Napatingin ako sa singsing na itinapon niya sa paanan ko. My heart sank the moment she turned around and walked away.
Pinanood ko siyang tumatakbo palayo sa akin. How I wished she would turn around and run back to me pero hindi. Hindi nangyari. It was too late. I was too late.
Nagkabuhol-buhol ang mundo ko. Hindi ko naman intensyon na saktan si Luca. Sadyang 'di lang ako nakapag-explain nang mas maaga. Kasi kahit ako, nabigla ako sa nangyari.
Hindi ko girlfriend si Patricia. God knows how much I love Luca eversince. Kahit noong mga bata pa kami, siya lang 'yong babaeng gusto ko. Even if she never saw me the same way. Plus factor, nagkalayo kami. Isang araw, nabalitaan ko na lang na naaksidente ang sasakyan nila. Namatay 'yong mga magulang niya while she survived. 'Yon nga lang, nagkaroon iyon ng epekto sa alaala niya. Ang sabi sa akin ni Lola Rita, Luca had a short-term amnesia. And to make her safe, 'di na pinaalala sa kanya ang lahat, maging ang nakaraan naming puno ng bangayan.
It was easy to catch her attention lalo kung triggered siya. She was easily agitated kung magulo ang isang tao, makulit at mayabang. Ang sarap niya kasing inisin. Nagsusungit 'yong kilay niya and I always found it attractive. And to add more beauty, her crystal brown eyes were alluring. Para akong dinadala sa ibang mundo. They were just so beautiful. Exaggerated na nga yata ako mag-isip.
"'Di ka na niya kilala, apo." Malungkot na wika ni Lola Rita.
Nang malaman kong 'di na niya ako maalala, masakit sa parte ko 'yon. She's always in my mind while she can no longer remember me. She can't even recognize me! Pinaglalaruan yata ako ng tadhana!
I picked up the ring I bought for her. Totoong mahal ko si Luca. I won't give her such a meaningful thing just to dupe her. At 'di ko rin pagtatiyagaan ang ugali niya kung 'di ako totoo. 'Di naman ako ganon ka gagong lalaki para sayangin ang oras ko sa wala. Of course, I love Luca! Mahal ko siya sa paraang ako lang ang nakakaalam, ako lang ang nakakaintindi.
Pinagmasdan ko ang bato sa singsing kasabay ng pag-alala sa nakaraan namin. Hanggang ngayon ay presko pa rin lahat sa 'kin. Kaya kong pintahin iyon kung kinakailangan just to save the memories. At kung puwede lang sana na ipaalala ko lahat sa kanya, gagawin ko 'yon hanggang sa mapagod ako, hanggang sa 'di na gumalaw ang dila ko. I would do anything for her. For the sake of my love for her.
But I know she won't believe me anymore. And I can't blame her. Siguro nasaktan ko siya nang husto. Dapat sinaktan niya rin ako para naman mabawasan kahit papaano 'yong sakit na pinaramdam ko sa kanya.
"Tol," may tumapik sa balikat ko. Suminghot ako at nagpunas ng mata. "She's packing her things up now. Aalis na yata."
Nanigas ako sa narinig ko. I know Moffet won't drag his ass here just to tell me lies. He meant all his words.
"I broke her," mahina kong sagot. Nakatitig lang ako sa singsing. "Ayaw niya kasing makinig."
If only she let me explain my side, maybe we won't find ourselves broke.
"You can't blame her," he said. Nag-angat ako ng tingin sa kanya na ngayo'y nakatingin sa malayo. Balak yatang tignan kung anong mayroon sa kabilang isla. "She's hurt. Alam naman natin pareho na wala siyang alam pagdating dito."
Alam ko 'yon. Kaya nga natatakot ako para sa kanya. What if she'll fall for someone else who would only ruin her life? Na mas malala pa rito ang sakit na matatanggap niya. What if sasaktan siya physically? Makakapatay ata ako nang wala sa oras.
"Hayaan mo muna siya. Kailangan niyang mag-isip. Nakausap ko na rin naman siya kaya... I hope I did my best to help the two of you." Nilingon niya ako at tipid na ngumiti.
Crush niya si Luca dati pa but he's not into her. He loves someone else. 'Yon nga lang ay duwag siyang sabihin sa babae. Mahirap talaga main love sa tropa.
Napabuntong hininga ako. It was still no use. 'Di pa rin ako mapakali.
"Sino ba naman kasing 'di masasaktan kapag malaman niyang syota mo si Patricia gayong binigyan mo siya ng singsing noong isang araw?"
Naglihis ako ng tingin. Kasalanan ko 'yon but I needed to do it. I was just helping Patricia. I have to save her from her ex-lover. Mahal naman niya but she told me hindi na niya kaya ang panlolokong ginagawa sa kanya.
"Give her some space, tol."
"What if the space would only tear us apart?"
"Tanga mo kasi, tol." Pagbibiro niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ngayon pa talaga nagbiro. "I mean, 'yong space na 'yon ang magsasabi na mahal niyo talaga ang isa't isa."
Napaisip ako sa sinabi niya. May silbi lagi ang mga sinasabi niya kasi alam kong pinag-iisipan niya nang husto. Iba talaga ang nagagawa ng experience.
"Isa pa, umuwi ka muna ng Bukidnon para ayusin ang buhay mo roon." Pahabol niya at tinapik muli ang balikat ko. "Una na ako. Kailangan ko pang ihatid si Luca pauwi."
He tapped my shoulder once again bago ako iniwang tulala.
Napatingin muli ako sa singsing. Baka tama si Luca na 'di na namin 'to kailangan. 'Di naman sa nawawalan ako ng pag-asa para sa 'ming dalawa pero tama rin si Moffet, I have to fix what I have in Bukidnon. Aayusin ko muna ang sarili ko bago ako humarap kay Luca. Maybe at the right time and right place, baka puwede na.
I sighed at kumuha ng maliit na bato. Tinapon ko ito sa malayo at kaagad na lumubog. Maybe this was the best thing to do- let the memories sink beneath the waves. Let the waves judge the fate. Kung hanggang saan ka man lunurin ng alon, umahon ka at magsimulang muli.
But I didn't know where to begin- when and how. I was so lost. I can't find my way back home.
Ilang minuto ang lumipas ay napagdesisyunan kong bumalik sa loob. I needed to talk to Luca. Mababaliw yata ako kaiisip sa kanya. She is my only strength. Siya nalang ang natitira kong sandata. I can't just lose her dahil lang dito. If I have to beg for her to stay, gagawin ko 'yon. Bumalik lang siya sa 'kin.
"Babe, open the door," I begged. I was desperate. Iniisip ko pa lang na mawawala siya sa 'kin, I feel like my whole world would collapse. "Please, babe."
Walang sumagot kaya sumikip nang husto ang dibdib ko. Pakiramdam ko'y in any moment, tuluyan ko na siyang mabitawan. Pakiramdam ko'y tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko.
I've been waiting for this moment na masasabi kong "finally, I'm home." I've been wandering around just to find someone like her but I failed many times. Sa kanya at sa kanya pa rin uuwi ang pagod kong puso.
She's my home-my resting place. Siya ang kumot na magpapainit sa nanlalamig kong puso. Siya ang kalasag at sandata ko sa walang katapusang laban. Siya ang natatanging araw sa madilim kong mundo.
"Babe," kumatok ulit ako. This is my last bet. This is my last shot. Kung 'di niya ako pagbibigyan, I would rather die loving her than to live while watching her in someone else's arms. There's nothing more unrelenting than feeling your heart sinking
Huminga ako nang malalim. 'Di ko na kaya. Ang hapdi na ng mata ko. But when I was about to leave, bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang masungit niyang kilay.
"Babe," niyakap ko kaagad siya. Nabuhayan ako ng pag-asa. My heart is beating hard against my chest. "Patawarin mo 'ko, Luca. 'Di ko sinasadya."
'Di ako gagawa ng bagay para mawala siya sa 'kin. I was never born to live being a jerk. Maghihintay ba ako nang matagal just to hurt and abandon her?
Bullshit.
"Ximi," walang emosyon niyang tawag. I feel numb. Parang sinasabi nito na wala na. Tapos na ang laban. Talo na ako.
"B-Babe," my voice broke. Tinignan ko siya sa mata kahit pa nakatingin siya sa ibang direksyon. "Luca, look at me."
Hinawi ko ang buhok niya. I love doing this kasi gusto kong maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong malaman niya na siya lang 'yong bumubuhay sa nanghihina kong puso.
"Babe," I called out, holding her hands.
She scowled at me. Iyong matang alam kong 'di ako matitiis. Na bibigay din siya sa 'kin kasi alam kong mahal niya rin ako.
Nagkatinginan lang kami ng ilang minuto. I was begging her to stay. Kita ko sa mata niya na nasasaktan siya but I was hurting too. Pero alam ko ring mas nasaktan ko siya dahil sa nangyari.
"Close the door. Lock it." She commanded. Para akong sundalo na kaagad sumunod sa utos ng commander.
She is my ruler and my direction. Kung wala siya, maliligaw ako. 'Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
She never says a word. Para bang pinapakiramdaman niya ako sa susunod kong hakbang.
"You're leaving?" Sabi ko.
Nakita ko ang maayos na niyang gamit. Tama nga si Moffet na uuwi na siya. At mas lalo akong 'di papayag kung 'di kami maayos ngayon!
I have to win her back. I have to get her back! Iyon lang naisip kong gawin. Bago lumubog ang araw, nandito na ulit siya sa tabi ko. At bago matapos ang araw na 'to, akin na ulit siya.
Itaga mo sa bato 'yan.
"Uuwi na ako at wala kang pakialam doon."
"Ihahatid na kita."
"No," she replied quickly. Mariin iyon. Nakaramdam ako ng pader sa pagitan namin. "Moffet will drive me home."
Tumahimik na ako. 'Di ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin. Si Moffet 'yon, e. Wala akong laban. Siya 'yong una niyang nagustuhan. While he is being gentle to her, I am being rough. And I couldn't blame anyone but myself if in the end, I would lose the woman I am in love with for my whole existence.
She looked away. Alam kong 'di niya kayang makipagtitigan sa 'kin no matter how hard she tries. Namumula kaagad ang pisngi niya and damn, it always turns me on.
I heaved a long sigh. Tama na ang laro. Tama na ang habulan. I don't want this anymore. Gusto kong diretsahan na. Wala ng paligoy ligoy pa.
"Don't make it hard for me, babe," I pleaded. I sat next to her just to tuck the loose strands of her hair behind her back.
I was dying to kiss her; to make her feel that she's the only one that I love. I was craving for her love, craving for her affection. Gusto kong maramdaman ulit 'yon. Gusto kong bumalik kami sa umpisa, iyong panahong maayos pa kami.
"Maniwala ka naman kahit ito lang. The truth is, I have to save Patricia from her ex-lover na hanggang ngayon ay naghahabol sa kanya."
Patricia has a crazy ex-lover. If only I could beat him up hanggang sa pumutok ang mukha niya ay gagawin ko 'yon. Sinisira niya ang imahe naming matitinong lalaki. He has no balls at tama lang na 'wag na siyang balikan ni Patricia. That girl deserved better. Sa lahat ng naramdaman niyang sakit, tama lang na balang araw ay mahahanap niya 'yong lalaking mahal na mahal siya at 'di siya kayang lokohin.
"I have to pretend that I am her boyfriend para tigilan na siya ng baliw niyang ex." I told her, whose eyes were like dagger. "This is a shallow reason pero 'yon ang totoo. I am just helping her and nothing else."
"And you expect me to buy those explanations?"
I sighed again. I just couldn't think straight while she's mad. Nababaliw ako lalo.
"I'm not, babe. I'm not. I just want you to know the truth. Hurting you never came across my mind. At 'di na rin ako nakapagpaliwanag dahil biglaan 'yon. I don't even know why Pat is here!"
I wasn't informed na imbitado si ang babaeng 'yon! Kung alam ko lang, e 'di sana lumayo na ako!
I never courted her. God knows I didn't! We just have to pretend there's something going on between us dahil laging nagbabantay sa kanya 'yong baliw na lalaki.
I needed to protect her.
I have to.
Kasi 'di ko kayang hayaan nalang si Patricia na gaguhin ng lalaking 'yon. Dapat pinatay ko na 'yon, e.
"Babe," hinaplos ko ang pisngi niya kaya pumikit siya. Nagdiwang kaagad ang puso ko dahil alam kong bibigay at bibigay din siya.
She can't just leave me without knowing my side! I will set her free only if she'll give me acceptable reasons to. And as if it would be an easy process.
No.
"I'm sorry, please. I can't afford to lose you again."
She opened her eyes and I saw a glimpse of heaven. I was losing my sanity just by looking at her. She's got the most beautiful eyes I've seen. Elliana's eyes can't be compared to her.
Maybe there were times that I fell for Elliana. Mabait siya. Maalagang babae. She knows how to win anyone's heart dahil natural sa kanya ang pagiging mabuting tao.
But they were not enough. 'Di ko kayang diktahan ang puso ko kung kanino ito dapat na tumibok. If it beats for Luca, it will only long for her. It will only hope for her.
"Babe," sambit ko at hinalikan siya sa labi.
Damn those heart-shaped lips. They were so soft and fragile. If only I could bite them, I would. Pero ayoko siyang saktan. Tama na 'yong natikman ko kung gaano ito katamis. Her saliva, so sweet and foreign. My tongue will always crave for it.
"Kiss me back," utos ko. She kissed me back and my heart celebrated.
What my heart wants is what it gets. Sa puntong ito, akin na muli siya. Na 'di na siya mawawala sa tabi ko. And finally, I am home-where my heart really belongs.