-*-*-*-*-*-
"Hoy Slave!" Pauwi na sana si Sigmund nang tinawag siya ni Ark. Lumapit naman siya kaagad sa dalawa na parang isang maamo at loyal na tuta.
"Di ba may requirement tayo na drawing book?"
"Ah, Oo."
"Ibili mo kami ni Andy ng drawing book. Bukas ka namin babayaran. Okay? Geh, Alis na."
Ang hindi nila alam, may palihim na nakikinig at nakatingin sa bawat galaw, at bawat pangyayari, laging nakasunod at biglang sumusulpot, naghihintay ng tamang panahon, at nangangalap ng impormasyon sa katauhan ng isang first year na batang lalake.
-*-*-*-*-
Naglakad na siya palabas ng campus. Pagod na pagod siya ngayong araw pero hindi niya ito iniinda. Isang araw nanaman ang natapos. Ang mahalaga, naging makabuluhan ang araw na ito. Marami siyang natutunan mula sa kanyang mga guro at nag-eenjoy rin siyang kasama ang kanyang mga kaklase.
Napatingala siya sa nagdidilim na kalangitan. Tahimik niyang pinagmamasdan ang kalangitan at napangiti siya dahil sa kagandahan ng naghahalong kulay pula, kahel, at dilaw. Parang isang painting.
Naisip niyang, kung biniyayaan lang sana siya ng talento sa pagpipinta, isa ito sa mga magagandang tanawin na ipipinta niya at tititigan araw-araw.
"Bakit ka nakangiti?" Nilingon niya kung sino ang nagtanong. Si Charity pala kasabay niya ito ngayon sa paglalakad palabas sa gate ng school.
"Wala lang." Sagot niya.
"Para kang sira."
Charity Elisse Escovidal. Kaklase niya ito magmula first year hanggang second year. Kaso ngayon, nahulog siya sa III- Andromeda o sa section two ng special science class nandahil sa isang subject.
Kung tutuusin ay pwede naman siyang mangopya para makakuha ng matataas na score at manatili sa pinakatop section, pero ang anumang uri ng pandaraya, o panlalamang sa kapwa ay mahigpit niyang inaayawan.
Ang totoong matalino, hindi kailangang mangopya.
Kung makakapasa siya, edi makakapasa siya at dahil iyon sa sarili niyang pagsisikap at hindi dahil sa nangahoy siya ng mga sagot na nanggaling sa pinaghirapan ng iba.
Unfair iyon. Ang pinakaayaw niya pa naman sa lahat ay ang pagiging unfair.
Eh ano naman kung bobo siya sa math? Eh ano naman kung hanggang 78 lang ang kaya niya sa math? She tried her best, and that is already enough.
Her grades won't define her worth as a person. Numbers are just numbers.
Kung ano lang ang kaya, wag pilitin. Hindi naman kailangang mandaya para lang masabi na magaling at matalino eh.
"Sorry." Himingi ng patawad si Sigmund ngunit tinignan lang siya ni Charity habang nakakunot ang noo. Napaisip tuloy siya kung may nagawa siyang masama, pero wala naman. Siguro, ganoon lang talaga si Charity.
Ayon sa pagkakakilala niya sa kanya, tahimik at seryosong tao si Charity. May pagka-maangas rin, matapang, disiplinado, at prangkador. Para silang pinagbiyak na bunga ng kakambal niyang si Charlotte. Pero pagdating sa ugali, para silang opposite poles. Si Charlotte ay araw, at siya naman ay gabi.
Ang totoo, kaya kumunot ang noo ni Charity ay dahil hindi niya maintindihan kung bakit nagso-sorry si Sigmund, gayong wala naman itong kasalanan sa kanya. Hindi naman porket hindi niya naappreciate ang dahilan ng pagngiti nito ay hihingi na ito ng tawad.
Hindi naman kasalanan ang ngumiti. Kung kasalanan ngumiti, edi sana nakulong na ang kakambal niya? Madalas talaga siyang ma-misunderstood ng mga tao, pero sanay na siya. Wala siyang pakialam. Isipin nila ang gusto nilang isipin. She doesn't have to explain herself.
Tahimik silang naglalakad hanggang sa makasakay sila ng tricycle. Mabuti pa si Charity, walang pakealam samantalang si Sigmund ay nakakaramdam ng pagkailang sa byahe. Sobrang awkward talaga kapag may kasabay kang classmate na di mo ka-close sa loob ng tricycle.
Nagdedebate siya sa kanyang isip, kung kakausapin ba niya ito. Naguguluhan siya. Pero sa huli, nagdesisyon siyang manahimik nalang dahil mukhang bad mood ang katabi.
Aksidente silang nagtinginan sa salamin. Tinignan siya ni Charity gamit ang mga blangko niyang mata. Naiilang nanaman siya kaya sa labas niya nalang ibinaling ang tingin hanggang sa huminto na ang tricycle at bumaba na silang dalawa.
"Eto po manong. Salamat po." Iniabot niya ang bayad atsaka naghiwalay na ang landas nilang dalawa pagkapasok sa loob ng mall.
Nakita niya si Charity, nakaupo at namimili ng drawing book. Nilapitan niya ito, pero kinunutan lang siya ng noo ni Charity at hindi pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pagsiyasat sa dalawang hawak na drawing books. Napansin ni Sigmund na dalawang drawing books nalang ang natitirang nakadisplay, at ayon ang hawak-hawak ngayon ni Charity.
"Kuya, may stocks pa po ba kayo ng drawing book?"
"Nako, wala na. Naubusan na kami eh. Next week pa darating ang stocks galing sa supplier."
Napakamot siya ng ulo.
'Patay. Paano sila Ark at Andy?'
"Ah sige po. Salamat kuya."
Kung mapapakiusapan niya lang sana si Charity na ipaubaya nalang sa kanya ang dalawang drawing book, para ibigay sa kambal, at ang sa kanya ay bahala na. Noong una ay nag-aalangan si Sigmund. Pero kailangan niyang lakasan ang loob, para ma-accomplish ang pinapagawa sa kanya nina Ark. Ayaw niyang biguin ang mga ito.
"Uhmm. Charity?" Tiningnan siya ni Charity, naghihintay sa kung ano ang sasabihin niya. "Pwede bang sa akin nalang yan? Kailangan ko.. kasi. Hehe."
Yun lang naman pala. Wala namang problema iyon kay Charity. Hindi naman siya gahaman para angkinin lahat ng drawing book kahit na isa lang naman ang kailangan niya. Binigay naman sa kanya ni Charity ang isa pang drawing book. Isa sa kanya, at isa kay Sigmund. Sakto.
Tinanggap ito ni Sigmund, pero nagtataka siya dahil tinitingnan pa rin siya nito na parang may gusto pang sabihin. "Tinitingin-tingin mo?"
"Ahh.." Gusto sanang hingiin ni Sigmund ang isa pang drawing book na hawak niya. Pero, baka ikagalit niya. Nahihiya siya. Hindi niya man masabi ang gustong sabihin gamit ang kanyang bibig, kusa namang napabaling tingin niya sa hawak na drawing book ni Charity.
Sinundan ni Charity ng tingin ang tinitignan niya. "Ilan?"
"Huh?"
"Ilang drawing book kailangan mo?" kunot-noo niyang tanong.
Hindi siya sumagot dahil nakakatakot ang tono ng pananalita ni Charity. Hindi sa galit si Charity, pero wala lang talaga siya sa mood. Madalas siyang napagkakamalang galit pero ang totoo, ganon lang talaga siya makipag-usap.
"Sagot." Kalmado pero nakakatakot ang tono niya!
"T-tatlo sana..."
"Ano?! Hindi niyo mo mauubos!" Bahagyang tumaas ang boses ni Charity. Aanhin naman ni Sigmund ang dalawang drawing books? Isa lang naman ang pinarequire sa kanila nila. Unless...
"Ah.. Ano kasi, inutusan kasi ako nila andy at ark na bilhan rin sila. Kung okay lang sana sa'yo. Ah, wag kang mag-alala. Babayaran kita."
"Ayoko. "
"Papalitan ko nalang. Ihahatid ko sa classroom niyo. Sige na please? "
"Ayoko. Ako yung nag-effort pumunta dito para bumili, hindi sila. Kung talagang kailangan nila, edi bumili sila. "
"Please Charity..."
"No!" Madiin niyang sabi bago niya talikuran ang nagmamakaawang si Sigmund at pumunta sa counter.
Napapalakpak si Pymi. Mabuti naman at tinanggihan niya si Sigmund. Dahil kung hindi, ay mauuwi sa wala ang pagmamanipula niya ng stocks ng drawing books. Edi mahihirapan sana siya na dalhin si Sigmund sa kanilang bookstore. So far so good, umaayon ang lahat sa kanyang plano.
Walang nagawa si Sigmund kung'di bilhin nalang ang nag-iisang drawing book na iniwan ni Charity para sa kanyang sarili. Maghahanap na lamang siya sa ibang bilihan kung meron man. Basta, kahit na anong mangyari, dapat matupad niya ang inihabilin sa kanya.
Nauna na si Charity na makauwi pagkatapos niyang magpapunch ng mga pinamili. Samantalang si Sigmund ay nagpaikot-ikot pa sa mall pero sa kasamaang palad, wala na siyang bookstore na mabilhan dahil ang BookSale na kaisa-isahang bookstore sa mall na ito ay lumipat na pala ng pwesto.
Bakit kaya sila nagsara? Nakakalungkot. Wala na tuloy siyang mabibilhan ng mga libro.
"Excuse me kuya. " Nilingon niya ang isang pamilyar na batang lalake. "Naghahanap ka ba ng drawing book?"
"Oo." Sagot niya naman. Pamilyar siya. Ilang segundo siyang tinitigan ni Sigmund. Sinusubakan niyang alalahanin kung saan niya nakita ang batang ito. Hanggang sa maalala niya, na siya ang batang nakatambay sa labas ng classroom nila kanina.
"May alam akong bookstore na mapagbibilhan. Para kanino po ba?"
"Para sa classmates ko. Requirements namin. Naubusan kasi ako kanina eh."
"Sumama ka sa'kin kuya. "
-*-*-*-*-*-*-