webnovel

Priority

Aliyah's Point of View

" Uno?" pukaw ko sa kanya. Para kasing medyo galit yung expression nya kanina. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong hindi maganda,para nagtanong lang naman ako.

" Ugh..let's not talk about it Ali, maybe some other time.Promise sasabihin ko rin sayo,sa tamang panahon." hinging paumanhing sagot nya.

" Ah ok! Sige na ingat na lang pauwi." ngumiti sya at tumalikod na. Isinara ko na ang gate paglabas nya.

Paghiga ko ng kama ko kinagabihan, naisip ko yung nangyari kanina. Si Onemig na ang gumawa ng unang hakbang para kami magkasundo. Actually, masaya ako sa nangyari pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit napunta kami noon sa sitwasyon na palagi kaming nag-aaway . Ilang taon din na ganun kami. Madalas nya akong asarin hanggang sa mapikon ako at umuuwi ng bahay na umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang dahilan basta isang araw na lang parang may sapi sya na inaway na lang ako basta.

Kung ano man ang dahilan nya,sabi nya sasabihin din nya sa tamang panahon. Oh eh di pagbigyan! Madali naman akong kausap.

Finally, the basketball league parade came.Ako lang ang nag-ayos sa sarili ko, marunong naman ako dahil tinuruan ako ni mommy.Light lang yung nilagay kong make up ko,ayoko kasi ng makapal.Kung pwede nga lang na wala na lang eh.

Nagbibihis na ako ng isusuot ko ng tawagin ako ni lola Paz. Nasa sala na daw si Onemig at sinusundo ako.

Hala! Bakit sinundo pa nya ako? Nakakahiya naman.

Paglabas ko ng room ko ay awtomatikong napatingin ako sa kanya na nakaupo sa couch namin. Nakasuot na sya ng jersey na uniform nila sa basketball. Pareho lang kami ng suot kaya lang ang pang-ibaba ko ay maiksing pleated skirt.

Nang maramdaman nyang may tao ay mabilis syang lumingon. Parang tumigil ang oras ng magtama ang paningin namin.

Gosh! Why so gwapo?

Hoy Aliyah! Ang harot lang ha!Tapos deny-deny ka naman dyan.

Nakatingin lang sya sa akin. Halos parang napanganga pa nga. At hindi ko mapaniwalaan ang nakikita ko sa mga mata nya habang nakatingin sa akin. Admiration? Heto na naman ako. Ayokong mag-assume.

Pero ako, honestly, na-gwapuhan ako sa kanya ngayon, bagay kasi yung jersey sa kanya.

" Uhm Uno? Let's go?" pukaw ko sa kanya. Saka lang sya parang natauhan at nakawala sa mahika ng kagandahan ko.

Naks! Charat lang.

" Huh! S-sorry. L-let's go." hayan nag-stutter pa sya. Pruweba na nabighani nga sya sa akin.Char!

Nagpaalam na kami kay lola Paz at lolo Franz. Sinabihan pa kami ni lolo na manonood daw sila sa amin kasama sila lolo Phil at Neiel.

Paglabas namin ng gate, nagulat ako ng igiya nya ako papunta sa nakaparadang kotse sa kabilang side ng daan.

" Hoy Uno! Kanino yan? " tukoy ko sa nakaparadang Toyota VIOS na kulay silver gray. Bago pa nga, may plastic pa yung mga upuan kaya nag-aalangan akong sumakay.

" Sa akin yan wag kang mag-alala." ngumiti sya ng malapad.

" Really?As in sayo talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.

" Oo nga. Regalo sa akin nila dad yan nung birthday ko. Ngayon ko lang gagamitin kasi kahapon ko lang nakuha yung student's license ko. "

" You mean marunong ka na mag-drive? Kailan pa?"

" Last year pa. Hindi lang ako nagda-drive pag malayo kasi wala pa nga akong lisensya. Don't worry madadala kita sa venue ng safe." turan nya habang inaalalayan akong umupo sa passengers seat tapos patakbong umikot naman sya papunta sa drivers seat.

" Hindi naman yon.Naa-amazed lang ako kasi ang bata mo pa marunong ka na mag-drive tapos may brand new car ka pa. Nakaka-wow di ba? Yayamanin." sagot ko ng makaupo na sya, natawa sya sa tinuran ko.

" Grabe ka dun sa yayamanin. Mas mayaman nga kayo kesa sa amin. Engineer ang daddy mo at sikat na ramp and print ad model. Plain housewife lang ang mommy ko samantalang ang mommy mo CEO ng company nyo tapos model rin. Ang dami pang businesses ng lolo Franz mo here and abroad."

" Hoy hindi naman. Engineer din naman ang dad mo tapos yung kuya mo naman registered nurse na nagta-trabaho sa France. Tapos may manggahan pa kayo na malaki ang kinikita yearly. So pareho lang tayo."

" Yayamanin din?" tumango ako at natawa naman kami pareho. He then revved the engine to life and drove expertly.And he's right,marunong na nga sya mag-drive.

Nakarating kami sa venue in no time. Natanawan ko pa ang dalawang kaibigan ko sa may gate ng gym na tila naghihintay sa akin. Nakatingin sila ng may pagka-mangha sa bagong kotse na pumarada sa harapan nila. Mas lalo silang namangha ng lumabas sa kotse si Onemig at umikot sa passengers seat para alalayan akong bumaba.

Gulat ang rumehistro sa kanilang mukha ng makita nila akong bumaba.

Parang mga namatanda at hindi makapag-salita.

" Hoy mga bru! Anyare sa inyo?" saka pa lang sila natauhan ng magsalita ako.

" OMG! OMG! Totoo ba to besh! Kurutin nyo ko. Totoo ba to?" halos tumitili na si Richelle.

Ang exaggerated lang ha!

" Hoy Richelle Marie Santiago tumigil ka nga dyan, nakakahiya ka!" si Anne sabay batok ng mahina kay Richelle.

" Aray naman Anne! Makabatok naman. Baka nakakalimutan mong ate mo ako!" reklamo nya.

" Sorry na.Paano naman kasi makatili ka dyan! Anong totoo ba kasi gusto mong malaman?"

Imbes na sagutin si Anne ay kay Onemig humarap si Richelle.

Naka-cross arms pa na humarap kay Onemig at taas noo na nagtanong.

" Una..Kanino yang bagong-bago na gwapong kotse na sinakyan nyo? Pangalawa. Bakit nag-drive ka eh wala ka pang lisensya di ba? At pangatlo na hindi namin mapaniwalaan talaga. Bakit kasama mo itong babaeng to at inalalayan mo pa sa pagbaba? Anong masamang espiritu ang sumapi sayo at ginawa mo yan ha Juan Miguel Arceo? Sumagot ka. Sumagot ka!"

Napahagalpak na ng tawa si Onemig dahil sa mga sinabi at inaasta ni Richelle na akala mo nasa korte na nagko-cross examine.Palakad-lakad pa ito na nakahalukipkip pa.

" Kahit para kang hukom dyan kung magtanong Richie, sasagutin ko lahat yang tanong mo. Una, yan yung regalo ni dad sa akin nung birthday ko kaya sa akin yang kotse na yan. Pangalawa,nakuha ko na yung student's license ko kaya nakapag-drive na ako at nagamit ko na yan at pangatlo nag-usap na kami ni Aliyah kahapon pa na magkakasundo na dahil napapagod na kami sa bangayan naming dalawa,after all magkaibigan naman talaga kami sa umpisa pa lang di ba? Maliwanag na po ba mahal na hukom?" nakangiting tanong nya kay Richelle na para namang gusto na namang tumili. Nagulat na lang kami pare-pareho ng tumili na naman nga ang bruha.

.

" OMG! As in OMG talaga! Yes may pag-asa na ang AliOne ko!" tili nya at natataranta naman akong tinakpan ang bibig nya.

" Besh ano ba! Nakakahiya sa mga tao oh. Para kang timang!" sita ko sa kanya. Nakangiti naman syang nag peace sign.

" Ano yung AliOne?" biglang tanong ni Onemig na tila naguguluhan ang itsura. Namula naman ako sa tanong nya. Pahamak kasi tong Richelle na to eh.

" Ah wala yon Onemig. Naaliw daw sa atin si Richelle kasi magkasundo na tayo.Oo yun lang yun!" halos hindi ako makatingin ng diretso sa kanya habang nagsasalita ako. Sana maniwala sya sa palusot ko.

" Alright! Akala ko kung ano.Wait lang girls pupuntahan ko muna yung mga ka-team ko baka andun na rin si coach. Aliyah magkita nalang tayo sa parade mamaya." baling nya sa akin. Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Kumaway lang din yung dalawa.

Hay salamat mukhang naniwala naman sya.Pahamak kasi tong Richelle na to eh.

" Ikaw talaga Richelle hindi ka marunong mag-preno nyang bibig mo.Pasalamat na lang tayo at hindi nabuko ni Onemig yung pang-sship mo sa amin,nakakahiya dun sa tao eh may girlfriend yun." turan ko.

" Eh kung wala palang girlfriend eh ok lang sayo?" tanong ni Richelle na ngising-ngisi pa.

Sasagot na sana ako ng magsalita si Coco sa microphone, tinatawag na ang lahat ng team na kasali sa parada.

Nakita kong tumatakbo si Onemig palapit sa amin.

" Ali halika na tinatawag na tayo, magsisimula na ang parade." untag nya sa akin. Kinuha nya ang kamay ko at pinagsalikop nya ang mga kamay namin habang naglalakad papunta sa loob ng basketball court. Nakasunod naman yung dalawa sa amin. Panay ang tikhim nila dahil sa pagkakahawak-kamay namin ni Onemig. Lumingon ako sa kanila,pinandilatan ko sila pero panay lang ang hagikgik nila.

Mga pasaway talaga.

Pagdating sa loob ng basketball court bigla na lang may umagaw sa kamay ni Onemig na nakahawak sa kamay ko na syang ikinagulat namin pareho.

" Kanina pa kita hinahanap saan ka ba nagpunta? Akala ko susunduin mo ako pero kung sino-sino lang pala ang kasama mo."

" Kristel!"

" Bakit Onemig sino ba yang babaeng yan sayo? Gaano ba sya kaimportante sayo at sinundo mo pa sya? At bakit sya ang kauna-unahang isinakay mo sa kotse mo? Sino ba sya ha?" galit na tanong ni Kristel sa kanya.Pero bago pa man sya makasagot ay muli na namang nagsalita sa microphone si Coco at tinawag na ang lahat.

" May araw ka rin sa akin babae ka. You're messing with the wrong person!"  banta ni Kristel.Ako ang hinarap nya at halos lumabas ang mga mata nya sa socket nito sa pandidilat sa akin.

" Don't you dare Kristel! Subukan mong magmaldita kay Aliyah kundi ako ang makakalaban mo. She's the one I've been waiting for through this years and I don't want to lose her again." galit na turan ni Onemig.Namangha naman ako ng husto sa sinabi nya. Maging si Richelle at Anne ay may pagtataka sa mukha nila.Hinigit akong muli ni Onemig palayo at iniwan ang natulalang si Kristel.

And what does he meant by that?

Next chapter