webnovel

Midnight Latte (Tagalog/English)

Author: Xapkiel
Urban
Ongoing · 1M Views
  • 89 Chs
    Content
  • 4.4
    102 ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

A coffee lover girl bound her life with her self made rules to weasel out from repeating same mistakes from the past-- falling in love so easily. But found her heart being caged by these rules, in such, brought herself in a turmoil.

Tags
1 tags
Chapter 1Kinain ng Sistema

"Anak ng kwago! Bianca! Matulog ka na!"

Umalingawngaw ang baba ng aming bahay na katatapos palang irenovate at lagyan ng  malaperlas na mga tiles.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa oras? Oh! Tingnan mo madaling araw na! Di ka pa rin ba matutulog, hang bata ka?"

Nakaiiritang mga tanong ni Mama, dumagdagdag pa ang nakakainis niyang bagong salon na buhok na may pa curl-curl pa sa dulo pati ang malapito niyang boses kung magsalita. Ang aga-aga sermon agad. Literally speaking, ang aga-aga. Alas dos na kasi ng madaling araw, Oktubre isang linggo bago mag-Nobyembre. Malamig na ang simoy anupat ang mga kuliglig wala paring tigil sa paghuni kasabay nito yung mga kukak ng mga palaka sa palayan, dun malapit sa likod. Nagpaingay pa sa kanila ang katatapos palang na bagyo na dumaan sa amin.

Malakas yung ulan kaya't napuno ng tubig yung pakayan sa likod ng bahay namin. Hindi naman kalakihan ang aming property. Ilang hakbang lang mula gate namin, frontyard na, na may isang puno ng mangga at poso sa baba nito; sunod na ang aming bahay at backyard. Dun ako madalas tumambay sa tree house malapit sa may palayan. Marami kasing mga puno sa bakuran namin, alam nyo na Agriculture and Fisheries kasi ang major ko ng nag-aaral pa ko. Tyaka pangarap kong maging florist, pero imbis mga bulaklak, mga puno ang napagtripan ko. Kadalasan mangga at narra ang napapalaki ko ng malusog, may ilan ring kalamansi tyaka dalanghita. Tapos kung lumago na 'to pinagagawan ko 'to ng tree house kay kuya Henry, tatlong taong na mas matanda sa akin.

"Hindi ka pa ba talaga matutulog?" Pumasok na si mama sa aking kwarto na may dalang maliit na parihabang unan sabay hampas nito sa aking ulo na nakatutok sa laptop.

"Aray!" Napatingin ako sa kanya. Nakakulubot na noo ang una kong napansin saka mapula't yupyup na mga mata ni mama. Tila nagising siya sa ilaw ng aking kwarto.

Actually kasi hindi ako sanay matulog na nakasara ang pinto ng aking kwarto. Kaya't hinahayaan ko lang itong bukas. Nagkataon na yung liwanag ng ilaw nagrereflect pa hanggang doon sa sala since sina mama sa sala pa natutulog together with my bunsong kapatid na si Bastie. Cute and bibong bibong 'tong si Bastie. Since he is just seven years old kaya't mas gusto niyang tumabi kila Mama kapag natutulog imbis dun sa kwarto niya kasunod lang ng kwarto ko.

"Matulog ka na! Tingnan mo yang mga eyebags mo. Ang laki laki na nga ng mga mata mo pati eyebags papalakihin mo pa!"

Napasimangot ako sa sinabi ni Mama.

Oo alam ko pangit ako. Hindi naman ako maitim, di naman sungi mga ngipin ko, ayos naman ang dalawa kong kilay kahit di nag-aahit. Sadyang hindi lang talaga gusto ng mga tao ang malaki kong mata.

Singkit ako! Oo, kapag nakatawa ng sobra.

"Oo na, oo na. Malaki mata ko... " nakasimangot kong tiningnan si mama... "...hindi ako natutulog ng matagal.."

Tinitigan din ako ni Mama.

"Oo..alam ko kwago ako...pero... "

Bigla akong nagsmile.

"Isang episode nalang oh. Ma. Please. Oh"

Sabay hampas sa akin ni mama ng malambot na unan.

"Isang episode...isang episode ka dyan. Hala. Matulog ka na." Dinalatan ako ni mama.

Walang epekto.

"Ma. Isang episode nalang naman ang tira, magrerelease na naman to next week. Please." Nagbeautiful eyes ako not really beautiful.

"Eh di bukas ka na manood...hala sige matulog ka na." Tinapik ni mama ang balikat ko sabay pindot ng pinakaunahang button sa keyboard ng laptop ko.

"MA! Ehhhhh." Sinipa-sipa ko ang sahig. Immature noh.

"Ba't mo pinatay? Eh kita mo nang may dinadownload ako rung album ng BTS eh."

Minadali kong binuksan ang laptop.

"Aba aba. Tingnan mo 'tong batang to. Hay!! Dyosko!" Napakamot ng malakas si mama sa kanyang ulo.

"Hala! Bukas na bukas mag empake ka."

Napatigil ako sa pagbukas ng laptop ko sabay tingin kay mama.

"Huh? I mean. Po Ma? Anong sabi nyo po?"

"Narinig mo ako. Mag empake ka bukas."

"Bakit po? San po tayo pupunta?"

"Walang tayo. Kayo ng kuya mo."

Napanganga ako sa sinabi ni Mama. I really don't know how to react. Sa city kasi nagtatrabaho si kuya. Hindi ko kakayaning mabuhay sa syudad, ni maglakad nga ng mag-isa di ko magawa.

May isang beses nga nun, nung sumakay kami  sa MRT sa Guadalupe, nung dadaan na sana ako dun sa machine, nakalimutan ko kong anong tawag, yung kelangan ng ticket. Imbis na ipatong ko lang yung ticket dun sa ibabaw, I tried to insert it dun sa butas sa baba. Buysit nga eh. Ang daming tao. Kakahiya. 

At nung papalabas na kami dun sa terminal sa Shaw, ipinatong ko na lang yung ticket. Dapat pala dun sa baba iiinsert. Eh rush hour pa naman nun, ang daming nairita. I'm sure, I'm not alone. Wish ko yan. Sana hindi lang ako ang nakaranas nun.

Isang saglit pa, naalala ko yung mga puno ko at yung mga bagong punla na tinanim ko just the other day. Wala sa kanilang mag-aalaga. Pinilit kong magsmile sabay tayo at niyakap braso ni Mama.

"Ma. wag ka nga pong mag-joke ng ganyan.Oh. Ma, tingnan niyo."

Biglang kong naupo sa kama ko't isinara yung laptop.

"Matutulog na po ako, Ma."

Matagal akong tinitigan ni Mama. Straight down to my eyebags siya tumitig.

Nakakainsulto noh. Napapagkamalang mata yung eyebags ko.

Nagmumukha tuloy na mas maganda pang magka-eyebags nalang ako kesa magkarun ng malaking mata nato.

"Oh siya, matulog ka na. "

Sabay buntong-hininga niya bago siya umalis sa kwarto.

As for me, syempre masunuring bata, sabay lagay ng laptop sa study table ko at kinuha yung cellphone at nag set ng alarm. Five sets. Lagi naman.

Merong 5:00, 6:00, 6:30, 6;45, tapos 7:00 . Pero nagigising ako niyan mga bandang 8:00 na. Galing noh. Galing ng mga mata ko. Tignan mo tuloy ang lusog lusog na.

Nahiga na ako sa kama na printed with mukha nina Lee Jong Suk, Nam Joo Hyuk, Taehyung, Zico, Chanyeol tyaka marami pa, except dun sa mga taken na as in kasal na kagaya ni Big Boss.

Kasi Coffee Rule #3: Bawal pagpantasyahan ang officially taken na!

You May Also Like

IKAW NA NGA

Chanelle pov Nandito ako ngayon sa restaurant. Hinihintay ko Ang asawa ko hindi Pala Dahil peke ang kasal namin, pamilya ko at nag iisa Kung Kaibigan. Para sa Birthday celebration ko. Masayang masaya Ako Dahil may surprise ako Kay loki magiging daddy siya. Gusto Kung maging OK na lahat saamin. Walang nasasaktan. Pero Hanggang Ngayon wala pang Dumating kahit Isa sa kanila. Nag text ako Kay Mama at papa na Punta sila dito. Ganun din sa Iba. 3 hours na. wala parin sila. Mag te 10 na ng Gabi pero walang Dumating ni Isa kanila. Pati si beshang kinalimutan na ako. Si Mama at papa Ganon din si Loki. Naiiyak ako feeling ko wala akong kakampi, walang nagpapahalaga sa akin. Dapat Sana Sinabi nila na hindi sila darating Para hindi na ako umasa pa. Diba ako ka mahal mahal? Tanong ko sa sarili naiiyak nalang ako sa mga naiisip tumingin ako sa labas baka may naglalakad na pupunta Para Maki Celebrate man Lang. Pero wala eh. Hindi ito Ang iniisip ko, at pinapangarap habang naglalakad papunta sa altar kasama si loki. Nagsumpaan kami pero walng saysay tinanggap ko sila, pinatawad kahit sinaktan at niloko nila ako. Natatawa nalang ako habang umiyak. "Siguro Mag celebrate nalang ako mag Isa" Sabi ko sa sarili. Tumayo ako at umalis sa restaurant. Pupunta ako ng Golden Club Para uminom. Ilalabas ko ang Samang loob ko. Pagkarating ko sa club pumasok ako derederetso sa Bartinder. "Yong pinakamatapang na Alak" "Hindi Alak ang sagot sa problema" "Anong paki Alam mo. Ito ang sagot ko sa problema ko magka Iba tayo" Hindi na nagsalita ang lalaki. "Ano na saan ang Alak? " Binigay naman ng lalaki. Inimom ko deredertso humingi pa ako. "Isa pa" Inom Lang ako ng inom pero Parang hindi parin ako TINATAMAAN. Tumatawa ako habang umiiyak. Ano tong nangyayare sa akin bakit nasasaktan ako. May kasalan ba ako sa past life Kaya pinag babayaran ko ngayon. I Don't what do? Sikip ng dibdib ko. Halos di ako Maka tingin sa kaharap kong bartender Dahil sa luha ko. Sige parin ang luha ko. Nasasaktan na Ako wala bang tutulong sa Akin Para makaalis sa problemang kinakaharap ko ngayon. Bakit pakiramdam ko hindi ako makakalaya sa problemang ito. Bakit ang dami kung bakit hehehe. Baliw na ako. Siguro Ako Lang pwede makakalotas sa problemang kina kahap ko ngayon. Ako Lang naman ang nagmamahal sa sarili ko. Iyak at tawa Lang ako. TSaka kolang na isipan umowi. Ng medyo nahimasmasan na ako. Binigay ko na Ang bayad ko at Umalis. Sumakay ako sa kotse ko at nag drive pauwi. Habang nagmamaniho ako, nakita Kung Alas dose na. Tiningnan ko Ang Cell phone ko. Nakita Kong may nag message sa akin Agad Kong in open. Biglang NagBlurd Dahil ba lasing parin ako. Hindi ko tinitingnan ang Daan. Hindi ko maaninag Kung Anong laman ng message. Naisipan ko nalang na sa condo ko nalang basahin. pagtingin ko sa Daan may malakina trak na makakasalobong ko. Nanlaki mga Mata ko. Ssssscccccckkkkruuuuuuuuuuuttttt.. Bogsh Bogsh. PANG.. Nabagok Ang ulo ko Dahil matinding ipak na track. N-n-no... Ayaw ko pang mamatay. Anybody help me!!! Ang nasa isip ko bago ako mawalan ng Malay... NOTE: SANA MAGENJOY KAYO. SORRY SA MGA WRONG TYPOS, ERROR AT WRONG GRAMMAR. TAO LANG po NAGKAKAMALI.

RaiQoe · Urban
Not enough ratings
6 Chs

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urban
5.0
50 Chs
Table of Contents
Volume 1 :The Fake Relationship
Volume 2 :Who are you?