webnovel

Unexpected

Aliyah's Point of View

PILIT kong inaalala kung saang banda sa Sto.Cristo nga ba kami nagkita nitong kaharap ko.Sabagay, malaki ang Sto.Cristo.Ilang baranggay ang nasasakupan nito. Nasasakop ang lugar namin ng mismong kabayanan.

This girl in front of me is gorgeously beautiful.And she has a body of an hour glass.Parang may biglang bumundol na kaba sa dibdib ko habang mataman ko syang tinitingnan. Hindi ko alam kung saan galing yon pero agad ko na lang iwinaksi. Wala namang dahilan para ako kabahan.

" I saw you last summer. Yung sa dance for a cause na nilunsad ng youth club nyo, isa yung baranggay namin na nabigyan nyo ng ticket. You were there, you're one of the officers." turan nya na nagpalinaw sa naguguluhan kong isip. So hindi sya mismo sa kabayanan nakatira, kundi sa isa sa mga baranggay na nakapaloob sa bayan ng Sto.Cristo.That's why hindi ko sya kilala.

" Ah okay . Iniisip ko kasi kung saan kita nakita akala ko dun ka rin sa poblacion." sagot ko.

" Nope. Sa Miguelin kami, tatlong baranggay ang layo mula sa inyo." I just nodded at what she said.

" Greta, let's go!" narinig kong tawag ni ate Sabina sa kanya mula sa labas ng gate.

" Sige Aliyah, nice meeting you." paalam nya na nagpagulat muli sa akin. I don't remember telling her my name.

" You know me?"

" Yeah of course. Kilala ang parents mo sa buong Sto.Cristo dahil sa binigay nilang karangalan. Sino ba sa lugar natin ang may naglalakihang billboards sa Edsa at NLEX? Nalaman ko ang pangalan mo thru Jake and Bidong nung dance party."

" Oh kilala mo din sila?"

" Yup. Basketball league. Madalas din sila sa amin noon kasama ni Onemig."  bigla akong kinabahan pagkarinig ko sa pangalan ng bebeh ko.Anong meron?

" Kilala mo rin si Onemig?"

" Greta!" tila naiinip na tawag muli ni ate Sabina sa kanya. Umaandar na ang kotse na sasakyan nila.Mabilis na nya akong tinalikuran na hindi na nasagot ang tanong ko. Naiwan akong nag-iisip na may konting kaba sa aking dibdib. Pinalis ko na lang muli ang biglaang pagsalakay na naman ng kakaibang kabang iyon, naisip ko na wala naman dapat ikabahala kasi.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at sumali na sa kanila na naghihintay sa living room nila Sav. Inaayos pa daw kasi ng mga kasambahay ang mga naiwang kalat ng grupo ni ate Sabina sa library.

" Tagal mo sumunod?" tanong ni Gen.

" May isang friend kasi si ate Sabina na taga Sto.Cristo din, kinausap ako." sagot ko, napatingin na rin yung tatlong lalaking makulit sa akin.

" Chicks ba Liyah?" tanong naman ni Derrick.

" Hayun pag chicks ang lakas ng radar nyong tatlo noh!" singit ni Gen.

" Syempre naman,kakasawa din minsan yung kayong tatlo na lang lagi nakakasama namin.Di ba mga dude?" may tonong pang-aasar na wika naman ni Prince.

" Ah ganon! Ang swerte nyo nga kaming tatlo ang kabarkada nyo, andami kayang may crush sa aming tatlo sa mga ka-batch natin pati na sa mga senior years lalo na dito kay Liyah." sambit ng kadarating na si Sav mula sa kusina.

" Bakit sa inyo lang ba?! Nakita nyo naman kung gaano magkandarapa yung mga chicks sa amin, kulang na lang nga awayin kayo dahil lagi kayong nakadikit sa amin.Buti na lang alam nila na grupo tayo." mayabang na depensa naman ni Yuan.

" Guys, guys stop na baka magkapikunan na naman kayo.O siya sige na.Tayo na ang sikat sa department natin.Basta boys siguraduhin nyo lang na kung magkakaroon kayo ng girlfriend yung kasundo namin ha?" sabi ko na lang para hindi na humaba ang usapan.

" Of course naman.Importante kayo sa aming tatlo. We're like brothers and sisters here. Ang umagrabyado sa inyong tatlo, lagot sa amin! " saad ni Derrick.

" Oh how sweet naman. Anyways, kami na lang naman ni Gen ang available dito,taken na yang si Aliyah noh!" sagot ni Sav.

" Kahit na. Wala naman yung boyfriend nya dito kaya for the meantime kami na lang ang magbabantay sa kanya.Ayos ba Liyah?" si Yuan na pabiro pang nag wink sa akin.

" Oh we're so lucky to have you guys. Basta promise walang iwanan ha kahit na magka-girlfriend na kayong tatlo?" sabi ko.

" Of course. Kayo pa ba? Sa ganda at bait nyong yan." birada naman ni Prince.

" At malalambing pa!" segunda naman ni Yuan.

" Mga bolero!" sabay-sabay naming sambit nila Gen.

" Sus! Ang sabihin nyo takot lang kayong hindi malibre ng lunch." pambubuska pa ni Gen. Natatawa na lang ako sa sinabi nya. Madalas kasi dito sila kina Sav kumakain ng lunch o di kaya nagluluto ako ng marami para sa aming lahat.O kaya si Gen ang nagdadala dahil may catering business sila. Spoiled din itong mga lalaking ito sa amin pero in return maalaga naman silang tatlo, lagi silang nakaalalay sa amin.Parang mga kuya.Kapag lumalabas naman kami kapag walang pasok, sila ang taya. Hindi nila kami hinahayaang maglabas ng kahit isang cent. Mga galante rin, mga anak mayaman kasi.

Sa lahat nga ng group sa batch namin sa Business ad, kami yung sikat. Nagkasama-sama raw kasi yung magaganda at gwapo with brains. Idagdag pa na kaibigan namin si Savannah, apo ng may ari ng University. Marami ang humahanga at gustong mapabilang sa barkadahan namin pero kung may likers kami hindi rin nawawala yung haters at bashers. Kaya ganon na lang kung protektahan kami ng tatlong mokong na ito, lalo na nung may mang-away kay Geneva. Sobrang close kasi sila ni Yuan at inakala nung mga fangirls ni Yuan ay may something sila ni Gen kaya hayun nilusob sya one day nung wala kami ni Sav, buti na lang to the rescue ang tatlong itlog sa kanya.

After 5 days, natapos din namin yung project namin at pinasa na namin agad. At mataas ang grade na nakuha namin dahil talaga namang ginalingan namin ang paggawa. Kaya after nung class nagyaya ang tatlong mokong na kumain sa mall,celebration daw dahil sa mataas na grade na nakuha namin sa project.

" Guys, mall tayo tutal Friday naman we don't have classes tomorrow ." si Derrick ang unang nagyayaya.

" Yeah, it's on us, don't ya worry." susog pa ni Prince.

" Wait, I need to call my dad first, magpapaalam ako." sambit ko.

" What about you Gen? Ako pupunta lang sa office ni lolo para magpaalam." tanong naman ni Sav kay Gen.

" I'll tell our driver na lang to fetch me on the mall." sagot nya sabay punta sa parking lot para sabihan ang driver nila. Ako naman tumawag kay daddy na huwag na akong sunduin, nagpaalam na rin ako na pupunta kami ng mall para mag-celebrate. Sila Derrick na lang ang maghahatid sa akin tutal may mga kotse naman silang tatlo.

" Pero sweetie may susundo sayo ngayon dyan, on the way na sya." sabi ni dad sa kabilang line.

" Huh! Sino po yun dad?" nagtatakang tanong ko.

" Just wait and see. Okay I'll hang up,tinatawag na ako ni Neiel." wala na akong nagawa ng patayin na ni daddy ang phone.

Sino naman kaya ang susundo sa akin?

Nang makapagpaalam na si Savannah at Geneva ay agad na kaming tumulak palabas ng gate ng University. Nandoon na ang tatlo sa kani-kanilang kotse at napagkasunduan na kay Prince na lang kami sasakay nila Sav at Gen dahil SUV ang dala nyang sasakyan.

Ngunit ng makalabas kami ng gate ay may kaguluhang nangyayari sa labas. Isang lalaking nakasandal sa kotse nya ang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Naka shades sya at ng pasadahan ko ng tingin ang kabuoan nya ay bigla akong sinagilahan ng kaba sa dibdib. Siguro dahil sa excitement lalo na ng makilala ko sya ng tanggalin nya ang kanyang shades at tumingin sa akin.

" Hello there sweetie pie. Miss me?"

O to the M to the G!

Next chapter