webnovel

Chapter 44 Albay, Oragon Ka!

((( SENA )))

Oo kasama ko ang Kuya ko na umuwi ng Probinsya. Sabi ni Sir Josh, sila na daw bahala sa OJT ko, basta manahimik daw muna ako sa Probinsya.

Sa isang iglap nasa Probinsya na kami ng Albay. Ahahaha, ang sarap ng Probinsyang Hangin. Anong flavor? Masarap. May Aangal! Dagos po kamo!

First time naming tatlo na sumakay ng ereplano kasama si Sir Josh. Bakit ba kasi parag siya ang assistant ko. Si Boss Luis kasi gusto masiguro na mamuhay muna ako ng tahimik sa probinsya. Haist, kawawa naman ako, feeling ko tuloy tinatakwil na ako ng Prince Charming ko. Oo na, kay Rhen ka na masaya… Pero dahil sinabi niya na para sa kaligtasan ko ito dahil sa gagong engot na yang Herald na World's Multi-Billionaire, ay ewan ko, dapat sa kanya matagal na niyang tinulungan ang Pilipinas para umunlad man lang, umakyat ang ekonomiya at mawala ang mala trapik na pollution sa Manila.

At dahil nga first time, nagmukhang tanga sa ereplano ang mga kalahi ko lalo na si Tolits, ang kulit…

Tanaw namin sa itaas ang napakagandang mayon ng Albay, at ang mga malalawak na taniman ng kapatagan saka mga kagubatan na di mo aakalain na napakaganda! Wow…

Pagkababa namin sa eroplano, na pravite plane ng mga Madrid… Wow, yaman ng Boss Luis ko talaga … ang sarap ng hangin…

Di ko nga lang alam ang kinain ni Sir Josh kung bakit hinila niya ang bagahe ko. Namiss ko ang lugar na ito… Almost seven years old ako nung naalala ko na pumunta kami dito. Ito lang naman kung saan galing si Mama… Sabi nila Bikolanos are Oragon… Oragon means… magaling… minsan mamimis heard mo na mayabang. Sabagay sa kasungitan ni Mama, Bikolano talaga siya. Hmpfff…

Sorry Ma. I don't mean it.

Isinakay sa taxi ni Sir Josh at Kuya yung mga bagahe. Di ko alam kung saan kami uuwi…

Nadaanan namin yung tinatawag na City ng Albay, di tulad ng Manila, maliit lang ito, at kukunti lang ang Mall. Dumaan yung Taxi sa may sea wall… ang sarap ng hanging dagat! Mamasyal nga isang araw dito…

Dumaan sa maniyugan, taniman ng palay, mabundok, naglalakihang puno… teka? Kunting mga bahay na lang ang nakikita ko, ito ba ang gusto nila na magtago muna ako? As in sa liblib na lugar nila ako dadalhin!

Wow. Okey lang Nature lover naman talaga ako, at halos mapuno ng gubat ang notebook ko kasi wala akong ibang ma idrawing puro nature. Haist naman.

Nang tumigil na yung, taxi, si Sir Josh ang nagbayad… O saan kami titira…. Asaan kami? Gubat ito ah? Wow, kinareer yung liblib na lugar ah. At talagang malayo sa kabihasanan…

Gusto ko to ah.

"Malayo pa tayo, kanya kanya na tayo dala ng bagahe."

Hinila ko na din yung maleta ko… Si Kuya naman halos habulin si Tolits sa sobrang kulit nito.

At si ako dahil pinag lihi sa Amasona, ahahaha, naunahan ko pa si Sir Josh…

"Diretso lang ba?" di ko na inintay yung sagot dahil yung footpath naman visible na isang daan lang. Nang may …

Ampangit naman nito!

Isang kalabaw… natawa ako sa sarili ko kala ko, gorilya. Ahahaha. Pero sila ang dakilang Pambansang hayop ng Pilipinas… Kalabaw, parang kapatid ko lang. Nyahahaha.

Wow, daming pinya… Ano yun? Santol? Manga? Saging? Bayabas? Makopa? Star Apple? Ayyyy wow, gawa ako fruit salad, and daming puno ng niyog! Akyat ako!

" Sena! Pssst! Hoy!"

Tawag sa akin habang nakatunganga ako sa Star Apple … kulay violet na …. Ang sarap kumain nun!

"Binge ka ba! Amin na yang maleta mo."

Napalingon ako, ngayon may kasama na silang Matandang lalaki, may dalang kalabaw tapos parang may slide yung kalabaw kung saan nilagay nila yung mga bagahe nila. Napalapit ako sa kanila, at napahawak sa sungay ng kalabaw…

Awow! Ang tigas!

Si Josh ang biglang gumising sa pagkamangha ko.

"Ikaw talaga… haist. Mabuti na lang mabait yang Kalabaw ni Manong Ardo. Kapag… haist."

Napabuntong hininga na lang siya …

"sorry, relaxs okey."

"Si Manong Ardo, land caretaker ng lupa dito nina Master Luis."

"Hi po."

"Sana maging maogma kamo digdi."

Sabi ko diba nanirahan na kami dito sa Albay. Kaya naman kahit paano naiintindihan ko ang local dialect dito. Madali lang naman, hindi naman kasi Visaya ang accent nila…

Ang tawag doon sa hinihila ng kalabaw "Pababa" yun daw ang panghakot ng mga niyog kapag tag ani na.

Sumakay ako dun… makita nga kung malakas ba itong kalabaw na ito.

Ang ganda talaga, ang tahimik, yung mga ibon ang maririnig mo na nagsisihunihan, nagliliparan sa himpapawid at may mga paru paru na dumadapo sa mga ligaw na bulaklak. Ay Wow… gusto ko dito na lang tumira kasama ng Prince Charming kong si Luis. Malayo sa mga taong… iniisip puro karahasan… masayang magpakabuti dito sa Probinsya.

Tumigil kami sa tapat ng isang bahay. Yaris a kahoy at dalawang palapag… yung bubong yari sa dahon ng Anahaw. Ang ganda… halatang…

"Maray ta naka abot tulos kamo." Isang matandang babae ang palapit sa amin. Ngunit halatang mga malalakas pa, parang asawa ni Manong Ardo.

// Mabuti daw nakarating kami kaagad. Sabi nito.

Napamasid ako sa boung paligid, halatang alaga ang boung lugar, napakaganda ng hardin na gawa lang sa natural thing around here. Nagpapatalbugan ang mga bulaklak sa ganda nila. Oo bulaklak na lang ako, at hindi na furniture na nagkakahalagang Million…

Niyaya kaming tumuloy, ngunit si Kuya at tolits …. Si Tolits hinahabol yung Tuta at si kuya naman hinahabol ang tuta niya. Ahahaha… ang saya dito.

Umakyat kami sa hagdan, dahil may silong ang bahay na yun. Sa tinatawag nila itong balkonahe na napaupo ako…

Si Sir Josh ang abalang magkausap sa mag asawa at narinig ko na kinakamusta ng dalawang matanda si Luis.

Saka hinatid ako sa 2nd floor, andun yung silid ko… wow nice, Tablang sahig at maaliwalas na loob… ang sarap matulog, no need na ng aircon…

Then may pinto, ay may sarili akong banyo… paano… yari sa semento kung ganoon safe maligo dito… Walang maninilip!

At buti nga may Kuryente at Tubig… Sabagay kahit malayo kami sa kabihasnan, mapera nga naman ang mga Madrid para makarating dito ang Kuryente.

Nagmadali akong pumalit ng damit… Damit bahay. Dito sa lugar na ito talaga ako di makukulong, sarap mag adventure kay Nature.

Paglabas ko ng kwarto, sa tabi ng kwarto ko sina Kuya at sa kabila si Sir Josh. Nakita niya ako, at sabi ko lang…

Mag ala Dora lang ako.

"Kapag ikaw naligaw sa kalokohan mong yan, gagabi na din pa naman."

"Wag kang mag-alala Sir. Habang humihinga pa may pag-asa." Malayong sagot ko at tumakbo na ako palabas.

Parang si Anna lang sa Frozen. Balikan ko lang yung Star Apple na nakita ko kanina, favorite ko kaya yun.

Hi Sena! Welcome to City of Oragons!

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter