@ International_Pen
((( SENA )))
Lumipas na naman yung isang linggo, Ano 'to isang tambak na problema?! Tss… Sena, sa laki nga ng kompanya ng asawa mo. Minsan nagigisnan ko siya tuwing umaga sa higaan at kapag nagigising diretso sa lunga niya. Minsan din… wala akong Sean na makita sa tabi ko. Miss ko na yung amoy niya… hangang unan na lang ba ang yayakapin ko?
Ngunit ngayong umaga… nakangiti ako. Linggo ngayon eh… ibig sabihin, time out muna si Sean sa trabaho niya. Tama nga, pag-gising ko… taran… si Sean nga. Tulog na tulog. So, Sean, anong balak ngayong araw? Magsisimba ba tayo ngayon? Hmmm… tama, di ko pa siya nakikita na bumisita man lang sa simbahan. May Diyos ba ang lalaking to?
Support your favorite authors and translators in webnovel.com