nagligpit sa dining. Niyaya ko si Onemig na dun sa mini office / library nila daddy kami mag-usap. Mas peaceful doon kumpara sa living room kung saan abala ang mga kasambahay sa paglilinis.Nagpaalam naman sila dad na may pupuntahan kasama si Neiel. Ibibili kasi nila ito ng costume para sa play nila sa school then dun na sila tutuloy sa Dasma para sa lunch. Birthday kasi ni tita Angel, yung wife ni tito Frank. Pinapasunod na lang nila kami doon ni Onemig.
Pinag-usapan namin ni Onemig ang mga paraan para mapagaan ang sitwasyon namin ngayon.Mahirap ang long distance relationship. Medyo matatagalan kami sa ganitong set-up dahil mga 2 to 3 years ang project nila tito Migs sa Italy. Tama si mommy, kailangan lang namin ni Onemig ang mag-compromise.
Dahil sa mga makabagong technology mas magiging madali na ang communication. Ang problema na lang yung pagkikita ng personal. Kaya gumawa kaming dalawa ng schedule. Tuwing Friday ng hapon after ng klase nya,diretso luwas na sya dito sa Manila then Sunday ng hapon babalik na sya ng Sto.Cristo. Doon naman sya sa condo ni kuya Mark sa Ortigas tutuloy. Napag-usapan na raw nila ito ni tita Blessie bilang solusyon. May pamangkin din itong napakiusapan upang samahan ito sa bahay pati yung dalawa nilang kasambahay kapag wala si Onemig.Pero hindi ako pumayag na siya lang ang magsasakripisyo ng ganoon. Kaya ang pinagkasunduan namin, alternate na lang kami. Unang month siya ang luluwas dito sa Manila every weekend then sa susunod na month ay ako naman ang uuwi ng Sto.Cristo tapos alternate na ganun. Kapag sem break naman or summer vacation, magkasama rin dapat kami kung saan man kami magbabakasyon.Yung phone calls and text namin ay everyday pa rin. Text sa umaga then call before bedtime.
Settled na kami dun sa schedule na yon kaya matapos yon pinilit ko namang dalhin ang usapan namin tungkol kay Harry.
Sinabi ko sa kanya na dumating na si Harry at nandito sya sa bahay kagabi. Nung una, para na naman syang babaeng may regla dahil nagseselos na naman pero sinabi at ipaliwanag ko sa kanya na mag-bestfriend lang talaga kami ni Harry at wala syang dapat ipag-alala.Sinabi ko rin sa kanya yung lahat ng mga sinabi ni Harry sa akin, that I am the sister he never had. Mabuti naman at naintindihan nya at napanatag na sya.
" So okay na ba tayo sa lahat ng usapin natin?" tanong ko matapos ang lahat ng pag-uusap namin.
" Hindi pa baby."
" Huh! Ano pa ba ang hindi natin napag-usapan?" nagtataka kong tanong then ngumisi sya na parang may binabalak na hindi maganda.
Nagulat ako ng hilahin nya ako at ikandong sa mga hita nya.
" Kailangan mong gamutin ang sobrang pagka-miss ko sayo sweetie." bulong nya sa akin.Putek nakikiliti ako sa banayad na paghagod ng labi nya sa likod ng tenga ko, kinikilabutan ako.
" Isa beb!" banta ko sa kanya.
" What?" painosente pa ang mokong.
" Alam mong may kiliti ako dyan."
" I just want to kiss you sweetie. Sobrang miss na kita!"
Nang marinig ko yung sinabi nya, ako na mismo ang nag-initiate ng kiss na gusto nya.Marahan lang pero puno ng pananabik ang mga halik ko sa kanya. Medyo nagulat pa sya nung una dahil ako ang nag-initiate pero agad din naman nyang tinugon.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa pagpapadama ng kasabikan namin sa isat-isa sa pamamagitan ng marubdob na halik.Mga halik na tila dinadala kami sa isang magandang panaginip. Sabay kaming bumitaw ng pangapusan kami pareho ng hininga. Niyakap ko sya ng mahigpit pagkaraan at siya naman ay hinihimas pataas-pababa ang aking likod. Panay din ang patak nya ng mga mumunting halik sa aking ulo.
" God! sweetie I miss you so much!"
" Me too beb.Sobrang miss kita." ngumiti sya sa akin at muli na namang inangkin ang mga labi ko.
We stayed in that room for almost two hours. Nag-kwentuhan lang kami ng mga nangyari sa amin sa nakalipas na isang buwan. Kahit naman araw-araw kaming nagkakausap sa phone, hindi naman kasi lahat napag-uusapan namin.
Nung tawagin kami ni yaya Melba dahil tumawag daw si mommy at pinasusunod na kami sa Dasma ay saka lang namin naisipan na lumabas na ng library.
Pero bago kami lumabas ay muli na naman nya akong hinila at iniupong muli sa kanyang kandungan.
" Beb?"
" Last na to sweetie." then he claimed my lips again for another passionate kiss. Landi lang namin talaga.Sinulit namin ang one month na hindi magkasama.
***
ILANG months ang matuling lumipas. And since that day na nag-compromise kami ni Onemig, marami ng nangyari sa buhay namin. Mas naging close pa lalo kami at naging matatag pa ang relasyon namin dahil mas nakilala pa namin ng lubusan ang isat-isa. Being with Onemig is really a wonderful feeling. Sobra-sobrang kilig ang nararanasan ko sa kanya.
With just a simple touch of his hand on mine, it makes me trembling.I feel like I've lost myself existentially. His lips on mine makes me feel like I'm flying across the universe without aimlessly. Grabe, inlove na inlove yata talaga ako sa kanya.Sa mga simpleng bagay lang na ganito ay nawawala na ako sa sarili ko.
" Happy monthsary sweetie." he hugged me tight and kiss my lips gently matapos nyang tanggalin ang blindfold sa akin. He surprised me with a dinner in some fancy restaurant.Sem break namin at pareho kaming nasa Sto.Cristo.
See? paano kang hindi mai-inlove lalo sa kanya kung every month ay sinusurprise nya ako ng ganito.
Nung mag December na, pinayagan si tito Migs na magbakasyon para sa pasko then after ng New Year babalik din agad sya ng Italy. Sinama nila ako sa Boracay isang araw matapos ang Christmas, pinayagan naman ako nila daddy nung ipagpaalam nila ako sa kanila basta bago mag New Year ay uuwi rin ako.
Doon ko naranasan na makatabi si Onemig sa pagtulog. Two rooms na lang kasi yung available dun sa hotel kaya hayun----hindi naman kasi kami pwedeng tumabi dun sa parents nya kasi dyahe naman,mag-asawa yun. Doon ko rin napatunayan na sobrang nirerespeto nya ako, he never take advantage on the situation, goodnight kiss lang then he just hug me while we're asleep.
Umuwi kami galing ng Boracay ng bisperas ng New Year. Magkasama kaming nanood ng fireworks na binili nila daddy at tito Migs, sa amin kasi sila nag media noche. Parang despedida na rin ni tito dahil babalik na ulit sya ng Italy the next day.
Habang nakatayo kami sa terrace at nanonood ng fireworks, may inabot sya sa akin na parihabang box na naka-wrap ng color silver with gold ribbon.
" Nagbigayan na tayo ng gift di ba? Bakit meron na naman yata?" tanong ko.
" No, para sa ating dalawa yan."
" What's this?" napataas pa ako ng kilay.
" Why don't you open it?" malambing nyang turan.
" Eh bakit nga meron pa nito?" pangungulit ko pa.
" Di ba nga 4 days na lang birthday mo na tapos after a week ako naman,so regalo ko na yan para sa ating dalawa."
Nakakaunawang tumango at ngumiti na lang ako sa kanya at excited na binuksan ang box. Namangha ako ng tumambad sa akin ang couple necklace na gold tapos pinaghating heart yung pendant at may pangalan namin yung likod nung bawat half heart.Sa akin yung Onemig, sa kanya naman yung Aliyah.
" God beb, it's beautiful. I love you beb and thank you." maluha-luhang sambit ko. Isinuot ko sa leeg nya yung kwintas na may name ko saka ko sya hinalikan sa pisngi.
Kinuha nya rin sa akin yung kaparis na necklace na may name nya at isinuot naman nya sa leeg ko.Then he hug me tight and kiss my forehead.
" I love you so much sweetie .You are the reason of my every smile.You taught me how to love. And our relationship taught me how to love the right way. You are my life now and I can't imagine myself without you anymore." naluha na ako ng tuluyan sa sinabi nya. Niyakap ko na rin sya ng mahigpit at nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa matapos yung fireworks.
Masaya kami ni Onemig. Sa loob ng halos 8 months ng relasyon namin, masaya lang kami. Sobrang in-love kami sa isat-isa na kung minsan hindi ko maiwasang hindi mangamba.Minsan kasi kung kailan payapa ang lahat saka naman dumarating ang unos.
Kailangan maging handa kami ni Onemig. Sabi ni daddy, love is not always rainbow and unicorns, there is also pain...