webnovel

C H A P T E R 1 8

Decision

"Sigurado ka bang di na kita sasamahan?" Napaikot ako ng mga mata. Ilang ulit niya nang tinanong yan sakin nang gusto ko ng kausapin si Eric.

"Jomarie, kaya ko ng kausapin siya. At tsaka, ilang araw ka na ring di pumapasok. Nakaistorbo na ako sa trabaho mo." Kinuha niya naman ang kamay ko at hinigpitan yun ng kapit.

"Hindi ka nakakaistorbo okay? You're my priority, Nycil. Kaya ko gawin lahat para makasama lang kita." Ayan na naman siya. Sobrang keso.

"Okay. Ang aga-aga, lumalandi ka na." Napuno naman ang sasakyan sa tawa namin.

"Basta,susunduin kita mamaya huh? Whether you like it or not. Then, sagutin mo rin ang tawag ko, okay? Huwag matigas ang ulo." Napabuntong hininga na lang ako.

"Yes po. Lalabas na ako. Papasok ka sa trabaho okay? Tatadyakan talaga kita kapag nalaman kong di ka papasok." Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo.

"I love you." Napangiti naman ako ng tuluyan sa sinabi niya.

"And I to you. Sige na. Baka malate ka pa." Ngumiti naman siya at nagpaalam na. Huminga ako ng malalim at tsaka pumasok sa bahay nila Eric at dun ko siya nakita na parang nag-aabang sa pinto. Napatulo ng tuluyan ang luha ko tsaka tinakbo ang distansiya namin. Napahagulhol ako ng iyak nang humigpit ang yakap niya.

"I miss you, Princess." Dun ako natawa sa tawag niya sakin.

"I'm not your princess anymore, Eric. You already have one pretty cutie princess on your own." Talking about his cute and beautiful daughter.

"You're still my princess." Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko." I am so sorry for what I said." Agad naman akong umiling sa sinabi niya.

"No. Its not your fault. I understand now. You just did that because of your concern. Nababaliw na siguro ako noon kaya ikaw na mismo ang gumawa ng action para matigil ako." Explain ko sa kanya. Nagkwentuhan pa kami at nagkukulitan na para bang ilang taon kaming di nagkita.

"Ninang Ganda, you're phone is ringing." Pansin ni Erilyn kaya agad kong kinuha ang phone at tuluyang napangiti sa kung sino man ang tumawag.

"Uyyy... Si Jomarie yan noh?" Usisa ni Lodelyn.

"Kailan ka pa naging chismosa,huh?" Natatawang tanong ko sa kanya at bago pa siya makasagot ay sinagot ko na ang tawag. At ang gago, hindi pa tapos ang office hours, sinundo na ako.

"Dude, ang aga-aga pa, kukunin mo na siya samin?" Aba, parang okay na sila ah.

"Nasa akin na, baka mawala pa." Napahalakhak naman kaming tatlo sa sinabi niya. Ang drama ng lalaking toh.

"Kailan ka pala babalik sa Manila, Nycil?" Nagkatinginan kami ni Jomarie sa tanong ni Lodelyn.

Honestly, di pa namin yun pinag-usapang dalawa. He held my hand na parang sinasabi niya kahit na anong desisyon ko ay susuportahan niya ako. Nilingon ko naman ang mag asawa na nanunuksong nakatingin samin. Binawalewala ko yun.

"Hindi pa namin napag usapan yun."

"Naks. Para naman kayong mag asawa niyan. Baka sa susunod na punta nyo rito eh buntis na si Nycil, dude." Agad kong binato ng unan si Eric sa sinabi niyang yun.

"Huwag mo kaming itulad sayo na agad mong binuntis si Lodelyn after graduation! Baka nga pagbalik namin dito ay may kapatid na si Erilyn." Tumawa lang naman yung gunggong na parang nag eenjoy.

"Siguro." Kibit balikat ng gago dahilan para mahampas siya ni Lodelyn.

"Leche ka. Kung ano anong sinasabi mo. Umalis na nga kayo! Bad influence kayo sa asawa ko!" Tinawanan lang namin ang sinabi ni Lodelyn at nagpaalam na.

*******

Pagkalabas ko sa banyo ay nakita ko si Jomarie na parang malalim ang iniisip sa balcony. I dont know kung anong meron sa kanya pero lagi akong nagiging clingy, gaya na lang ngayon. I backhugged him dahilan para magising siya sa realidad.

"Di ka ba nilalamig, hmm? Pinapakita mo yang tyan mong walang abs." Sabay hampas ng mahina sa tyan niya. Paano ba naman, nag topless dito akala mo may fashion show. I snorted when he laugh and hold my hand.

"Anong walang abs? Feel that?" Kinagat ko ang kanyang balikat nang inaalalayan niya ang kamay ko sa paghaplos. Agad kong binawi ang kamay ko.

"Ang halay mo talaga." Sinamangutan ko siya nang tinawanan niya na ako. Hinila naman niya ako at siya naman ang nakayakap sakin mula sa likod.

"Hindi ako nilalamig. Nandito ang walking heater ko eh." Tinawanan ko lang siya at sumandal sa malapad niyang katawan. Narinig ko siyang huminga ng malalim.

"Ang lalim nun ah. Ano ba ang iniisip mo ?" Tanong ko sa kanya habang dinadama ang sariwang hangin dito sa probinsiya.

"I am just thinking kapag babalik na tayo sa Manila. May time pa ba tayo sa isa't isa nun? May trabahong nag-aantay satin dun." Paliwanag niya.

"Baka nga. Madami na ngang nakaline up na photoshoot. At Jom," umikot ako para tignan siya. "Magpapa exclusive interview ako oras na babalik tayo sa Manila. Aayusin at lilinisin ko yung pangalan ko." Seryoso niyo akong tinignan para bang iniisip niya ang desisyon ko.

"Then, sasama ako sayo." Magrereklamo pa sana ako pero agad niya itong pinutol.

''We promised to do the steps together right? Kaya sasama ako."

Wala akong nagawa kundi tumango sa sinabi niya. Tama naman, dapat masanay na ako na hindi lang ako ang magdedesisyon sa mga bagay tungkol sa relasyon na ito.

Next chapter