webnovel

Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 7 Nhel's Point of View

INUTUSAN ako ni mama na bumili ng itlog sa poultry nila Mang Ben sa dulo.Sakay ng bike ko, sinunod ko ang utos ni mama.Nang malapit na ako dun sa bahay ng ninang ni Kuya na si Tita Paz, may babaeng nakatalikod na nagwawalis.Nung tumuwad sya para abutin yung mga natuyong sanga sa flower box medyo nalilis yung palda nya at lumitaw yung maputi at makinis nyang legs, kaya naman natuon ang pansin ko dun na naging dahilan ng pagkasemplang ko.Muntik ko na nga syang mabunggo buti na lang nailihis ko yung manibela at dun ako sumadsad sa may bakod nila at tumumba sa may damuhan.

Alam ko nagulat sya dahilan para magtatalak sya na parang armalite...natutuwa ako sa mga sinabi nya at ang cute talaga ng boses nya parang anghel kahit galit sya.Naisip kong humarap na nung maayos ko yung bike ko, gusto kong makita kung kasing ganda ba nung boses nya yung itsura nya.

" O ano miss, tapos kana ba sa litanya mo?" tanong ko pagharap ko sa kanya.Nakatulala sya sa akin, grabe ang ganda nya, medyo bata sya sa akin pero parang dalaga na sya.At yung weakness ko sa isang babae nasa kanya. Balbon! Yun din ang napansin ko sa mga legs nya kanina kaya sumemplang ako..hehe..medyo parang perv ba ang dating ko? Hindi naman, naakit lang ng konti.

Medyo nagkaasaran kami at sinabi nyang mukha akong palaka.

Ako? si Nielsen Emmanuel Mercado, mukhang palaka? Walang maniniwala dun uy, at hindi po sa pagmamayabang mula grade school hanggang ngayong high school, ako ang palaging escort ng buong school.Kaya natatawa lang ako sa kanya ng sabihin nya yun, alam ko naman na pinagtatakpan lang nya yung pagkapahiya nya dahil natulala naman talaga sya..

" Kung bakit ang dami- daming lugar dito ka pa sesemplang." nagulat ako ng magsalita ulit sya, haha... hindi pa pala sya tapos.

" Bakit may iba pa bang daanan papunta dun sa poultry nila Mang Ben, wala naman di ba? sagot ko ng may pang-aasar..Ang ganda kasi nya lalo pag naaasar.

Nag-english na sya ng sumagot sya. Wow grabe ang galing nya ha ni hindi sya nag buckle man lang.

Inasar ko na naman sya at naging dahilan yon para mag walk out na sya.

Naiiling na lang akong sumakay uli sa bike ko at umalis na.Sayang hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya.

Pagdaan ko ulit sa harapan nila hindi ko na sya nakita.At ng gabing matutulog na ako naisip ko na naman sya.Ang ganda talaga nya.Maganda yung mata nya,matangos yung ilong at red ang lips nya.Haay crush ko na nga yata sya.Sa dinami dami ng mga babae na na- ugnay sa akin parang sya lang yung pumukaw talaga ng atensyon ko, kahit si Lovie na girlfriend ko daw ngayon, hindi man lang nangalahati sa ganda nya.

Siya kaya yung anak ni Tita Paz? Bukas nga tanungin ko si mama para may chance na makilala ko sya...

Ano kaya ang mangyayari sa susunod? Mukhang parehong may crush sa isat- isa ang mga bida.

Abangan nyo na lang guys...

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter