(Sena POV)
"Sean, kung naalala mo na ang lahat. Wag mo naman sana kalimutan ang bagong alaala na nangyari sa atin. Meron na akong karelasyon. Tapos na ang tungkol sa atin. Tama na. Meron ka nang ibang asawa na siyang di naman tama na kapag nagsawa ka na, babalik ka ulit sa isa. Tumigil ka na! Saka tama na yung idinulot sa akin ng pagtataksil ninyong dalawa! Asawa mo ako noon, pero ano?! Merong namagitan sa inyo ni Rymalene?! Oo! Ang presko parin ng sugat na yun sa akin Sean!"
Ngunit ang itinugon niya sa akin, inihagis niya ang hawak na baso. Napatayo siya. Kagaya ko parang naguguluhan din siya sa nararamdaman. Napasabunot sa buhok at muli akong hinarap ng mga matang nanlilisik.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com