webnovel

Faith and worries

Nhel's Point of View

NAKARATING na ako sa bahay namin na may malaking ngiti pa rin sa labi. I can't help it lalo na nakasama ko ang pinakamamahal ko.Kung pwede nga lang na hindi na matapos yung araw na kasama ko sya.

Naisip ko yung magical moment kanina, muntik na talaga,nate-tempt na nga ako na halikan sya pero buti na lang dumating si tita Paz kundi nasira na namin yung isa sa mga rules namin.

Nangingiti talaga ako kapag naaalala ko yung reaksyon ni Laine kanina.Haha..ang ganda talaga nya kaya muntik na akong makalimot sa pangako namin sa isat-isa.

" O anak nandyan kana pala.Musta lakad nyo ni Laine?" bungad ni papa sa akin.

Nagmano ako sa kanya." Okey po pa, unforgettable.Thanks po sa inyo ni tito Franz." sagot ko.

" Anong unforgettable naman yun bunso? Baka naman pume-first base kana kay Laine ha? patay tayo kay pareng Franz nyan." biro ni papa.

" Naku pa wala pong ganon, takot ko lang sa inyo ni tito Franz tsaka hindi po pwede sa amin ni Laine yang kung ano mang base na yan, pag right time

na po home run na agad..hehe."

" Naku talaga kang bata ka, nagbibiro lang naman ako..punta kana nga dyan sa loob at kanina ka pa hinahanap ng ate Merly mo."

" Naku pa kukulitin na naman po ako tiyak ni ate, paano ba yan?" sabi ko.

" Eh kausapin mo ng maayos, pero sa tingin ko bunso kailangan ka talaga ng ate mo ngayon." sagot ni papa.

I sighed..Bahala na nga!

Pumasok na ako sa kwarto nila mama at nandun nga si ate, mukhang hinihintay talaga ako.

Binati ko sila at nagmano ako kay mama.

" Nhel, nakapag-enroll kana ba sa college dito?" bungad agad ni ate.

" Hindi pa te, sa isang araw pa.Bakit?"

" Baka naman pwedeng I-consider mo na yung offer ko, kailangan talaga kita para may makasama kami sa bahay.Sasagutin ko na lahat pati allowance mo, dadagdagan ko pa para makaipon ka.Tsaka para makatulong naman ako kila papa sa pag-aaral mo." paliwanag ni ate.

" Te alam mo naman na..." hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng sumingit sya.

" Si Laine? Bunso dapat sanayin nyong malayo sa isat-isa, baka sa sobrang attached nyo eh hindi kayo makatapos ng pag-aaral nyo.Pwede ka namang umuwi pag weekends.Isa pa, para sa inyo rin dalawa kung makakatapos ka sa kilalang university sa Manila, mas magandang trabaho ang makukuha mo, makakaya mo ng ibigay kay Laine ang buhay na kinagisnan nya."

I sighed..may punto naman dun si ate kaya lang pag iniisip kong magkakalayo kami ni Laine parang hindi ko yata kaya.Paano kung may mga umali-aligid na naman sa kanya kapag hindi nila ko nakikitang nakabantay. Sa ganda nyang yon imposibleng walang magtangka.Paano ko sasabihin kay Laine ito, tiyak na malulungkot sya at masasaktan.Magagalit naman si ate pag hindi ako pumayag, maganda naman yung offer nya.

Haay ano ba to!

Bahala na nga si Batman at isama na rin ang buong Justice League.

Haay paano na sila kung magkakalayo sila?

Abangan na lang po natin.

Thank you for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter