webnovel

Bear Woman

Lola's POV :

Kanina pa siya naglilinis ng bahay. Punas dito walis doon ang ginagawa niya. Deadma siya sa lalaking sitting pretty na nakahilata sa sofa. Kumakain ito ng mga prutas. Hanggat maaari ayaw niya itong bigyan ng pagkakataon na sirain ang buong araw niya. Ipinanganak yata ito para inisin siya.

Mag-iisang linggo na siya na dito. Aminado siya na wala naman talaga siyang hirap na nararamdaman sa trabaho niya. Pagkatapos ng mga gawain sa bahay ay wala na siyang gagawin kung hindi bantayan si Angel.

Nabanggit ni Brad na naghahanap pa si Jack ng doctor na titingin sa mga blood samples ng dalawa dahil nangangamba sila na makalabas ito sa press kapag hindi sila nag-ingat. Naisip niyang mukhang matatagalan pa ang pag stay niya sa bahay ng lalaki na ito.

Sabagay hanggat hindi 'to nagsasalita tahimik ang buhay ko.

"Anong ngini-ngiti mo dyan?"

Hindi pa rin niya ito nililingon at tuloy siya sa pagpupunas. Manigas ka dyan.

Nanlaki ang mata niya ng bumagsak ang plato na hawak nito. Tumapon sa sahig ang nga balat ng prutas.

"Oops!" Pilit ang pagiging apologetic ng mukha nito.

Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito!

Tumayo siya at inisa-isang pinulot ang kalat sa harapan nito. Patapos na siya ng mahulog naman ang chips na hawak nito. Doon na pumutok ang Bulkang Mayon. >_o

Dali-dali siyang tumayo at hinawakan ang kwelyo nito. Niyuko niya ito dahil nakahiga ito sa sofa.

"Gusto mo talagang makatikim ano?"

Nanunukso ang mga ngiti. Tila hindi ito natinag sa pananakot niya. "I haven't played for a couple of days now. Anong klase ba ang titikman ko? I preferred rough & wild."

"Ano?", hindi agad rumehistro sa utak niya ang sinabi nito. Nang marealize kung ano talaga ang pahayag nito ay hindi na siya makapigil sa gigil.

"Perverted moron!", kasabay nito ang paglapat ng kamao niya sa mukha nito.

(z.z)'

Brad's POV :

Curse that Bear Woman!

Hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang pananakit ng panga niya. Ilang minuto siguro siyang nawalan ng malay. Pagmulat niya ng mata ay wala na ito sa kanyang harapan. Nag iwan pa ito ng ice bucket sa lamesa. May note pang kasama :

K.O? Hahaha!

"Sino na namang nakaaway mo?" Ani Jack.

Nasa loob sila ng kotse papunta sa isang photoshoot. Sinundo siya nito kanina sa bahay. Balak pa sanang kausapin ng huli si Lolita pero nagdahilan siyang umalis ito.

"That bear Lola. Parang bakal yung kamao niya sa bigat. She's getting into my nerves."

"That girl is really interesting", anito.

"Are you out of your mind Jack? Pwede na ngang isali yon sa UFC eh."

Tawa lang ang naging sagot nito.

"I'm pretty sure sira ang ulo ng lalaking magkakagusto sa babaeng yon. I'd rather jump out of a bridge."

"Well be careful what you wish for Brad. Baka hindi lang sa nerves mo sumiksik si Lola, we never know."

"F*ck off Jack!"

Lalong kumirot ang panga niya habang nagngingitngit siya sa inis.

Next chapter