Dumating na basang-basa sa bahay si Faye na agad namang sinalubong ng kanyang tatay na si Mang Ricardo.
"Diyos ko anak bakit hindi ka na lang nagpasundo sa itay." sambit nito na talaga namang nag-alala sa kalagayan ng anak.
"Tay, okay ako nabasa lang sa lakas ng ulan kaya umupo ka na lang diyan at magkape, ayos ba yon?" pinaupo na ni Faye ang tatay at tinimplahan ng kape.
"Binola mo na naman ako nak."
"Hindi tay, <cough>"
"Oh tingnan mo nagka-ubo ka na." sambit ni Mang Ricardo na agad na kumuha ng gamot para sa anak. "Heto inumin mo muna at magpahinga ka na." iniabot nito ang tubig at gamot at saka ipina-inom sa anak.
"Jennie! Halika rito anak nasan ka na ba!?" tawag ng kanyang tatay sa kapatid.
"Tay ano po yon?" binuksan nito ang pinto sa kwarto at sumilip.
"May ipabibili lang ako sayo sa groceries dali." utos nito sa anak.
"Sige po tay magbibihis lang ako." sabay agad na sinara ang pinto. Si Faye naman ay nakatitig lang sa itay dahil alam niyang igagawa na naman siya nito ng isang napaka-sarap na tinola sa tuwing magkakasakit siya.
"Faye magpahinga ka na muna." utos ni Mang Ricardo na agad kumuha ng mga sangkap na kanyang gagamitin.
"Opo tay salamat." niyakap niya ng mahigpit ang itay na nakangiti at dali-daling dumiretso sa kwarto.
Habang nakahiga sa malambot niyang kama ay sinariwa niya ang mga nangyari kanina. Yung batang yon, kung magka-edad lang kami talagang mahuhulog ako sakanya sa isip-isip niya. Kaya lang, wala pa isip niya na magpaligaw at gaano naman siya nakasisiguro na baka may gusto si Miguel sakanya? Baka siya lang nakaka-iisip ng ganoong bagay.
Na sa isip din ni Faye na kapag nagpatuloy pa ito ay baka mahulog lang siya kaya hangga't maaari ay kailangan niyang itaas ang bakod.
"Wahhhh!!!" sigaw niya dahil pagod na siya sa magulo niyang pag-iisip. "Ano ba tong naiisip ko? Letse naman!"
"Ate! Ang ingay mo naman nagv-vlog ako!" hampas ni Jennie sa kabilang kwarto.
"Sorry na!" sigaw naman niya.
"Salamat ha." sigaw rin ng kapatid niya.
Isang beauty vlogger ang kapatid niyang si Jennie. Mas maganda naman talaga ito kay Faye at mas babaeng manamit. Si Faye na hindi makapagsuot ng crop top, high heels at gown.
Kabaligtaran nga niya ang kapatid dahil kung ano ang kinaarte nito ay yun namang kina-simple niya.
"Tok-tok!" kumatok si Jennie sa pinto ni Faye na may dalang pagkain. "Sabi ni Itay may sakit ka raw kaya ayan charan! ginawan ka niya ng tinola."
"Wow ang bait mo ngayon magkano ba sukli?" pang-aasar ni Faye.
"Maganda nga nagkakasakit ka lagi para binibigay sakin parati ang sukli!" sambit ni Jennie na tumawa ng pagkatinis. Sinalat niya ang ulo ng kanyang ate, mainit ito "Hala ate!"
"Problema mo?"
"May LOVEnat ka?" tanong nito
"Bwiset ka lumabas ka na nga!"
"Akala mo hindi ko nakita yung kanina? May papayong-payong pa sayo ih." bulong ni Jennie habang nakangiting kinikilig.
"Pinagsasabi mo diyan matulog ka na nga kaka-vlog mo yan eh!" tinutulak niya palayo ang bunsong kapatid hanggang na sa pinto na ito.
"Ang swerte mo ate, pinag-kakaguluhan si Miguel ng mga first year tapos dedma lang sayo! ang ganda mue!" pang-aasar nito sabay dila at lock ng pinto. Napapa-isip na naman si Faye sa nangyayari, parang hindi nasusunod ang ideal man niya dahil perfect man ang dumating. Wala yatang hindi kayang gawin itong si Miguel.
Tahimik na nagbabasa si Miguel sa library nang biglang tinakpan ng isang estudyante ang kanyang mata.
"Hulaan mo." sambit nito
"T-teka tanggalin mo yung--"
"Hulaan mo muna kasi!" pilit nito.
"F-Faye?" mahinang sagot ni Miguel.
"Hmm anong sabi mo?"
"Ah. Wala I give up okay." ani ni Miguel na walang hilig makipag-biruan.
Tinanggal na ni Jane ang pagkakatakip ng kamay niya sa mukha ni Miguel. Pagkadilat nito ay may bumungad sakanyang isang malaking ngiti. Si Jane, nakangiti ito sakanya at naka-angat ang kamay, inaalok siyang tumayo sa pagkaka-upo.
"Ikaw lang pala, Hi Jane!" bati ni Miguel.
"When did you know my name? Alam mo na ah"
"Hmm sa may... ayan sa id mo." turo ni Miguel sa malaking SSG ID nito.
"Ay oo nga naman haha!"
"So, are we going out today?" tanong ni Miguel na nag-ayos na ng mga gamit sa bag at binuhat ito.
"Kung hindi ka lang naman busy?"
"Kakatapos lang ng class ko. Lets go." yaya nito.
Jane decided na magpunta sila sa mall to watch movie. Showing din kasi ngayon ang The Fault In Our Stars ni John Green na nabasa lang niya sa libro.
"Nabasa mo na rin ba to?" tanong niya kay Miguel.
"Yung synopsis lang." madaling sabi nito.
"Ang cool lang no? Na kung sino pa yung mga taong may taning at mahirap ang buhay sila pa yung tunay na nagmamahal." paliwanag ni Jane.
"Oo nga eh. Unlike today, yung true love napaka-rare mahanap madalas may cheating at hindi makuntento ang tao sa isa" sagot naman ni Miguel na kumuha ng popcorn kasabay si Jane. Nagtama ang mga kamay nila dahilan para mapa-atras ng bahagya si Jane.
OMG! Yung puso ko easy lang girl easy lang! sa isip-isip ni Jane.
After the movie ay kumain silang dalawa sa labas. Dinala ni Miguel si Jane sa malapit na ihawan.
"Kumakain ka nito?" tanong ni Miguel sa kasama niyang nanlalaki ang mata sa isaw at sa paa ng manok na pinandidirihan niya.
"O-Oo naman yan lang pala!" pagsisinungaling nito na kahit na ang totoo ay ito ang pinaka-ayaw niyang pagkain.
"Talaga? " "Kuya dalawang isaw at dalawang paa tapos isang barbeque."
"Saan mo nga pala natutunan kumain nito? Parang hindi halata na you eat this kind of thing."
"Matagal nakong kumakain nito. Ngayon ko lang naalala kasi someone's recommend na masarap to." paliwanag nito.
"Yung someone ba na yan ay special?"
"Ha?"
"Hala wala! wala! ayan luto na tara!" yaya ni Jane na hindi alam kung paano sisimulang kainin ang isaw. Sinundan lang niya si Miguel na sinawsaw ang mga ito sa suka.
"Kamusta? Masarap ba?" tanong ni Miguel sa kasama.
"Ha? Oo naman grabe paborito ko nga to eh!" sabay kagat sa hindi pa nababawasan na isaw.
Napansin ni Miguel na iba ang pagkain ni Jane kay sa kay Faye na talagang tuloy-tuloy at walang hinto. Kaya naman he came up with a conclusion na baka napilitan lang si Jane na kumain nito kasi gusto niya.
"Jane, di mo kailangan pilitin kainin yan kung hindi mo gusto." paalala ni Miguel habang nakangiti.
"Ahaha okay lang! last na to."
"Oo nga pala anong oras na oh, you need to go home pa." ani ni ni Miguel pagkatingin sa relo niya.
"Maaga pa naman okay lang--"
"Eh, delikado na kapag gabi. Mag-grab ka na lang ihahatid kita sa kanto."
"Pero--pwede naman tayo maglakad muna hanggang --"
"Oh ayan na pala yung binook kong grab." binuksan niya ang pinto at nagpaalala sa driver.
"Kuya pakihatid po ng maayos to. Thanks!"
"Hala. Sige hanggang dito na lang pala. Bye Miguel thanks for today!"
"Ok bye!"