If you don't know what to be thankful for, be thankful for all the troubles you haven't had yet.
@International_Pen
((( Sena )))
"Nababagay lang ito sa inyo Sean. Ang meaning ng Tikoy… is to bind families together stronger. Saka… may additional pang GOOD FORTUNE. Tignan mo." Turo ko sa karatula na binasa ko. Na tuluyan na nga akong pinitik ni Sean sa noo ko. Ang sakit… parang nakarinig ako sa tenga ko ng… walang signal na TV. Nalaglag yung Antena ko bigla. Nakakabobo kapag sa noo pinipitik! Kapag bobo ang mga anak ko, siya ang sisishin ko dahil ang hilig mamitik ng noo.
Nang madaanan namin yung mga pancit at bihon.
"At ito pa, kailangan pa to sa hapag kainan. Alam mo ang meaning nito?"
Hitsura ni Sean parang pinagtatawanan ako.
"Di ka naman ata Sena ang Saleslady dito?"
"Malay mo Sean maghirap ka… tapos ako need ko na mag-work edi kahit paano marunong ako mag sales talk diba?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com