webnovel

Shades

Exactly 7:00 am nandito na ako sa school. Well, because I'm not your typical girl doing typical things like being late.

Alam niyo naman kasing Pilipinas ito at hindi mawawalan ng traffic dito. Kahit saang sulok ng kasulok-sulukan ng kalye ay may traffic. Hindi mawawalan ng mga kotse, jeep, tricycle, pedicab, taxi at kung ano-ano pang may gulong ang mundo natin. Bawat saan 'yan meron, kahit saan ka lumingon ay traffic.

Lalo na ngayon marami nang taong may nagmamay-ari ng kotse lalo na yung mga kabataang may mga datung.

At kung alam na nating laging traffic lalo na kapag may pasok ay malamang matulog ng maaga at gumising ng tama para hindi na perwisyuhin pa ng traffic. Pero sino nga naman ba ang may kasalanan kapag nalalate at napeperwisyo tayo dahil sa traffic na 'yan? Malamang tayo rin.

Marami pa akong gustong sabihin kaso nagring na ang bell at ang mga kakarampot na masisipag na studyante ay nagsipasukan na sa klase nila.

At tama kayo dahil dakila akong pasaway sa labas pero butihin naman sa loob at umupo naman ako sa silyang plastic namin at nagsulat nalang ng poem, lyrics o kaya quotes sa mahiwagang notebook ko. Siyempre eme lang yung mahiwaga walang halong majic ang buhay ko.

Tsk, ang tagal dumating ng teacher namin ng malate na ang yung mga pangit ang ugali.

Medyo marami-rami na rin ang tao sa classroom namin. At aminin niyo, lahat ng school ata may tinatawag na 'popular' at higit na kinaiinisan ito ng mga ordinaryong tao at minamahal ng mga abnormal na studyante.

Oh well ako? Nasa gitna. Sadyang walang pake at sadyang walang may pake.

I don't need someone. Kaya kong mag-isa.

Hindi rin ako nakikisalamuha sa iba. Meron lang akong social media. 'Yon lang ang meron ako. Eh, kasi naman mas feel kong makipag usap sa virtual kesa sa taong kilala ka nga ang dali namang manghusga, mga tao nga naman.

Jorey, Hindi mo ba ginagawa 'yon? Nanghuhusga ka rin kasi tao ka.

Hinusgahan rin naman nila ako bago ko sila hinusgahan. Wala ng patas ngayon. Lahat may aangat at lahat ay may sasalampak. Hindi na relevant ang salitang equality ngayon.

Yeah yeah, whatever.

Pumasok na ang adviser namin at itinabi ko naman ang notebook ko. Bigla ko naman naramdaman na may nagbato ata sa akin ng papel. Oh well, kasisimula palang ng school year nagsisimula na naman sila.

I shrugged hindi ako magpapaapekto katulad ng mga ilang taon kong nagaganito. Hindi dapat binibigay sa kanila ang gusto nila makita sayo na nakakataas sila sayo.

Again I felt someone throwing something to me again. Ramdam ko oo, palaki ng palaki ang ibinabato nila sa akin. Bawat bato palakas ng palakas ang impact. Pero hindi ako lilingon hayaan lang silang magsawa kasi ako sawang-sawa na.

"Fabella, Jorey."

Hindi ko alam na nagaattendance na pala kaya nagtaas nalang ako ng kamay at niready na ang tenga ko. Katulad nang palaging nangyayari.

"OKEY EVERYBODY! HEPHEP?"

May boses na pinakaiinisan ko ang sumigaw mismo sa tenga ko.

"JOREY!"

"HEPHEP?"

"JOREY!"

"SINONG LOSER?"

"JOREY!"

"SINO?"

"JOREY"

"Narinig mo, Jorey? Ikaw ang loser." Bulong niya sa may tenga ko at nakakagigil sobra pero I shrugged again.

Never kong ibibigay ang gusto mo Caden. Never.

Sabi nga nila 'Once is enough twice is too much'. At bago pa ako makapatay ng tao ay nagpahalumbaba nalang ako at tumitig sa teacher namin.

Ramdam ko ang pag-alis at narinig ko ang cuss ni Caden nang lumayo siya saakin.

Sabi sa inyo eh, magsasawa rin 'yan.

Nang nagtama ang tingin namin ng teacher kong kanina ko pa pala tinititigan ay napaiwas ako dahil nakakahiya. Napayuko naman ako. May galit kasi akong nararamdaman sa bawat teacher dito. Pero bakit parang kilala ko iyon?

"Ang gwapo ng teacher natin ngayon 'no."

"At 20 years old lang. Pero pasado na siya sa halos lahat ng exam para maging isang teacher."

"Yeah, at ang hot niya sobra, look at his arms, damn."

Oo at hindi rin ako bingi kaya rinig ko ang mga kaklase kong mahaharot.

Pati teacher pinagnanasahan nandyan naman si Jose at Wally humorous pa. Kaysa sa teacher na 'yan na nagpapabayad para sa mga kawalang hiyaan ng mga elite students. At hindi manlang ipagtanggol ang mga naapi.

Why am I suddenly this frustrated?

Dumukmo nalang ako sa desk ko at hinayaang dumatdat ang teacher naming gwapo nga wala namang... Tsk.

"Sir, papayag ka ba na tinutulugan ka lang ng Hep Hep Jorey na 'to?" Rinig kong bulaslas na naman ng ever walang hiyang si Caden.

Napabangon ako ng wala sa oras.

Hindi ko pa rin siya titingnan. Manigas ka Caden. Lumapit ang bagong teacher namin sa akin.

Sarap talaga balatan ng buhay ni Caden. Walang hiya. Sarap ingudngud ang nguso sa pader.

Tiningnan ko naman mata sa mata ang teacher namin. Tsk, siya uurungan ko? Oo nagpapatarantado ako sa mga kaklase ko pero never kong hahayaan sa isang teacher.

'Napakapapansin talaga ng Hep Hep Jorey na 'yan!' at 'malandi girl' mga salitang narinig ko sa paligid napairap nalang ako.

Umupo naman ang hayop sa desk ko. May kamukha talaga siya. Hindi ko lang talaga maalala kung saan ko nakita ang mukha niya. May hangover pa ata ako.

"So, mind telling me why you got so bored, enough to sleep on my class?"

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata at sa matapang na postura. I can see amusement in his smile. Yeah, totoo nga may itsura itong isang 'to.

"I'm not sleeping for your info."

"Dinedeny mo pa? Kitang kita na nga." Sabat na naman ng hayop na si Caden. 'Di ko siya uli pinansin, lagi naman. Para lang siyang hangin.

"What are you doing then?"

Napahinto ako sa narinig at 'di ko naman pwedeng sabihin na masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover dahil namimiss kong magrace. Napatingin ako sa mga posters sa room at dumako ang mga mata ko sa isang word.

Daydreaming. Eh, napalakas na naman ata yung bulong ko.

"Daydreaming..."

Gusto kong kotongan ang sarili ko o kaya iuntog sa pader dahil bumulong na naman ako ng malakas. Pwede na yang excuse na yan kaysa naman sabihin ko sa kanya 'Hi, I'm Jorey at isa akong ex-racer na lasingera. Masaki ang ulo ko kaya tinry kong pumikit saglit. Mahilig kasi ako sa alak at sa amoy ng tambutso.' Lalong No-no naman kung 'yan ang sasabihin ko.

'Aba't ang landi talaga' at 'sinabi mo pa' bulong naman sa paligid. Mga insekyora talaga kayo, eh. Natatawa nalang ako lahat ng bagay napapansin sa akin ng mga babaeng ito.

"Naku Jorey, dapat sinabi mo nalang na pinagnanasahan mo ako. Ibibigay ko naman lahat sayo."

Narinig kong hirit na naman ni Caden nagtawanan sila kasama ng mga kaibigan niya pero hindi nakaligtas sa akin ang nginig sa tawa niya.

"Oh, boyfriend mo si Caden?"

Bigla naman akong nabilaukan at naubo ako. Masukasuka ako sa isip sa napakawalang kwentang tanong niya.

"Dude! Mamatay muna ang buhok sa kilikili ni Alisha bago maging kami niyang hayop na 'yan." I blurted out.

Darn! I'm in deep trouble.

Naramdaman kong gusto tumawa ng iba dahil totoo naman ang sinabi ko pero di nila kayang gawin iyon dahil takot sila sa isa pang popular sa school. Umirap nalang ako.

"HOW DARE YOU, BITCH WALA AKO NO'N?" Sigaw ni Alisha.

Oh yeah, narinig kong may mahihinang tawa sa paligid na lalong uminis sa kanya.

"Whatever." Narinig ko ang 'hindi-makapaniwalang-tawa ni Caden'

"So sinong dinedaydream mo?"

Sino ba kasi ang nagpasok sa utak mo na sabihing nagdadaydream ka? Sa'n mo ba kasi nahugot yun, sa pader na parang boobs ko, nabobored ka lang naman dahil sa letse mong teacher right?

Argh! Ngayon kailangan kong humanap ng lalaking worth it naman 'idaydream' kaso nasaan ka?

"Sabihin mo na kasing ako."

Nakakaasar na talaga si Caden feelingerong hayop!

Bigla naman'g may pumasok na tatlong lalaki at lahat ng atensyon ay napunta sa kanila, napansin ko rin sila dahil sa balibag ng pinto, nahanap naman ng mata ko ang napakagandang mata na nakita ko sa tanan ng buhay ko.

Napakaastig ng mata niya, kung tumingin para kang mababasag sa intesidad at katigasan yet napakamaotoridad at napakamischievous at the same time. Para kang tanga, Jorey, saan mo na hugot 'yon?

Pero shit, kilala ko to, ah? Ito yung lalaki kahapon yung...

Bigla rin naman akong napaturo doon sa lalaking 'yon siya yung nasa kanan nung lalaking nakashades at ang ganda talaga ng mata niya. Parang gusto kong akin lang nakatingin 'yon.

Pero parang nagbago ang isip ko nang makita ko yung naka-shades, natawa ako at naaliw sa taong naka-shades. Pero ibinalik ko nalang ang tingin ko doon sa napakagandang mata pero di ko alam, yung mata ko gustong bumalik sa lalaking naka-shades.

Kaso naituro ko na yung maganda mata, eh.

"So siya, ang dinedaydream mo?" Nagulat ako sa utas niya.

"Hindi, I mean mukha kasing pamilyar siya kaya napaturo ako pero hindi ko sinabi--"

"Nah, save it." Ayaw na nilang makinig sa excuse ko kaya napasapo nalang ako ng mukha.

Napatingin ang lahat sa akin at nakita kong ngumisi ang isa, wala namang emosyon yung nasa gitna, yung naka-shades at nagbulungan. Napataas naman ng kilay yung magandang mata.

Napabuntong hininga ako.

Buong taon ata ako mabubully at lalala pa ata.

+++++

Next chapter