@International_Pen
((( SEAN )))
Nanatili kami sa Mansion ng Madrid, nakapaligid lang naman ang tauhan ko at si Hint. Heto… walang malay si Sen, matapos nito magsuka… Hindi ko mapigilan mag-isip ng malalim habang nakatitig ako sa malayo sa labas ng bintana… habang malakas na umuulan. Madilim na ang paligid… dahil nga sa maitim na mga ulap. Napamulsa ako… at naglakad lakad sa loob… dahil… sa sinabi ni Mr. Earl… bakit kaya hindi na lang sabihin niya sa akin kung nasaan ang aking Ama… at bakit may kinalaman pa ang buhay ni Elaine kung gusto naman talaga nito mamatay.
Tsk. Sakit sa ulo.
Napaupo ako sa upuan… Naphilot sa sintido… Tipong may kailanga akong lutasin na misteryo… Tss… Sagot sa tanong na kung ano kinalaman ni Elaine sa aking ama.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com