@ International_Pen
((( Cecile )))
" Ilang ulit ko pa ba sasabihin. Wala akong kinalaman sa lumason kay Miss Sena! Ilang ulit niyo pa ba sa akin ipagpipilitan na ginawa ko yin sa kanya!"
Papaupuin na naman nila ako sa Lie Detector. Limang buwan na ako dito sa loob ng facility na di ko alam kung nasaan ba ako. Di ko aakalain na ganito ang impluwensya ni Master Sean.
Sapilitan na naman nila ako pinaupo sa Lie Detector Machine. Sinasaktan lang nila ako na wala naman silang makukuha sa akin. Nagsasabj ako ng totoo... ang kinakatakot ko lang kung pati ba pamilya ko nadadamay sa bintang nila sa akin. Halos gusto ko na lang mamatay.
Nalungkot ako sa balita na tuluyan na ngang nakunan si Miss Sena. Alam ko din na di mapapatawad ni Master Sean ang gumawa nito.
Tanging fingertips ko nga ang nasa botelyang yun... at hindi ko yun.
Pagdating namin sa Hawaii...
Si Miss Sena muna ang inuna ko...
Pinag handa muna namin ng makakain ...
Dahil nanamlay na ito sa lagnat...
Support your favorite authors and translators in webnovel.com