webnovel

Forty Six

Forty Six

Billy Christia Corpuz POV

Hawak ni Tita ang kamay ko habang mahimbing na natutulog, umalis muna ako sa kwarto niyang iyon at bumaba sa Sala. Naabutan kong nakaupo doon si Lovely habang nanunuod. Malungkot ang kanyang mga mata.

"Kamusta si Mom?" Bungad na tanong niya saakin.

"Okay naman." Naupo nadin ako sa tabi niya.

"Kinausap ka niya about kay Liam?" Dahan dahan akong tumango sa sinabi niya.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at seryosong tiningnan ako. "Anong masasabi mo?" Natigilan ako sa sinabi niya at napakibit balikat.

"I dont know, baka hintayin ko nalang muna si Tita na matanggap lahat. Kakausapin ko si Liam."

"Ang hirap naman kasi ng sitwasyon niyo." Pareho kami napatingin ni Lovely sa may pintuan ng biglang may nag doorbell.

Nauna siyang tumayo saakin upang tingnan kung sino ito-pero nagtama ulit ang tingin naming dalawa at sinabing si "Liam".

Napalunok ako sa sinabi niya at tumayo na rin, hinayaan niya akong pagbuksan ko siya ng pinto at lumabas mula rito.

"K-Kanina ka pa rito?" Gulat na tanong ni Liam ng magtama ang mga mata naming dalawa.

"O-Ou."

Inilinga-linga niya ang kanyang mga mata sa likod ko at nagbabakasakaling may makikita roon.

"Anong ginagawa mo dito Liam?" Malumanay na tanong ko sakanya.

"Nagbabakasakali akong makausap ang Tita mo." Simple akong nagbigay ngiti sakanya.

"Hayaan nalang muna natin si Tita Liam..." humakbang ako patungo sakanya at iginaya siya palabas doon upang makausap.

"Bigyan muna natin siya ng oras para mapagisipan at matanggap lahat."

Tipid niya akong nginitian. "Papayagan mo naman akong ligawan ka diba?" Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Huminga muna ako ng malalim at nangungusap sa kanyang mga mata. "Liam, I know things are hard for us, pero pwedeng bigyan mo muna ako ng oras para ayusin lahat. Tita Mara, I love her so much but Can I set aside us at siya muna ang unahin ko?" Madiin siyang napapikit sa sinabi ko at dahang dahang niyakap ako.

"O-Of course. Kung iyan ang gusto mo, ibibigay ko. Pero sana huwag matagal no I am willing to wait for you. Dahil diyan naman ako magaling, ang maghintay sayo..." lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Kung maayos na ang lahat, dont worry ako mismo magsasabi sayong pwede na tayo." Mas lalong humigpit ang yakap niya saakin.

"I will be missing you again..." malambing na bulong niya saaking tenga.

"Sira, makikita mo parin naman ako, for sure palagi kang mag-aabang sa labas ng opisina para lang makasiguradong ligtas akong uuwi. At yang mga pagpapatrol mo, akala mo ba hindi ko alam na sinasadya mo talagang dumaan sa lugar ko? Tsk. Tsk. Liam, kilala kita mga bata palang tayo...." bigla siyang namula sa sinabi ko.

"P-Paano mo nalaman?"

"Masyado lang talaga malakas ang pang-amoy ko pagdating sayo." Sabay kaming naghalakhakang dalawa at kumalas na sa pagkakayakap ng bawat isa.

Tuluyan na siyang bumitaw sa pagkakahawak sa aking kamay at pumasok na sakanyang sasakyan, pinanuod ko siyang maglaho saaking paningin at pumasok na rin sa loob ng bahay.

Naabutan ko ng nagluluto ng hapunan si Tita kaya tinulungan ko kaagad ito.

"Umalis na siya?" Kaagad akong napalunok sa sinabi niya at tumango.

"S-Sige." Ininguso ni Tita saakin ang nagiisang si Lovely na nasa hardin at sumesenyas na lapitan ko muna, mukhang may problema ito.

Sinunod ko na din ang gusto niya, pinuntahan ko nga si Love na nasa hardin at panay hinga ng malalim.

"Pst." Nabaling narin saakin ang atensyon niya.

"Kanina ka pa diyan?" Malungkot na tanong niya saakin.

"Hindi naman, kararating ko lang."

"Nakaalis na si Liam?" Tanong niya ulit. Tumango ako.

Tumabi na ako sa tabi niya at doon na niya hindi napigilang umiyak.

"B-Bakit? May problema ba?" Niyakap ko siya dahil humahagulhol na ito sa tabi ko.

Hindi siya nagsalita at tanging hikbi niya lamang ang naririnig ko.

"B-Bakit nga?"

"Si Bryle, he broke up with me..." biglang pumasok sa isip ko ang isa sa panaginip ko. When she's wearing a floral dress- kaagad akong natigilan sa suot niya ngayon. She's wearing a floral dress. At b-bigla kaming natigilan ng biglang kumidlat ng malakas.

Is this some kind of deja vu? Why I am seeing myself living in that dream again, iba nga lang ang setting but it is happening.

Hinayaan kong magmukmok si Love sa kanyang kwarto habang sobrang lalim na naman ng mga iniisip ko.

Binalot ako ng kaba saaking dibdib. Is this some kind of warning na may mangyayare na naman? Niyakap ko ang aking sarili at dali-daling kinuha ang phone ko at tinawagan si Liam.

"Nasaan kana?" Nagaalalang tanong ko.

"Nandito na sa bahay, why?"

"Liam..." natigilan ako.  "W-Wala naman tayo sa panaginip diba, you were not in my dream anymore diba? This is the reality diba, you courting me is a reality right?"

"Ou, may problema ba?" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"W-Wala, sige na magpahinga kana..." pinatay ko na ang tawag at nagisip na naman.

Tama, tama. This is the reality.

Next chapter