@International_Pen
"Sira ulo ka talaga Sean. Hinahayaan mo lang ako magmukmok dito." At di pa nga tumitigil si Sena sa kakareklamo niya na wala namang laman ang sinasabi. Gusto niya, ako na lang itong nagdadalang tao, para wala na akong isipin na sakit sa ulo at… pakingan ang mga paliwanag niyang walang katuturan.
"Ano ba talaga ang problema mo Sena?"
"Sean.." saka nga siya napaharap sa akin, ngunit kaharap ko pa rin ang papel na binabasa ko. Tumaas ang kilay ko… at naghihintay sa sasabihin niya. Napabangon upo siya… at napasandal ang ulo sa balikat ko… buhok niya gumulo sa binabasa ko.
Kaya inalis ko. Sa sinasadya ng babaing to.
"Sean." Isa pang tawag sa pangalan ko Sena… Isa pa talaga. Kanina ko pang hinihintay ang sasabihin mo.
"Alam mo ba yung pakiramdam, na may gusto ka gawin pero di mo magawa dahil nakakahiya…"
"Bakit ka nahihiya? At ano ba ang gusto mong gawin."
"Sean…"
"Ano nga yan."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com