webnovel

Chapter Twenty One

             "Tutal binilhan mo na naman ako libro, bilhan mo na rin ako ng ice cream." panlalambing ko rito.

             "Tsk. Mukhang maghihirap ako tuwing date natin. Buti na lang at maganda ka."

             Sinamaan ko siya ng tingin. "So kung hindi ako maganda, iiwan mo ako? Ganun?"

             "H-ha? Did I say that? I just said that--"

             "Whatever. Don't talk to me."

             Naglakad na ako. Gusto kong matawa ng lumapit ito't halos lumuhod na para magmakaawa.

             "Bilhan mo muna kasi ako ng ice cream!"

             "I-I will kahit ilan pa."

             I smiled. "You're the best talaga boyfie." wika ko with a child's voice.

             Ngumuso siya at pinisil ang pisngi ko. "You're so cute... Wag mo na gawin ulit yun."

             I laughed. "I love you, boyfie."

             Nagulat ako ng halikan niya ako. "I love you too, wifey." aniya sabay mabilis na naglakad paalis sa harap ko.

             Nastatwa ako sa kinatatayuan ko. Did he just say he loves me? Napahawak ako sa pisngi ko. Bigla kasing nag-init. Shit. He said he loves me!! He loves me. Omg.

             "Wait for me boyfie!!" sigaw ko rito saka tumakbo na ako palapit sa kanya.

             "Panglima mo na yan. Tsk. Ang konti mo kumain ng kanin pero pag ice cream na, grabeh."

             Niyakap ko siya sa braso. "Thank you, Tyler. Ang gwapo mo talaga. Bilhan mo pa ako ng isa?"

             "Tsk. Buntis ka na ba?"

             Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Malakas ko siyang pinalo sa braso.

             "Wag mo ngang sabihin yan!! We're not allowed to have a baby yet. Mapapatay ako nina mommy."

             He laughed. "I just thought... You know, hindi naman all the time 100% safe ang contraception. Baka sinuwerteng naka-jackpot ang isa sa mga kawal ko."

             "Mag break na nga tayo. Kung anu-anong--"

             He kissed me. "Don't say bad words, sweetheart." aniya. Lumingon siya sa tindera ng ice cream. "Isa pa, miss. Buntis kasi ang misis ko. Naglilihi."

             Ngumuso ako. Napangiti naman ang tindera. Deep inside gusto ko ring mapangiti. Misis. Sarap talagang pakinggan.

             "Last mo na yan."

             Ngumiti ako. "I love you na talaga, boyfie. Ang bait bait mo. Gusto kitang papakin."

             "Mamaya na, sweetheart. Maraming nakatingin."

             I chuckled. "Tayo na nga. Maggo-grocery pa ako."

             "Bibili na lang ako ng mga pwede mong kainin habang nasa dorm kita. Mamaya, hindi ka makakapasok for sure kaya umakyat ka na lang sa bakod.'"

             He smirked. "I know. Para namang hindi ko yan nagagawa dati."

             "Good. Wag na wag kang lalabas sa kwarto pag wala ako dun. I-lock mo ang pinto. Wag na wag kang magpapapasok ng kahit sino kundi break na tayo."

             "Opo. Alam ko po."

             Nagpatuloy na kami sa pamimili. Siya yung nagtutulak ng cart habang kuha naman ako ng kuha ng mga kakailanganin ko sa dorm. Panahon na kasi ng panggogrocery ko. Ubos na yung mga supplies ko sa kwarto. Binibigyan naman ako nina mommy ng pera para dito. Yun nga lang, sakto lang talaga kaya hindi na ako nakakabili ng mga gusto ko.

             "I think we will need condoms sweetheart."

             Tinapon ko sa mukha niya ang hawak kong napkin. Saktong tumama naman iyun kaya tawang tawa ako.

             "Magsuggest ka pa ng walang kwenta at di lang yan ang tatama sa mukha mo."

             He zipped his mouth tapos ay tahimik ng naglakad sa likod ko.

             "Tyler... Pakiabot nga nun." pakiusap ko sa kanya sabay turo nung tissue na nasa taas.

             "Saan?" tanong niya sabay lapit sa akin.

             Tinuro ko ulit ang tissue. Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumapit sa akin at ikulong niya ako sa mga braso niya. Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ko bago siya tumingkayad para makuha yung tissue. Halos hindi ako makahinga sa lapit ng abs niya sa mukha ko. Ang sarap papakin. Shit.

             "Eto lang ba?" nakangisi niyang tanong.

             Tumango lang ako saka naglakad na paalis. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

             Hindi na ako maka-focus habang namimili. Kung anu-ano na lang yung nilalagay ko sa cart. Bwesit kasing Tyler na yan. Nang-aakit. Shit. Hindi na talaga ako papayag na siya ang masusunod mamaya. I will seduce him later. Tingnan lang natin kung makatanggi pa siya.

             Matapos kong mabili ang lahat ng nasa listahan ko, nagpunta na kami ng counter na dalawa. Konti lang naman yung tao kaya di na namin kailangan pumila. First time ata? Dati kasi pag linggo, halos umabot na ang linya sa kabilang aisle sa dami ng taong namimili.

             "Saan tayo pupunta after this?" tanong niya habang nilalagay ko ang pinamili sa counter.

             "Uuwi na?"

             "Hmm... We should go somewhere else. Saan mo ba gustong mamasyal?"

             Napapitik ako ng daliri. "Arcade! Maglaro muna tayo!"

             He smiled. "Okey, babe."

             Nang matapos ang babae sa ginagawa ay tiningnan ko ang babayaran. Halos lumuwa ang mata ko ng makita kung magkano yun. 3000??? What??? Paanong...-- Tiningnan ko ang mga pinamili. Limang malalaking plastik. What the hell did I just buy??

             Napayuko ako. Dalawang libo lang yung pera ko. Omg.

             "3,250 po lahat ma'am." anang cashier.

             "Babe?" si Tyler.

             "B-babe... Pahiram muna ng isang libo. Babayaran din kita. Promise. Sakto lang kasi yung binigay ni mommy. Hindi ko inakala na lalampas."

             Kinuha nito ang wallet sa bulsa. Inabot niya ang apat na tag-iisang libo sa cashier.

             "Isang libo nga lang ang hihiramin ko."

             "Just keep that money with you." aniya.

             "Hindi na. Nakakahiya eh. Kunin mo na lang toh." inabot ko sa kanya yung dalawang libo.

             Sinamaan niya lang ako ng tingin saka kinuha na niya yung nga pinamili namin. Nilagay niya iyun sa cart.

             "Boyfie... Babe..."

             "It's really fine, Ken. Tutal first date naman natin. Hayaan mo na. May pera pa naman ako. Nagdala talaga ako ng extra."

             "Kaya lang--"

             "Tsk. Mukhang nakakalimutan mo na kung sino ang boyfriend mo, sweetheart."

             "It's not about the money, Tyler. Kung pera lang naman, alam ko namang marami ka nun pero... Nakakahiya kasi. Ayaw ko--"

             "Nahihiya ka sa akin? You stripped naked in front of me, hindi ka naman nahiya. Pera lang yan, sweetheart. It's okey, okey?"

             Yumakap ako sa braso niya kaya napahinto siya. "Tyler..."

             "Wag ka nang makulit. Hindi ko tatanggapin yan. Keep that. Baka kailanganin mo in the future."

             I sighed. "Babawi na lang ako sayo. Bibilhan na lang kita mamaya ng dinner. Yung masarap."

             He laughed and then kiss me on my lips, saka sa cheeks. "You're cute."

             "I love you." wika ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

             Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nasabi ang mga katagang na yun ngayong araw. I was never affectionate towards others. Isa akong malaking sinungaling. Nagsisinungaling ako sa pamilya ko. Nagsisinungaling ako sa buong angkan ko. May mga times na nagsisinungaling ako kay Tyler.. But everytime na sinasambit ko ang tatlong salitang yun, feeling ko yun lang pinaka-totoong bagay na nasabi ko buong buhay ko.

             Hinawakan ni Tyler ang mukha ko. "I am falling so deeply in love with you each and everyday, Kenneth Casandra. And the funny part is, hindi mo ako tinulak. Ako na mismo yung tumalon para lang maipakita sayo kung gaano kalalim ang pagmamahal ko."

             Napakurap-kurap ko. He's eyes are so sincere. I can sense sincerity in his voice. He has fallen in love with me.

             "I will never let you go. Mahulog ka rin please."

             Napakahina ng huling parte na sinabi niya na I almost thought it was just my imagination... But I know he clearly said that... He was asking me to fall for him too... And I think kung ipagpapatuloy ko toh, isa na lang talaga at tatalon na rin ako.

Next chapter