webnovel

Kabanata 2

Magara ang tema ng debut celebration ni Aubriene. It's more on gold and crystals. Mabuti nalang at supportive ang parents niya. Kaya siyang sabayan sa mga gusto niya sa buhay.

Kung buhay pa kaya mga magulang ko, ganoon din ang mararanasan ko? Will I have a memorable childhood together with them? Sayang at maaga akong naulila. Maaga akong namulat sa katotohanan kung gaano kalupit ang mundo.

"Okay ka lang ba, Luca?" Tanong ni Ivan. Bahagya akong nagulat sa biglaan niyang pagsipot sa harapan ko. Nang nilingon ko siya, kita ko ang pag-aalala sa kanyang mata.

"Oo naman," I faked a smile. "Ikaw ba?"

Naglihis ako ng tingin at napatulala ulit. Break time ngayon at mag-isa lang ako sa canteen. Abala ang iba sa kanilang gawain samantalang ako ay nakakapagpahinga na kahit papaano.

"Oo," sagot niya at umupo sa harap ko. "Sure ka okay ka lang?"

"Huh?" Kinunutan ko siya ng noo. "Oo. Siguro may iniisip lang."

"Like?" He asked curiously.

Ivan's been my good friend. Kahit 'di kami ganoon ka-close, maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa.

Huminga ako nang malalim. Hindi ako palakuwentong tao pero minsan naisip kong kailangan ko rin ng tainga para pakinggan ako sa mga hinanaing ko sa buhay. Kahit 'di na ang buong detalye ang malalaman nila. Gumaan lang ang paghinga ko, sapat na iyon.

Napatunganga ako nang nakita ko si Aubriene kasama ang mga magulang niya. They all looked happy and excited. May kakaibang kinang sa kanilang mata at mapaglarong ngiti sa labi.

"Ang swerte siguro ni Aubriene, ano?" Tanong ko. Wala sa wisyo kong pinaglaruan ang bote ng tubig. Para bang may nababasag sa loob ko.

"Hmm," Ivan hummed kaya napatingin ako sa kanya. "Dahil ba nakukuha niya ang mga gusto niya?"

"Bukod pa riyan," sagot ko. "I mean, look at her..." pareho naming tinignan si Aubriene na ngayo'y may kasamang lalaki. "Buo ang pamilya. Who wouldn't dream to have that kind of family?" Tinignan ko siya nang diretso. "Not to mention they are happy and content."

Napako ang mata ni Ivan sa akin. His brown eyes swam in sadness. Pilit na ngiti ang iginawad ko at nag-iwas na ng tingin. My heart was sinking.

Pagkatapos ng break ay ginawa ko na ang invitation cards ni Aubriene. Dahil gold ang tema, the letters are made of gold while the background is matte black. May ribbon na kulay gold but I was thinking na hindi na kailangan ng ganoon. The invitation card was minimal, or what I preffered. Then there would be notes, and music instruments. Depende sa magugustuhan ni Aubriene. I will give her few drafts at siya na ang pipili sa magugustuhan niya.

Pagpatak ng alas tres ay tinapos ko na ang apat na magkakaibang card. Una ay 'yong pinakauna kong istilo. Pangalawa, black card na may swift pattern ng gold sa cover at white or silver ang sulat. The third one is gold ang sulat, white or silver ang background at may iilang pattern or design na gold ang kulay and also has a gold ribbon. And the last one, which I think okay naman ang disenyo, black card na may rectangular design sa pinakagitna ng cover na kulay gold at nakahorizontal, black ang sulat at may iilang design sa gilid.

Maingat kong hinawakan ang apat na card at hinanap si Aubriene. Nilibot ng tingin ko ang paligid at nakita ko siyang kausap si Jasper. Mukhang maganda ang pinag-uusapan dahil panay sa pagtango ang dalaga.

Lumapit ako sa kanila at kaagad nila akong napansin. Ngumiti sa akin si Aubriene kaya ngumiti na rin ako. She seemed so friendly. No doubt bakit maraming gustong makatrabaho siya. Magaan ang loob namin sa kanya and she's meek and affable.

"Hi, ate." Bati niyang nakangiti.

"Hi there, lady. These are my final drafts of my designs for your invitation cards." I smiled at her.

Inabot ko sa kanya ang dala ko at kita ko sa kanyang mata ang pagkamangha. My heart fluttered at the sight. Nakakatuwa ang batang ito.

"You can just choose whatever you like. Or you can suggest me kung may gusto kang ibang idea." Kaswal kong sabi.

"Naku, ate! I love these designs. Kung puwede nga lang ay ito nalang lahat." Tumawa siya nang mahina. Napangiti naman kami ni Jasper.

"Abi," isang boses ng lalaki ang tumawag kay Aubriene. Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses and there I saw a foreign features of a man walking towards us.

"Kuya!" Masayang bati ni Aubriene which I thought was also known as Abi. "Look at these designs!" Pinakita niya sa lalaki ang cards ko. "Which one will you choose?"

Parang walang narinig ang lalaki sa sinabi ni Aubriene. Tinignan niya kami isa isa at nagtagal siya sa akin.

Siningkitan ko ng mata ang lalaki. He looked so familiar to me. Hindi ko maalala kung saan ko siya unang nakita.

"Maganda 'di ba, kuya?" Excited na tanong ni Aubriene.

Inisa-isa niyang tignan ang gawa ko. And to my surprise, magkaiba sila ng reaction ni Aubriene. If she was amazed, he's not.

"I don't like any." Bored niyang sabi sabay balik sa card kay Aubriene. Nawala ang galak sa mata ng dalaga nang marinig niya iyon.

"But, kuya..." si Aubriene.

"Abi, it's plain and boring. You think people will be encouraged to come to your party with those cards?"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. 'Di ako makapaniwala sa narinig ng sarili kong tainga.

Hindi niya ba alam ang salitang art?! O baka naman nagmamayabang lang ang itlog nito?

He's getting under my skin! Isa pang pang-iinsulto!

"You're such a jerk, kuya!" Reklamo ni Aubriene. "Alam mo bang pinaghirapan 'yan ni Ate Luca?" Bumusangot ang dalaga.

"Let me teach Luca to design." garbo niya. "Where is she?"

Binola ko ang kamao ko. Nang-iinsulto ng pagkatao ang kumag na 'to. Kung makapagyabang akala mo talaga kung sino.

"Kuya!" Reklamo ni Aubriene.

"No, Abi. Sayang 'yong pinambabayad natin sa kanila kung ganito lang din ang matatanggap natin."

"Nakakainsulto ka na, pre." Singit ni Jasper. Suminghot ako at pinigilan siya nang umambang lumapit sa lalaki.

"And look who's talking?" Pag-iinarte niya. "Where is Luca? Let me talk to her."

Hindi ko namalayang naluluha na pala ako. Of all the people and place to cry, siya pa ang dahilan at dito pa talaga sa harap niya.

I cleared my throat at buong loob na humarap sa kanya. I smiled and he saw it.

"I'm Luca, sir. Nice to meet you." I smiled and reached my hand to him para makipagkamayan. I was expecting him to reject me but to my surprise, he smiled back at me, reached for my hand and kissed my knuckles. Literal na lumawak ang mata ko sa ginawa niya.

I was about to grab my hand back when he got the instinct to hold it tight. Mahina akong dumaing pero mukhang 'di niya napansin iyon dahil ngumiti lang siya.

"I'm Ximi, Abi's older brother. Nice to meet you, too."

Kinunutan ko lang siya ng noo habang pinapanood ang bawat galaw niya. Marahan niyang binaba ang kamay ko at nang nakabalik ako sa ulirat, I got the chance to grab it.

"Let me just tell you that I don't like your designs." Kaswal niyang panimula. "It's jejune for me. Narinig mo naman siguro ang napag-usapan namin ni Abi." He plastered his so called humble smiles

Taas-noo akong ngumiti sa kanya. He can't beat me up. May nagbabaga sa kaloob-looban ko pero kaya ko pa namang paapulahin.

"I would like to hear your side, sir." Panimula ko nang nakangiti. "In case you have your own taste, we can work it out for better result." I gave him my oh so friendly smile.

Kung sa inaakala niyang hahayaan ko siyang apakan ang pagkatao ko, diyan siya nagkakamali. I will give him a good fight.

"That's great!" Pagsasakay niya. He looked challenged because of me. "We'll have that later. I will discuss to you what are my styles and we'll work it out." He threw a mocking smile and glanced at his sister. Umiling naman si Aubriene sa dismaya.

Nagpaalam na aalis si Ximi sa aming tatlo. Naiwan naman kami sa parehong pwesto kanina.

"I'm sorry about that, Ate Luca." Si Aubriene na mukhang nag-alala sa akin. "Kuya's really annoying. He's always like that to catch your attention."

I smiled at Aubriene. I started to like her personality. Hindi naman niya kailangang manghingi ng tawad dahil parte iyon ng trabaho. May point naman ang kanyang kapatid. Binabayaran nila kami nang tama kaya dapat lang na maayos ang trabaho namin.

"No need to apologize, Aubriene. Let's just say I'm being professional here. Trabaho 'to and I know you know this kind of matter."

"I know naman, ate." Bumuntong hininga siya. "It's just that... he was crossing the line. That's a jerk of him." Umirap siya at humalukipkip. "I will tell my parents about this."

Mahina akong tumawa. Napagtanto kong mas mature mag-isip ang batang ito kesa sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Hayaan mo na siya, Aubriene. Let's just say para na rin ito sa party mo. No need to feel sorry for what he did because I think he was right. Mas mabuti nang maaga pa lang ay alam na natin ang mga dapat ayusin para 'di tayo magsisisi sa huli."

Ngumiti ako sa kanya, pampalubag ng loob. Ayaw kong isipin niyang hindi okay sa akin ang ginawa ng kuya niya. Besides, if there is someone who will say sorry to me, it should be him.

Pagpatak ng alas kwarto ay nag-off na ako. Nakumbinse ko na siguro si Aubriene na ayos lang sa akin ang nangyari kanina dahil 'di na niya ako kinukulit tungkol doon.

Madali lang naman akong kausap. Maybe I was hurt but I knew it was for good. Mabuti na ring alam kong may mali sa akin para maitama ko 'yon. Ako na muna ang mag-aadjust sa sitwasyon.

I was waiting for a taxi nang tumunog ang cellphone ko. I was expecting a call from my cousins to nag me about Atifa's wedding. But to my curiosity, isang unknown number ang nakadisplay sa screen. Sumingkit ang mata ko, iniisip kung sino ba ito. Wala naman akong nakalimutang i-save na numero. Kung mga pinsan ko 'to, dapat nagtext nalang sa akin.

I swiped the screen to answer the call. Itinapat ko ang speaker sa tainga ko.

"This is Luca Nadella. How may I help you?" Bungad ko sa kabilang linya. Isang halakhak naman ang natanggap ko. I furrowed my brows dahil nakikilala ko ang boses na iyon.

"Too formal, Luca." Aniya, natatawa. "This is Ximi."

Napatampal ako sa noo ko. Siya na naman?!

Naalala ko bigla na may usapan kami kanina. But how did he get my number?

"Got your number from Abi." Aniya, parang sinagot na rin ang tanong ko.

"What are you up to, sir?" Kaswal kong tanong. I honestly don't like this arrogant man.

"Meet me in a coffee shop. Bring all your materials so we can discuss and finalize the designs of the card."

I gritted my teeth in annoyance. Ang hambog talaga ng lalaking 'to! Akala mo naman kung sinong magaling sa arts.

Huminga ako nang malalim, trying to calm myself down. Trabaho lang ito, Luca. Pagkatapos nito, hindi na muli kayo magkikita kahit kailan. No more annoying poop.

"Okay, sir." I smiled kahit 'di niya kita iyon. "What is the exact location and time, sir?"

"I'll just text you later. I still have something to do."

"Okay, sir. I have no problem with that." Umirap ako.

May gagawin pa palang ibang bagay eh. Puwede naman kasing bukas na kami magkikita. Siguro gusto niya lang magyabang sa akin.

I hang up. 'Di ko kayang makipag-usap sa taong tulad niya. Baka sa sobrang hangin eh matangay pa ako.

Pumara na ako ng taxi at pumasok sa loob. My feral mind was on again. That's why I hate hanging out with people. They are just good at first but will soon leave you with bad remarks.

The moment I got home, I received his text message. We'll meet at some place at masasabi kong may taste nga siya. Doon kami sa isang payapang coffee shop. There are private rooms intentionally for businessmen or those people who want a peace of mind.

Pagkatapos kong maligo ulit at magbihis ng bagong damit, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ximi. Pati pala sa text, napakaingay.

AAB:

We'll have a dinner together. It's my treat. ;)

Umalab ang inis sa dibdib ko. Ano kayang pakulo ng kumag na 'to? Sa coffee shop kami kakain ng hapunan?

Huminga ako nang malalim. Relax, Luca. Isipin mo nalang na kliyente siya.

I smiled and typed my reply.

Ako:

Sure ;)

Pagkatapos kong i-send iyon ay halos ibato ko sa higaan ang cellphone. Nakakafrustrate ang lalaking iyon. Siya ang tipo ng taong ayaw kong makasalamuha. Mas mabuti pang mawalan ng trabaho, 'wag lang magkaroon ulit ng klase ng kliyenteng tulad niya.

Next chapter