webnovel

Hindi si Bianca ang Gusto Ko

A month already passed and naging normal na rin ang buhay ko. At least for now. Nakasawa na rin na paulit-paulit ang bawat araw. Gigising. Maliligo. Kakain. Papasok sa trabaho. Nakakaumay.

Naging napakanormal na ang araw ko since after nung mini-vacation namin, hindi na nakapunta sa shop sina Ken, Cody at Arvin.

"Good morning." Bati ko agad nang pumasok na ako sa shop at bumungad sakin si Josh na nagbebrew ng coffee.

"Good morning, Bea." He gazed at me saka ibinalik ang tingin sa ginagawa.

"Ah. Good morning po." Saka ako nagbow sa isang customer na nakaupo sa waiting area.

"Bea. Pwedeng paasikaso muna ng isa niya pa niyang order?" Josh said saka itinapat sakin ang isang papel.

"2 dozens of white roses." Basa ko sa nakasulat.

'Of all na inorder niya, ito pa talaga. With the exact number pa.' Sabi ko sarili ko nang bumigat biga ang dibdib ko as soon as I saw her order.

"Ah. Okay okay." Sabi ko saka nagmadaling nagsuot ng apron saka pumunta sa flower garden.

Nagmadali ako since kami lang dalawa rito ni Josh. Ilang weeks na rin kasi si Maam Rose na nasa company at mukhang may negotiations na nagaganap.

PLUCK!

"23...and 24. Phew." Pinunas ko ang pawis and I immediately walk sa flower shop counter para iarrange ang bulaklak at icoat.

"Here's your order, maam." I said nang iniabot na namin ni Josh ang kanyang mga inorder sa kanya.

Roses. Americano and Latte.

"Thank you po and come again." Sabay naming sabi ni Josh.

+++ THIRD P.O.V. +++

Isang babae ang lumabas ng Flower and Coffee shop nina Bea na may dala-dalang white roses at saka coffees. She immediately dove inside her car at idinrive papunta sa isang napakalaking building na napapanganlan na "MEILIN MEDICAL RESEARCH FACILITY" at katabi nito ang "MEILIN HOSPITAL". Agad na pumasok dito ang binibini't nag-elevator papunta sa highest floor ng building saka pumasok sa isang opisinang napipintuan ng mga fiber glasses. Napakalinis datapwat halos puti ang mga tiles.

"Here's your coffee po. I hope I you could wait for your brother. Meron pa po kasi siyang pasyente." Bow nung babae sa isang lalaking nakawhite longsleeves na naiibabawan ng itim na coat.

It was Cody. He was sitting on a sofa habang nakaharap sa isang glass table na may pangalang...

DR. CYRUS T. MONTENEGRO.

"Thank you. Ah. Don't worry." He said saka napatingin sa mga bulaklak na dala-dala ng babae.

She immediately went out of the office at bumalik na dala-dala ang isang white vase na lulan ang napakaraming puting rosas.

Napatingin dito si Cody ng matagal na para bang nabighani siya sa ganda.

"Oh. Cody. Sorry for the wait." Biglang bumukas ang isang pinto ng office saka pumasok ang matangkad na lalaki na medyo long hair ang buhok. Kasing haba ng buhok ni Cody. In fact, magkamukhang magkamukha silang dalawa. Pawang mga damit lang nila ang nagkaiba.

Tinanggal agad ni Cyrus ang lab gown niya at ang medical cap saka umupo sa sofa imbis na sa kanyang table.

"Mmh. Tell me. Ba't ka napadpad dito?" He asked habang kinuha ang Americano coffee.

"Actually... it's about Bea." Napayukong sabi ni Cody. Sa unang tingin palang, halatang si Cyrus na talaga ang mas matanda sa kanila.

"Mmh? Bea?" Cyrus took a sip of the coffee.

"Whose Bea?" Creases formed on his forehead.

"Bea...my high school bestfriend." Cody explained.

"Ah! Si Bianca. Hahaha. Ba't Bea? Kasi kadalasan naming tawag sa kanya, Bianca eh. Tapos sina Steve, Betty tawag sa kanya. Tapos ngayon naman Bea. Ahaha. Ang dami niyang palayaw ah." Tawang-tawang kuwento ni Cyrus.

Biglang napafurrow nalang ang mga kilay ni Cody na mukha nagwoworry.

Napatigil na lang si Cyrus sa pagtawa ng makita niyang hindi natatawa ang kanyang bunsong kapatid.

"Oh. Bakit? Anong nagyari? Why look so down?" Tanong niya.

"I... I'm very sorry kuya." Cody said saka siya nagbigay ng maliit na bow.

"Huh?" Napakunot bigla ang noo ni Cyrus.

"I-I am sorry. Kahit alam ko na may gusto sa kanya, hindi ko parin pinigilan ang sarili ko na hindi siya magustuhan." Cody apologetically said.

Dun mas lalong kumunot ang noo ni Cyrus then...

"Ahahahaha!" A huge laugh came. Biglang napatingin sa kanya si Cody na parang napuzzle ang mukha.

"Wooh. That was hilarious." Pigil ng tawa ni Cyrus.

"Nandito ka para dyan?"

"O-..oh." Nag-aalangang tango ni Cody.

"Seriously. Then yung moment na sinabihan kita nung high school ka pa na bantayan mo si Beatrice, inakala mo gusto ko siya?"

"Oh." Tumango ulit si Cody.

"Wah." Napanganga nalang bigla si Cyrus.

"Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sayo. So all this past years, you are holding back yourself dahil sa sinabi ko?"

"..." Hindi nakapagsalita si Cody.

"That's okay. Wag mong pigilan ang sarili mo. Kayo na rin naman, you should treasure her."

"Pero-" Putol ni Cody.

"Idiot. Hindi si Bianca ang gusto ko." Biglang nagbago ang mood ni Cyrus dahil sa sinabi niya. His face went gloomy all of the sudden.

Biglang napakunot ang noo ni Cody dahil sa sinabi ng kanyang kuya. Just after na makabalik kasi si Cody sa Manila, nilamon na siya ng guilt dahil sa pagtapat kay Bea na alam niya sa sarili niya na may gusto ang kuya niya kay Bea, na ito na man palang mali.

"W-what?"

"Hindi si Bianca. Kundi si Sylvia. Her sister."

Next chapter