webnovel

Chapter 12 – The Campaign Continues

Chapter 12 – The Campaign Continues

Gaya ng inaasahan ko, hindi nga pumasok sa work ngayon si Mommy dahil daw rest day nya to after nya umattend ng seminar sa Cebu. This means na dapat on-time ang pag uwi ko dahil magagalet sya kung magpapa-late pako ng uwi.

"Claudine, ikaw ha… nabalita ka sa TV kagabi. Madami kang ikukwento saakin. Teka nagpalit ka ng bag mo?" –Yaya Atria

"Oo yah, onti lang dala ko ngayon. Kung pwede nga lang pumasok na walang bag eh kaso baka masabihan pakong outsider" medyo nagsinungaling ako, pero sa ngayon na kay Queenie yung bag ko.

"Sya nga pala Claudine, sinabihan kami ni Madam dati na higpitan ang pagbabantay sayo ha" –Yaya Atria

"Luh? Bat nanaman?" –Eto nanaman mommy ko sa pagiging overprotective saakin, di ko to actually gusto.

"Di nya sinabi yung dahlia kung bakit, pero kailangan daw naming maghigpit sayo sabi ni Madam eh, sakay ka nalang muna ha. Baka hindi rin nman to magtagal" –Yaya Atria

Habang papasok na ako sa school ay nagka-kwentuhan kami ni Kuya Benjo tungkol kay Cloud Girl, kahit na di nya alam na ako mismo yun, nagkasundo naman kami kahit papaano.

..

Sa School…

Inaantay ako ni Queenie nun sa tapat ng pinto at dala dala nya yung bag ko, nang magkita kami niyakap ako neto na para bang alalang-alala sya saakin. Maging si Alex niyakap din ako…

"Gago ka beh! Pinag-alala mo kami ni Alex kagabi kala namin kung anong nangyari sayo!" –Queenie

"Buti nalang nagawa ka pa naming masundan, pero di kana namin nakita kasi nawala ka bigla, kala namin tuloy kinidnap ka eh" –Alex

Medyo narinig ni Philip yung usapan namin nun kaya maging sya ay nakisali bigla "Kinidnap si Claudine? Claudine okay ka lang ba?"

"Okay lang ako guys, wala namang masamang nangyari saakin…" –Ako (Claudine)

"Bat mo pala naiwanan yung bag mo kagabi sa parking lot saka bat ka pumunta doon saka—saka bat nawala ka kaagad? Dapat talaga makikita ka pa namin nun ni Alex eh" –Tanong ni Queenie

"Ano kasi eh tawag dito… uhhhhmmmmmmmm tumawag si Mommy sa phone ko nun at pinauwi agad ako, tapos may dalawang snatcher nun at ginusto nilang kunin laman ng bag ko kaya… yun naiwanan ko sa lapag tapos nagmadali ako umuwi, buti safe phone at wallet ko nun" gumawa nalang ako ng dahilan para lang hindi sila magka idea na ako si Cloud Girl… plus andito yung ex ko.

"Nafeel ko talagang may something na mangyayari eh kaya ayaw kita agad nun paalisin mag isa" –Queenie

"Ang mahalaga naman ay safe at okay ka ngayon Claudine" –Philip

"Opppppssssssss! Hanggang saaming tatlo lang yung usapan, may shield oh" –Biglang biro ni Alex na parang gusto paalisin si Philip sa pag extra.

"Alex wag, hayaan mo na sya… thank you pala Philip sa concern" –Sabi ko kay ex

Chineck ko yung laman ng bag kong naiwanan ko kagabi at mabuti namang wala talagang nawala, saka good yung timing na humabol sina Alex at Queenie, siguro kung hindi baka nawalan na ako ng bag ng tuluyan.

Hindi ako maka-side line sa pagiging Cloud Girl tuwing oras ng class, tapos pag uwian naman ay sinusundo ako lagi ni Kuya Benjo, bawal na hindi ako magpasundo kasi baka isipin ni mama na naglalaboy ako, strict lang ng parents ko. Kaya ang oras lang na free talaga ako ay ang gabi…

You know, after kong pigilan si Cable Blade at makapagiligtas ng mga inosente, tila nabigyang kasagutan kona yung tanong ko sa sarili ko na para saan ba tong kapangyarihan na meron ako. Kaya ako may kapangyarihan para gamitin to laban sa kasamaan at pag ligtas ng mga taong nanganganib. Saka nadi-discover ko din yung mga panibago kong kakayahan sa mismong pangyayari eh, na di ko akalaing kaya ko pala. Mga part ng move set ko na bigla ko lang nagawa at never ko pa na-practice na nag work

1. Cloud Control (Yung nagagawa kong mapasunod saakin yung ulap sa kalangitan. Cool AF)

2. Cloud Blast (Buga ko ng ulap mula sa kamay ko, na parang fire extinguisher ang dating at na-improve ko to gawa ng kaya nito yung body mass ko)

3. Cloud Ball (yan na yun, cloud ball… pang takip sa muka ng kawatan)

4. Cloud Phasing (tinawag ko nalang cloud phasing yung kakayahan kong tumagos sa pisikal na bagay)

5. Levitation (Kaya kong mag-lift ng object sa ere gamit tong cloud powers ko tulad ng papel, phone, plato. Natagos sa ulap pag heavy na masyado yung gamit)

6. Cloud Jump/Teleport (Yung tinututok ko yung kamay ko sa ulap na hugis arrow, then mag-aanyong ulap ako para mapunta ako sa mismong ulap, parang nag teleport ako mula dito sa lupa papaakyat sa taas)

7. Cloud Phasing II (Yung nagiging ulap din yung nahahawakan for short period of time. I did this sa pamilyang niligtas ko sa aksidente, nagawa naming lahat tumagos sa sasakyan nun)

8.

9.

10.

Inaagahan ko lagi yung uwi ko nun, minsan nga ay pag hindi maantay si Kuya Benjo ay nagco-commute ako para lang makauwi talaga ng maaga para magpaka 'Superhero' tulad ni Rouser.

One time, dinala ako ng danger indicator sa Makati para iligtas yung taong gusto nang magpakamatay gawa ng depression nya, umakyat sya sa tuktok billboard nun para tumalon at matapos yung sarili nya pero pinigilan ko sya. Buti nalang ay na-convince ko sya at nag-teleport kami pababa kung saan nag-aalala yung asawa at anak nya at yung iba pang taong nakapaligid nun.

Isa pa sa mga naging ganap ko is yung nagtungo ako sa Navotas, almost 1:00AM na nun at may pasok pa ako kinabukasan. I found this fun, na pinigilan ko yung dalawang grupo ng mga kabataang nagra-riot, yung sa gitna ako naglanding nun at puro ulap yung paligid, habang di nila kita na binabanatan ko na sila isa-isa, wala akong kinampihan sa magkabilang grupo nun. Napagkamalan pa nga akong multo nun dahil kahit anong bato nila sakin ng bato o bote ay balewala dahil natagos lang sakin. Nahuli ng mga tanod yung ibang kabataan na naupakan ko pero may iba namang nakatakas, at least napigilan ko yung riot.

Meron din akong naging ganap sa isang convenient store dito lang sa Cainta na sinubukan pagnakawan ng isang kawatan. Sinubukan netong kunin lahat ng pera sa cashier pero malas nyang hindi sya magtatagumpay kasi nakaharang ako sa daan nya, dito ko first time na-experience yung binaril ako pero tumagos lang din yung bala saakin kaya useless lang kung tutuusin. Buti nalang ay agad na nakatawag sa pulis yung may ari ng store at na-hold ko yung kawatan. Disabled sya gawa ng cloud ball sa muka nya. Wala syang makita plus hindi sya makahinga ng maayos. Huli agad sya nung dumating yung mga pulis.

At etong pinaka-recent lang, yung sinalakay ko yung white van na may lamang kinidnap na mga bata sa Payatas. Nag-cloud phase agad ako nun sa pwesto ng driver para sapakin sya sa muka at pigilan ang pag-andar ng sasakyan, napakawalan ko yung mga bata at buti nalang nagawa pa nilang maka-uwi, good din yung mga taong tumulong saakin nun para mapahuli yung mga abusado.

Nakilala na ako ng husto dahil sa ginagawa ko, sinusundan ko lang naman yung yapak ni Rouser. Pero di ko sinasadya na maagawan sya ng spotlight. Madalas na akong naibabalita sa TV, nasa diyaryo pangalan ko, maging sa news feeds sa facebook napag-uusapan ako. Tawag nga ng iba sakin ay 'Pale Phantom' o kaya naman 'White Jacket Ninja'. Maging tong trademark costume ko na white jacket ginagaya na din ng mga kabataan… Feeling ko, sa kada gabi na may natatapos akong misyon, lalo lang akong gumagaling sa pag-control ng kapangyarihan ko, na habang tumatagal lalo akong lumalakas.

Kahit papaano naman ay nababalanse ko oras ko sa pag-aaral, may mga gabi din namang mas pinili ko mag-review o magpahinga, kasi alam kong si Rouser yung liligtas, pero never pa kami nagkita sa aktwal.

..

..

..

..

..

One Month Later…

Isang buwan na ang nakalipas nang huli kong makita si Cable Blade, pero hanggang ngayon wala syang paramdam ulit. Malapit na din ang Christmas break namin kaya more time nako neto sa Cloud Girl duty.

Sa Guillermo Motor and Bike Parts Shop QC Branch…

"So totoo pala na nilabanan ni Cloud Girl si Cable Blade sa bandang Taft" –Jolo

"Oo Jolo, at pagkatapos nun ay hindi na muling nagpakita si Cable Blade…" –Jackson

"Nasasapawan na tayo ng Cloud Girl na yan boss, kahit na may napipigilan kang krimen na di agad nagagawa ng mga pulis, sya pa din madalas yung naibabalita…" –Kenken

"Hindi na importante yung kasikatan sa ngayon, mabuti nga hindi lang ako ang Superhero eh" –Jackson

"Ano ba sya sa tingin mo boss, kakampi o kalaban?" –Jojo

"Hindi ko pa masabi kung ano…" –Jackson

"Puro lang kuha ng CCTV ang meron tayong footage nya boss, wala tayong malinaw na picture nya para makilala sya" –Kenken

"Magkikita rin kaming dalawa balang araw… o sya, reresponde muna ako, kayo na muna bahala dito sa shop. Hahanap ulit ako ng maililigtas" –Jackson

"Ingat po kayo boss!" –Jojo

"Sige po boss kami na bahala dito" –Kenken

Sinuot na ni Jackson Guillermo yung outfit nya na kung saan kilala sya ng marami bilang si Rouser! At simula na naman ng panibago nyang ronda!

..

..

Sa Mansion ni Senate President, Xavier Dela Vega…

"Matagal ko na tong pinag-aralan at isinarili ko lang ito pero ngayon, mukang makakaya na natin gumawa ng panibagong hukbo ng militar. Hindi lang sila basta sila typical na sundalo… sila ay mga 'Enhanced' unit, magkakaroon sila ng bilis at lakas sila na higit pa sa lakas ng normal na tao, magaling na pag-asinta, talas ng isip at iba pang mabubuting katangian ng sundalo…." –Xavier Dela Vega

"Makakaya pa lang naman, ibig-sabihin may mga kailangan pa tayo?" --?????

"Onti nalang, meron na tayong pitong volunteer sa sikretong proyekto natin na to… yung pang walo, at ang kukumpleto sa kanila ay ang 'Potential' na matagal na nating minamanmanan…" –Xavier

"Yung gwardya ba yung tinutukoy mo?" --?????

"Oo sya nga… may kapangyarihan sya. Kakailanganin natin yun para sa proyekto natin" –Xavier

"Meron ka pa bang nahanap na Potential? Bukod dyan sa gwardyang iyan?" --?????

"May apat pa, isang nagtatago sa kagubatan ng Aurora, isang bata na may nakakamatay na pag-hawak itinago sya ngayon sa Rizal, at dalawa pang naandito lang sa NCR. Babae sila pareho, yung isa may kapangyarihan na gumawa ng energy blades mula sa kuko nya, at isa pang babae di ko to nalaman dati… ito yung kilalang kilala ngayon… yung may kapangyarihan mag-control at maglabas ng ulap…" –Xavier

"Mas mabuti siguro kung maisasama natin yang iba… o baka makahanap pa tayo ng iba pang Potential na naandito sa bansa natin" --?????

"Bago natin maisama yang iba pa, kailangan muna nating mapagtagumpayan ang prokeytong ito" –Xavier

"Tutulungan ka namin ng mga kasama ko, at asahan mo sa darating na eleksyon, sayong-sayo ang suporta namin, future President Dela Vega!" --?????

"Maraming Salamat, maasahan ka talaga kaibigan…." –Xavier

..

..

At sa isa namang apartment sa Valenzuela…

"Cloud Girl… ikaw putangina ka, handa nako ulit sumalakay at di mo na akong mapipigilan pa dahil papatayin kita. Hahuntingin kita, papatayin ko din lahat ng malapit sayo. Papatayin ko mama mo, papa mo, lolo at lola mo, at mga kapatid mo! Humanda ka ngayon sakin… pinakelaman mo ako noon, ako naman ang gaganti ngayon…" –Mga salita ni Cable Blade habang hawak ang diyaryong may litrato nito…

"Garry?! Pre tangina nababaliw ka nanaman dyan? Sabog ka nanaman ata?!" –Tropa ni Cable Blade

"Matagal ko nang pinatay si Garry Delfina… MATAGAL NA SYANG PATAYYYYYYYYYYY!!!!!!!!" –Sigaw ni Cable Blade sa kasama nya sa apartment

"Gago ka Garry kumalma ka nga, huminahon ka muna… magagantihan mo din sya pero kung mangingibabaw yang galit sa puso mo, hindi ka basta-basta magwawagi" –Tropa ni Cable Blade

"Hindi ko kailangan ng taga payo… o kaibigan" sabay sinasaksak ni Cable Blade yung kasama nya

"Garry… ahhhhhkkkkk… anong nangyari sayo…." –Mga huling salita ng kaibigan ni Cable Blade

"Lahat ng hahadlang sakin ay matutulad lang sayo… kaibigan"

Agad kinuha ni Cable Blade ang mga gamit nya at umalis para lumipat sa bagong matutuluyan dahil sa ginawa nyang pagpatay sa kasama nito.

..

..

..

..

..

"Hindi pa tayo tapos Cloud Girl!"

Next chapter