webnovel

Stop it My Jealous Heart

Lola's POV :

Huminto na ang sinasakyang nilang kotse. Para pa rin siyang nililipad sa ere. Tumingin siya kay Jack. Nakangiti ito sa kanya.

"Uy, ang creepy na nyan ha. Kanina ka pa nakangiti habang nagmamaneho", biro niya.

Tumawa ito. "I'm sorry. I just can't help it."

"Di ka siguro makapaniwala na may tinatago akong ganda?", sakay niya.

"Not that. You're pretty, Im just surprised that someone pretty can be prettier."

(*゚ー゚)

Naramdaman niya ang pag init ng mga pisngi niya. Pilit yata ang pinakawalan niyang tawa. "Naku, ang lakas mo talagang mag biro!"

Ngumiti 'to sa kanya. Sasagot pa sana ito kaya nagsalita agad siya.

"Ahm... Salamat sa araw na 'to. I really enjoyed it", tumingin siya sa damit niya. "Kailangan na ring magbihis ni Cinderella at baka makita pa ng Evil Step Brad ang suot ko."

Sabay silang nagkatawanan. Bilang premyo kanina sa booth, ibinigay lahat ng ginamit niya kanina.

Tinukso pa siya kay Jack na "prince charming" daw niya.

Nakuuu... Ano ba 'tong pinag iisip ko. Binuksan na niya ang pinto habang kinukuha ni Jack ang natitira niyang gamit. Sabay silang naglakad papunta sa harapan ng bahay ni Brad kasunod ang assistant ni Jack karga karga ang baby.

Nang nasa harapan na sila ng pintuan inabot na niya ang natutulog na si Angel.

"Sige. Tuloy na kami Lola. Next time ulit?"

"Oo ba! Ingat kayo", kumaway siya sa papalayong Jack at ng assistant nito.

Napasandal siya sa pader. "Ako nga yata talaga si Cinderella", sambit niya habang nakangiti sa kawalan.

"Oo ikaw nga. Kaya magbihis ka na at maglinis ng pinagkainan."

"Ay tukneneng!" Napatuwid siya ng tayo. Paglingon niya ay nakita niya si Brad na nakatunghay sa kanya.

Nakabukas na pala ang pinto at nakatayo sa tabi niya ng hindi namamalayan.

"Tapos ka na ba diyan sa pagdi-day dream mo ha?" Masungit na tanong nito.

Namula siya. "None of your business." Akmang papasok na sa loob ng magsalita ulit ito.

"Ofcourse it is my business. The last time I checked you are my employee & I am your boss. You should know your place", tsaka siya nito tinalikuran.

Napakagat labi siya sa gigil. Nakuuuu! Sasabog na yata ako sa lalaking yun!!!!

***

Brad's POV :

Damn it! What's happening to me? Sinara niya ang pinto ng kwarto.

Dumaan siya sa isang restaurant bago umuwi at bumili ng kung ano ano para makipag bati dito. Nakaramdam siya ng guilt sa nagdaang araw na pagbabangayan nila.

Dumating siya ng hindi ito nadatnan. Kaya't nag alala siya ng maisip na baka umalis ito dahil sa nangyari kaninang umaga. Gusto niya sana itong tawagan pero hindi niya alam ang number nito.

Dali dali siyang tumayo ng marinig ang kotse na huminto sa harap ng gate ng bahay. Pagsilip niya nakita niya ang kotse ni Jack. He's here again?

Nagulat siya ng kasunod nitong lumabas ang isang magandang babae. Is that L-Lola?

Naka hawak ito sa braso ni Jack habang naglalakad. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya talaga maintindihan ang sarili bakit hindi niya nagustuhan ang ideyang magkasama ang dalawa.

Damn it! Damn!

Next chapter