webnovel

Talk to Me

Nhel's Point of View

ISANG linggo na ang nakalipas simula nung aksidente kong maka-engkwentro yung cute at bibong bata na apo nila tito Franz.Simula nun palagi ko na lang syang naaalala at napapangiti na lang akong bigla kapag sumasagi sa isip ko yung maikling pag-uusap namin.

Ewan ko ba, parang may hatid na kakaibang saya sa akin pag naiisip ko ang batang yun. Para bang may malalim syang koneksyon sa akin na hindi ko maipaliwanag. Kakatwang hindi ko naramdaman kay Mark ang ganun gayong sya ang anak ko. Ang weird lang.

" Sir Nhel, pinapatawag po kayo ni sir Cesar sa loob." boses ng sekretarya kong si Belle ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip.

" Ah sige susunod na ako.Kapag may tumawag sa akin,magre-return call na lang ako." bilin ko sa kanya.

" Okay po sir."

After that tumuloy na ako sa pribadong opisina ng boss namin.

Kumatok muna ako ng dalawang beses bago ko narinig ang boses ni boss Cesar, hudyat na pumasok na ako.

" Pinapatawag nyo raw po ako boss?" bungad ko kaagad.

" Ah oo Nhel, sit down." untag nya habang iminumwestra ang upuan sa harap nya.." Mayroon kasing supplier natin na kailangan kong i-meet ngayon dyan lang sa may mall malapit dito. Unfortunately biglang tumawag si Misis at kailangan daw kaming dalawa sa school nung anak namin.Pwede bang ikaw na lang ang makipagkita sa supplier? Tatawagan ko na lang at sasabihin ko na ikaw na lang ang makikipag-meet sa kanya."

" Ah sige po boss wala pong problema,wala naman akong importanteng gagawin ngayon."

" Good.Here are the details and papers na kakailanganin mong dalhin." saad nya sabay abot nung brown envelope na dadalhin ko.

Paglabas ko ng opisina ni boss ay pumunta na agad ako sa office ko at kinuha ko ang mga gamit ko. Doon na lang ako kakain sa mall. Mahirap na baka ma-late pa ako at maghintay pa yung supplier namin.

Sa isang sikat na coffee shop kami magkikita at ng makarating ako ay hinanap agad ng mga mata ko ang taong imi-meet ko.Isang babeng nasa mid thirties ang nakita kong nakaupo sa dulo ng coffee shop ang nakilala ko kaagad . Actually, na-meet ko na sya once nung may itinayo kaming planta sa Batangas.

Halos tumagal ng kulang isang oras yung meeting namin. Nang mapagkasunduan namin ang mga importanteng bagay, agad na itong nagpaalam dahil babalik pa ito ng Batangas.Niyayaya ko itong kumain pero tumanggi lang dahil busog pa at baka rin daw gabihin sa byahe pauwi.

Nung makaalis ang supplier namin ay agad akong naghanap ng makakainan. Grabe! Alanganin na ito sa tanghalian at meryenda.Coffee lang kasi ang ininom namin nung supplier kanina.Nagugutom na nga ako.

Finally, nung makakita ako ng Chinese restaurant ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Umupo na agad ako pagkapasok at agad hinagilap ang waiter para umorder na.

Nung mai-serve na ang pagkain ko ay agad ko na itong kinain.Gutom na talaga ako. Kung bakit kasi hindi muna ako kumain sa office bago ako umalis.

Nang matapos ako ay nagpahinga lang ako ng kaunti. Kailangan ko pang bumalik ng office namin para ibalik ang kontrata na pinirmahan namin ng supplier para sa bagong planta na itatayo. At isa pa, susunduin ako ni Marga dahil sabay kaming uuwi ng Sto.Cristo. Kailangan ko na naman magtiis ng ilang oras sa nakakairita nyang boses habang nasa byahe.

Palabas na ako ng restaurant ng may makasalubong ako na pares na masayang naglalambingan habang papasok sa restaurant na kinainan ko.

Biglang uminit ang ulo ko sa nasaksihan. What's the meaning of this?

Tila nakakita sya ng multo ng magtama ang tingin namin. Bigla nyang inalis ang pagkaka-akbay nya sa kalambingan nya. It's too late dahil nakita na ng dalawang mata ko.

Dahil nga mainit na ang ulo ko, sinugod ko sya agad at kinwelyuhan.

" What's the meaning of this Anton? So, Clark is right. You are cheating on Laine.Akala ko pa naman maayos ang pagsasama nyo pero bakit niloloko mo sya ha?!" galit na turan ko,napapahigpit na ang hawak ko sa damit nya,pigil-pigil naman nya ang kamay ko dahil nasasakal ko na sya.

" Mister please nasasaktan mo na sya!" awat sa akin ng babaeng kasama nya,pilit hinihila ang kamay ko na nakahawak kay Anton.

" Please Nhel, let go of me. It's not what you think it is." halos magmakaawa na ang mokong sa akin. Hindi ako nakinig sa kanya.

" Then,what is this, huh? Malinaw na panloloko kay Laine itong ginagawa mo! Pucha, Anton,hinayaan ko sya sayo dahil nakita ko ang sobrang pagpapahalaga nya sayo.Tapos ganito lang ha? Nagtiis ako g*go ka! Niloloko mo lang ang asawa ko!" galit kong turan sabay suntok sa mukha nya.

" Ayy!!! " sigaw nung kasama nya at dinaluhan si Anton na humandusay sa sahig dahil nabigla sa suntok ko.

Humarap sa akin ang babae na umiiyak na.

" Mister please, tama na! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.Hindi nya niloloko si Laine maniwala ka. Hindi na..."

" Lianna!" sigaw ni Anton,parang sinadya nyang i-cut yung sasabihin sana ni Lianna.

" Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.Matiim akong nakatingin sa kanila.

Hindi ko na alintana na nakagawa na kami ng eksena. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

" Si Laine at si..." naputol na naman ang sasabihin nya dahil hinila sya ni Anton. Nakatayo na ito mula sa pagkaka-handusay sa sahig.

" Bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya ang totoo para hindi kana nya saktan?" sabi nung Lianna kay Anton.Naguguluhan akong nakatingin sa kanila.

" Hayaan mong kay Laine nya malaman. Wala tayo sa posisyon para sabihin sa kanya!" turan naman ni Anton.

" Okay may dapat ba akong malaman? O inilalabas mo lang ang sarili mo dahil nahuli kita sa akto ng panloloko mo?" madiin at punong-puno ng galit ang boses ko.

" Hindi ko inilalabas ang sarili ko dito Nhel dahil wala naman akong ginagawang masama.Alam ni Laine kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko.I didn't cheat on her. She knew everything from the very start.Marahil nagtataka ka sa sinasabi ko pero wala ako sa posisyon para magpaliwanag sayo.Kung gusto mong malaman ang lahat, si Laine ang kausapin mo, nasa Sto.Cristo sya ngayon." yun lang at hinila na nya si Lianna palayo.

Naiwan akong naguguluhan.Tamang-tama uuwi kami ng Sto.Cristo ngayon. Kailangan ko na lang gumawa ng paraan kung paano makakatakas kay Marga para mapuntahan si Laine.Kailangan kong malaman sa kanya yung gustong sabihin ni Lianna kanina. Naguguluhan ako at kailangan ko syang makausap.

_______________

HINDI ako kumikibo habang nagmamaneho ako pauwi ng Sto.Cristo. Panay ang salita ni Marga pero hindi ko sya pinapansin. Nang mainis sya sa pananahimik ko ay natulog na lang sya habang bumibyahe kami. Mabuti naman para makapag-isip ako ng paraan kung paano ko sya matatakasan mamaya.

Almost 8pm na ng makarating na kami sa bahay. Tulog na si Mark dahil napagod daw ito sa paglalaro.

Pagkatapos naming maghapunan ni Marga,pumunta na ako sa room namin ni Mark para makaligo na ako.

Nang matapos akong maligo ay tumabi muna ako kay Mark sa kama.Pinakikiramdaman ko muna kung tulog na ang mga kasama ko sa bahay para makatakas ako at pumunta kay Laine.

Ilang minuto akong naghintay bago ko napagdesisyunan na umalis, siguradong tulog na sila dahil tahimik na ang paligid. Humalik muna ako kay Mark bago dahan-dahang lumabas ng silid namin.

Tahimik na nga ang buong paligid ng lumabas ako, pati mga kasambahay ay nasa kanila ng silid.

Maingat ang ginawa kong pagkilos. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng gate ng walang nilikhang ingay. Lalakarin ko na lang hanggang kila Laine, mahahalata ako kung dadalhin ko ang kotse ko.

Madilim at tahimik na ang daang binabagtas ko papunta kila Laine.Halos lahat kasi ng tao dito ay maaga natutulog. Nadaanan ko ang bahay nila mama na marahil ay tulog na rin dahil madilim na sa loob gayun din ang bahay nila Rina at Candy.

Nang sa wakas ay marating ko ang bahay nila Laine. Madilim na rin sa loob pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan sya.

Naka-ilang ring bago nya ito sinagot.

" Hello!" halata sa boses nya na bagong gising sya.

" Babe!"

" Nhel!" tila gulat nyang sambit.

" Can we talk? I'm here outside your house."

" What? At this hour of the night? "

" Yes, this can't wait til tomorrow, please get out and talk to me."

I heard her drew a deep sigh.

"Alright!"

What will happen next? Til next chappy guys.

Thanks for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter