webnovel

one shot story

Author: Jorrie
General
Ongoing · 71.1K Views
  • 13 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Chapter 1Mental Health Awareness

Have you ever been accused of loving too much?

Na ang pag-ibig mo daw ay mga kamay na sumasakal sa kanila, isang lason. Toxic. Disease. Disaster.

I am sick... No, I'm not but maybe yes. Okay, I am sick but come to think of it, I don't think I'm really sick... But I guess I am wrong. I am sick.

Did I just say that I am sick?

Okay. Have you heard about Obsessive Compulsive Disorder? It's a disorder. Iyong sabihin mo na mental disorder is such a heavy word, but it's true. It's a mental disorder. A f u c k i n g Mental Disorder. Alam mo ba 'yung pakiramdam na you are caught in a cycle between obsession and compulsion? Nasa gitna ka tapos may dalawang pader sa magkabilaang gilid mo. Hindi ka makatakas, hindi ka makawala, naiipit ka kasi most of these feelings and urges, hindi mo gusto pero hindi mo maiwasan. Para kang gina-gangbang ng obsession at compulsion, tang ina 'di ba? Dini-deep throat mo si Obsession habang ina-anal penetration ka naman ni Complusion. Ang galing. Tang ina. Slow clap.

Maraming pagkakataon na nakakakita ako ng mga maliliit na uod na gumagapang sa braso ko, gapang ng gapang ng gapang, kaya I have to wash my hands 10 times sa loob ng thirty minutes. Feeling ko kapag hinahawakan ko ang doorknob ang dami dami kong sakit na p'wedeng makuha kasi the fuck 'di ba? Ilang kamay na ba ang humawak sa doorknob? Mga kamay na kakatapos lang magmasturbate, mangulangot, magkamot ng tainga, naghugas sa pwet na kakatapos lang tumae, alam mo ba kung anong mga klaseng dumi ang pwede mong makuha dito? Minsan pinupunasan ko muna ng wet tissue ang door knob o kaya binubuhusan ko ng alcohol bago ko hawakan.

Naranasan mo na ba 'yung ang dami-dami mong paranoia? Ang dami-dami mong fears? Kapag nakakakita ako ng bato sa kalsada kahit na nagmamadali ako, itinatabi ko 'yun sa gilid para hindi matisod ang iba. Iniiwasan ko ang mga open manhole sa kalye. Hindi din ako basta-basta nagtatapon ng kung ano ano. Baka kasi maging sanhi iyon ng kapahamakan ng iba. Para sa akin, ang mundo ko ay isang malaking puzzle; Dapat nag fi-fit ang bawat piece. Naiirita ako kapag may naiba, kapag may isang hindi nakasunod sa sistema. Well-organized ang buhay ko mula sa mga gamit, mga kaibigan at lalo na sa trabaho. Ayokong-ayoko ng nawawalan. Madali kong makita kapag may kulang, kapag may isang piece ng puzzle na hindi tugma, o kapag mayroon isang bagay na hindi nakalinya ng maayos. Masyadong mahalaga sa akin ang sistema, ang kalinisan.

Alam mo ba kung ilang beses, ilang beses at beses at beses kong binabalikan ang lock ng pintuan? Sinisigurado kung naisara ko ba ito ng maayos. Isasara ko ito tapos bubuksan, isasara, bubuksan, isasara, bubuksan... Hindi pa ako makukuntento sa mga locks. Pati ilaw napagdidiskitahan ko. Kahit na nakahiga na ako at nakapikit, bigla kong maiisip kung hindi ko ba nakalimutang patayin ang mga ilaw, tanggalin ang saksak ng extension, ng charger. Ilang beses kong inilalabas-masok ang kotse sa parking lot, sinisigurado ko na maayos ang pagkakapark nito sa garahe, kinakalkula ang layo ng kotse sa pader o sa katabing sasakyan nito. Kapag binuksan ba ang pinto tatamaan ko ito? Hindi ba ako nakaharang sa ibang kotse? O kaya ilang beses kong pinapasadahan ng dishwashing liquid ang mga kubyertos at plato, babanlawan at sasabunin ulit. Nakakapagod, nakakasawa, kaso hindi ko maiwasan. Hindi ko mapigilan.

Lagi kong iniiwasan tumingin sa mga lalaki at babae na nakahubad, kahit naka maiksing short o sando lang, hindi ako tumitingin dahil pakiramdam ko, nagkakasala ako sa Diyos. Pakiramdam ko nagiging imoral ako kaya agad akong nagpupunta sa simbahan at humihingi ng tawad, nagdadasal ng sampung Ama namin, sampung Aba ginoong maria; Paulit-ulit akong nagdadasal, paulit-ulit akong humihingi ng tawad.

Ang dali-dali kong magpanic. Hindi ko mapigilan because you know what? There is fucking comfort in panic.

Nasabi ko na bang madali akong magpanic?

Madali kasi akong magpanic like, "The fuck, I could die from this!" I want to stop but I can't. These obsessions in my head create voices, tiny little voices saying, "Madumi 'yan huwag mong hahawakan!" and these obsessions consume me, more than I'll ever know.

But when I met Audrey, iyong mga little tiny voices, napipi bigla. Bigla silang tumahimik at wala akong ibang marinig kundi ang sunshine sa tawa niya, ang sunset sa halakhak niya, ang sea of clouds sa loob ng bibig niya, ang big waves sa labi niya.

She's a stripper in a local bar na pinuntahan naming magkakaibigan out of katuwaan lang. Then I saw her. Iyong mga neon lights kumukulay sa balat niya, red, blue, green, blue, red, violet, green, I saw something na hindi nakikita ng iba. I saw the universe on her skin, galaxies and constellations.

She's beautiful. Very, very beautiful.

After ng sayaw niya, tinable ko siya. She was a bit surprised, siguro iniisip niya kung anong ginagawa ng isang Bank Manager sa ganoong lugar, kung anong ginagawa ng isang disente, pormal na babae sa table na iyon at bakit ako nakaupo sa tabi niya. She asked me, "Lesbian ka?" na sinagot ko ng, "Am I? Do I look like a lesbian to you?"

Then she laughed again. God, I can see the gates of heaven everytime she laughs.

Pagkatapos ng first meet-up namin ni Audrey ay sinundan ko iyon ng pagpapadala sa kanya ng isang bouquet ng bulaklak, love letters, chocolates, and teddy bears. Everytime na magpapadala ako sa kanya ng kahit ano, tumatawag ako sa kanya five times just to make sure na natanggap na niya ang pinadala ko. Lagi siyang tumatawa; She loves it, the time and attention.

Pagkatapos ng two weeks na pagpapadala ko sa kanya ng kung ano-ano, pumayag siyang makipagdate sa akin.

I asked her out fifteen times every day, five times in the morning, five times in the afternoon and five times in the evening. She likes it. She even said that she loves it.

After ng dinner date namin, dinala niya ako sa apartment niya. Magulo sa bahay niya. Nakakalat ang mga damit sa sofa, walang divider, ang kwarto ay sala na at ang sala ay siya na ding kusina. Agad kong tinanggal sa pagkakasaksak ng TV, napasulyap siya sa akin at muling tumawa. Nagpahid ako ng alcohol sa kamay, humalakhak siya.

Doon muling naglitawan ang mga germs. Nakikita ko sila, sa pader, sa sahig, nag-gagapangan, sa mismong balat ni Audrey. Nakikita ko sila. Nanunudyo. Biglang lumakas ang mga bulong, "Huwag kang uupo sa sofa. Madumi. Hindi mo alam kung ilan na ang humiga at umupo diyan. Baka magkasakit ka, baka makuha mo ang mga germs at bacteria!" Mariin akong pumikit. Nilabanan ang mga bulong, pinatahimik.

Sa sofa ni Audrey kami unang nag sex. For the first time in my life, hindi ko pinansin ang mga bulong, ang mga germs na nakikita ko. For the first time, iba ang nag consume sa akin. Hindi ang obsession at compulsion, kundi isang kakaibang damdamin. Nakakamangha, na hindi ko naramdaman ang urge na maghugas ng kamay pagkatapos ko siyang hawakan kahit na paulit-ulit kong naririnig ang mga bulong...

"Hindi mo alam kung ilang lalaki na ang humawak sa kanya. Madumi siya. Madumi!"

I don't care kung nagiging immoral ako. I don't even ask God for forgiveness. Wala akong pakialam. I don't give a flying fuck. I don't fucking care. I don't fucking care. I don't fucking care. My Goodness. I don't care.

Gustong-gusto niya kapag tatawag ako sa kanya on a daily routine basis para lang sabihin sa kanya na mahal ko siya at iniisip ko siya six times in 1 hour.

Gustong-gusto niya kapag nakikita niya ako na inaalis ang mga sagabal sa dadaanan niya sa takot na baka matisod siya, madapa siya.

Gustong-gusto niya kapag gigisingin ko siya sa gitna ng madaling-araw tatlong beses, isa kapag alas-dos, isa kapag alas-tres at isa kapag alas-kwatro, just to remind her that I love her so much.

Gustong-gusto niya kung paano ko paulit-ulit na inaayos ang pagkaka-arrange ng pinggan at kutsara't tinidor sa table kapag kumakain kami.

Gustong gusto niya na bago ko siya halikan ay tatlong beses akong magtoothbrush. Na bago ko siya hawakan, maghuhugas muna ako ng kamay sa saliw ng Happy birthday limang beses. Na bago kami matulog ay aayusin ko ang kobre kama bago kami muling humiga at kung paano ko ito inaayos ng paulit-ulit sa umaga pagkagising namin.

Gustong-gusto niya kung paano ako paulit-ulit na babangon sa gabi para siguraduhing patay ang ilaw at sarado ang pintuan at kapag nakahiga na ako sa tabi niya, malakas siyang tumatawa kapag mapapatitig ako sa ceiling kakaisip kung nasarado ko ba ng maayos ang mga locks ng pintuan, kung na switch off ko ba ang lahat ng ilaw.

Gustong-gusto niya kapag inaayos ko ang buhok niya na kumakawala sa hairclip niya, kapag pinapaalala ko sa kanya ang oras ng breakfast, lunch at dinner nya kapag hindi kami magkasama.

Gustong-gusto niya na ginawan ko siya ng organizer, na nag-iiwan ako ng mga post-it sa ref, sa pintuan ng CR, sa sala, sa TV, sa air-con para ipaalala sa kanya ang mga dapat niyang gawin.

Gustong-gusto niya na apat na beses naming i-celebrate ang monthsary namin at ang anniversary namin sa loob ng isang araw.

Gustong-gusto niya ang mga routine naming dalawa.

Gustong-gusto niya at ang ganda-ganda niya kapag tumatawa siya. Akala ko hindi siya mapapagod, akala ko hindi siya magsasawa.

Nabanggit ko na ba kung gaano siya kaganda at kung gaano siya kasarap tumawa?

Pero last month, nagsimula siyang manlamig sa akin. Hindi ko alam saan nagsimula o kung paano nagsimula. Hindi na siya madalas nagpupunta sa bahay ko. Hindi niya na binabasa ang mga notes at post-its na iniiwan ko. Hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko.

Bago ko pa maalis ang mga nakaharang sa daraanan niya'y sinisipa na niya ito palayo. Naiirita na siya kapag ginigising ko siya sa madaling araw para sabihan ng I love you. Naiinis na siya kapag paulit-ulit ko siyang tinatawagan para ipaalala ang oras ng kain niya. Nagagalit siya at tsaka siya sisigaw ng, "Stop it Leni, you're getting on my nerves. Hindi na ako bata!"

We had our first breakdown nang maglinis ako sa apartment niya. Inayos ko ang cabinet niya, nilinis ko ang sofa niya, ang CR niya, at sa drawer niya doon ko nakita ang birth control pills. Isang banig, dalawa na lang ang natitira.

Sa basurahan ng CR niya nakita ko ang isang gamit na condom. Sa kama niya naamoy ko ang isang hindi pamilyar na amoy. Sa labahin niya, nakita ko ang isang kulay itim na brief at sandong panlalaki.

Tumutulo ang luha ko habang kinukuskos ko ang tiles sa flooring ng CR niya. Paulit-ulit kong pinunasan ng kamay ko ang luha sa pisngi ko, wala na akong pakialam kung ang mga germs sa flooring ng CR ay mapupunta sa mukha ko, papasok sa butas ng tenga ko, i papasok sa ilong ko, sa mata, at sa bibig ko.

Tang ina kasi niloloko niya ako. Kuskos. Ano bang mali? Buhos. Kulang pa ba ang lahat? Punas. Tang ina naman kasi eh, bakit ba kasi? Bakit?

Noon naman mabilis kong makita kapag nawalan ako. Mabilis kong makita if the pieces of the puzzle doesn't fit at all. Agad kong nakikita ang kulang, ang mali, ang wala sa ayos, ang wala sa linya, pero bakit hindi ko ito agad napansin? Bakit hindi ko agad nakita na may mali? Bakit hindi ko agad nakita na hindi pala buo ang puzzle at mali-mali ang piraso na nakakabit sa isa't-isa?

Mali eh, mali. Mali. Mali. Mali. Mali. Mali. Putang ina, mali. Maling-mali.

Dumating siya sa apartment niya. Gulat na gulat siya nang makita niya na naglinis ako. Nag-away kami. Hindi daw siya sanay sa ganoong set-up, nasisikipan daw siya, naiilang, napapagod, nagsasawa. I asked her kung may kulang pa ba? Kung ano pa bang kulang? Baka kailangan ko pang dagdagan, baka kailangan ko pang ulit-ulitin, baka kailangan ko pang...

"Nasasakal na ako sayo." Ang isang bagay na sinabi niya na nagpatahimik sa akin.

Walang imik akong umalis ng apartment niya. Sa loob ng kotse, inubos ko ang isang bote ng alcohol sa kakahugas sa kamay ko. Inubos ko ang wet tissue sa kakapunas sa mukha ko. Nag pa-panic na naman ako. Pero this time, mas takot na takot ako. Mas mataas ang anxiety ko, iniisip ko, anong hitsura ni Audrey kapag sine-sex siya ng lalaking iyon, bino-blow job niya ba ito? Hina-hand job? At tsaka ko naisip na matagal na siguro silang may affair. Habang kami, sila din. Pagkatapos nilang mag sex kami naman ni Audrey ang mag se-sex? Ganoon ba 'yun?

Bigla akong naduwal, lumabas ako ng kotse at sumuka nang sumuka sa gilid ng kalye.

After a week, pinuntahan ako ni Audrey sa bahay ko. Nag-usap kami ng maayos. She accused me of loving her too much na sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nalunod siya, nasakal siya, napagod siya, nagsawa siya.

"Sometimes I just want you to touch me with your dirty hands."

Gusto kong umiyak pero hindi ako umiyak. Naisip ko na masisira ang eye liner ko, na mahuhulas ang make-up ko. We made love for the last time...

Then she said her last and final goodbye.

I asked her to say it again. Pinaulit ko ito sa kanya ng sampung beses para lang tuluyan itong maabsorb ng utak at puso ko.

Before she left, I told her to close the door behind her but she never did. Iniwanan niyang bukas ang pintuan, iniwanan niyang bukas ang ilaw at hinayaan ko lang ito.

Tatlong araw na mula nang maghiwalay kami ni Audrey pero hindi ko mabilang kung ilang beses kong ini-sprayan ang CR ng Lysol, ang sofa, ang buong bahay para lang mawala ang naiwan niyang amoy.

Hindi ko mabilang kung ilang beses kong binukas-sara ang drawer para siguraduhing naitapon ko na ang lahat ng gamit niya na hindi na niya nakuha. Kung ilang beses kong iniba iba ang ayos ng sala, kusina at kwarto. Gamit ang gloves, brush at sabon, kinuskos ko ang sahig, pati ang pader para lang mabura ang lahat ng alaala niya.

At hindi ko din alam kung hanggang kailan kong hahayaan na nakabukas ang pintuan at ilaw. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko hindi huhugasan ang kamay ko para hindi maalis ang amoy niya dito.

At hinayaan ko ang kobre kama na gusot gusot mula nang huling beses na humiga siya dito, para hindi mawala ang bakas ng kanyang katawan.

I can still smell her; I can still feel her like germs crawling into the pores of my skin. She's still here, outside and inside my body but there is no panic. There is no panic at all.

This time, it's only obsession... No more, not even a slight of compulsion.

As I leave the door open again, and turn the lights on.

And called her Apartment, fifty times just to hear her voice on her answering machine, again and again and again.

And again.

+oneshotstory.obsession.+

You May Also Like

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · General
4.9
557 Chs