@International_Pen
@ International_Pen
((( SENA )))
Nagising ako… sa loob parin ng eroplano, napaunat ako…. Paglingon ko sa tabi ko. Walang Sean… Kundi si Cecile na nakatayo sa harapan ko saka yung tatlong flight attendant na nakangiti sa akin. Asaan si Sean? Kaya napalinga ako sa boung paligid? Huh? Lumanding na ba kami? Napalinga ako sa boung paligid… at sa labas nga… nasa parking lot kami ng mga eroplano….
" Si Sean?" tanong ko kay Cecile.
" Miss Sena, nauna na siyang bumaba at may pupuntahan kaagad."
" Ha?! Di man lang ako ginising?"
" Di na siya nag-abala pa."
" Bakit? Di mo din ako ginising?"
" Miss Sena, tulog na tulog kayo. At walang oras si Master Sean para buhatin kayo papunta sa sasakyan."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com