@International_Pen
((( Sena )))
Para kaming tanga ni Sean.
Pero alam ko kahit tanga nga kaming tignan ngayong dalawa, masaya naman kami. Puso namin kumakabog sa sobrang tuwa.
Nagnining-ning ang kanyang mata...
Ako man din.
Pina-ikot ako... at masaya naming ginabayan.
Sobra naming mahal ang isa't-isa.
Hangang sa niyakap na niya ako, habang isinasayaw. Hinalikan ang ulo ko... na ako napapikit na at pinapakingan ang tibok ng puso niya.
Lahat ng babae deserve na mahalin ng ganitong nararamdaman ko ngayon. Kung tayo, mahal din natin ang kapareha natin. Minsan kasi nagbabago ang nararamdaman ng isang tao kapag napabayaan at pinabayaan natin ang nararamdaman natin sa bawat isa.
Malakas ang tibok ng puso ni Sean...
Kasing lakas ng akin...
Mabilis nga lang yung akin...
Dahil apat kaming humihinga.
Apat kaming nakasalalay ang hininga namin sa hininga ko.
Sean...
Support your favorite authors and translators in webnovel.com