webnovel

Chapter 4

Ang bilis matapos ng dalawang buwan na bakasyon. Wala namang special na nangyari. Lagi lang kami magkachat o magkatawagan ni Lara. 2nd year highschool na ako at hindi katulad nang first year na excited ako. Tinatamad pa din kasi ako pumasok.

Huminto ang service van sa harap ko at sumakay na ako. Napatingin ako sa katapat ko na si Emman at biglang kumabog ang puso ko. Noong buong bakasyon ay tinanggap ko na baka nga. Kaso ngayong nakita ko siya, confirmed. May gusto nga ako sa kanya.

Nakatitig lang ako sa kanya dahil gumwapo siya sa paningin ko. Napaiwas ako nang tingin nang humarap siya sa akin. Jusko, nahuli niya akong pinagmamasdan siya! Namumula na ata ako!

Hanggang makababa kami, todo iwas ako ng tingin hanggang makapasok ng campus. Nasa likuran niya ako hanggang sa pumasok siya sa room nila. Saktong pagdaan ko sa tapat, "Hi, Emman" napatingin ako sa nagsalita na iyon. Siya 'yung lalaki na nakahuli sa akin na sumilip sa room nila!

Inirapan ko lang siya at nagtuloy tuloy sa paglalakad.

Pagkapasok ko sa room, sumalubong sa akin si Lara. "Alyssa!" nagyakapan lang naman kami. Nagbitaw kami at tumingin ako sa babaeng katabi ni Lara.

"Karylle! I miss you!" bati ko at niyakap din siya. Siya 'yung babae na tumabi sa akin noong 1st day last year! Tahimik lang talaga siya at naging friends kami dahil sa Facebook. Bukod kay Lara, ka-chat ko din 'yan kaso hindi naman siya laging online. Pero kalog din pala siya.

"I miss you din."

At dalawa na ang kaibigan ko, so far.

-

"Nye nye nye. Kwento mo 'yan sa pagong! "pang-aasar ko kay Emman. Akala ko, hindi na kami magpapansinan dahil sa nangyari bago ang finals. Pero heto kami, nagbabangayan na naman unang araw ngayong 2nd year. At siya na naman ang nauna.

"Kaya nga kinukwento ko sa'yo kasi pagong ka. Mabagal na nga maglakad, mabagal pa tumakbo. Tumatalbog kasi ang fats. Hahaha." mapang-asar na sabi niya. Nakatanggap na naman siya ng pangbugbog mula sa akin. Ang pagkabwisit ko sa kanya, hindi nabawasan porket crush ko siya. Ang weird lang nang naiinis ako sa patutsada niya pero kinikilig ako. Hanep di ba?

"Hindi halatang na-miss ninyo ang isa't isa, ah." tukso ni Jasper.

"Na-miss? Hindi ko siya na-miss baka siya naka-miss sa akin. Stalker ko 'yan e. Baka siya 'yung dummy account nag add sa akin sa Facebook noong bakasyon." nakangisi na sabi ni Emman.

Namula ata ang mukha ko. So, na-sense niya na ako 'yung nag sent ng friend request?

"Ang kapal ng mukha mo! Puro kalyo na ang mukha mo, iliha na natin 'yan. Sobra kang assuming! As if ia-add friend kita sa Facebook. NEVER!" naiinis na sabi ko.

"Alam nyo kayong dalawa, bakit ba kayo laging nag aaway?" sabat ni Ate Angela.

"Malay ko sa tukmol na 'yan! Nananahimik ako laging nanggugulo!" nakairap na sagot ko. Simula nang makilala ko si Ebak, lagi na lang ako nakaangil. Never na ako nagkaroon ng peace kada uwian.

"Kasi nga may LQ kami, di ba?" pataas taas pa na kilay na sagot ni Emman. Naguluhan ako bigla. Never ko pa narinig 'yung word na iyon. Nahalata siguro ni Ate Angela na hindi ko alam 'yung LQ.

"Lover's Quarrel." nanlaki ang mata ko. L-lovers?!

Pinagkukurot ko si Emman habang namumula ako. At walang tigil ang pagtawa niya.

"Napakapikon mo talaga, Alyssa. Hindi ka na nasanay sa akin. Pero ang totoo niyan, nagnakaw ako ng isang picture mo sa Facebook. Nabighani kasi ako ng sobra. Tsk. Tsk." sabi niya habang iiling iling pa siya. Pero anong sabi niya? May p-picture ako sa kanya? Pwedeng pakidukot muna ng puso ko? Walang tigil sa pagtibok ng mabilis!

"H-hoy! A-anong picture ko ang kinuha mo?!"kinakabahang tanong ko. Karamihan sa pictures ko puro kalokohan. Mga wacky, duck face, mga ganon!

"Gusto mo talaga makita?"nakangisi na naman siya.

"O-oo." napalunok pa ako. May pakiramdam ako na pinagtitripan niya lang ako.

Kinuha niya sa bulsa ang phone niya at may pinagpipindot. Hinarap niya sa akin ang phone niya. Napamaang na lang ako nang makita ko ang picture ko na ninakaw daw niya sa Facebook.

"Nakakainis ka!" tili ko at pinagsasabunot siya. Picture kasi ng cartoon na baboy ang sinasabi niyang picture ko daw.

"HAHAHA. Ang ganda mo kaya dun! Aray! Bitaw na! Hahaha. Masakit." nagmamakaawa na sabi niya pero tuloy pa din naman sa pagtawa.

Binitawan ko din naman ang buhok niya. Nagpipigil na kasi ako ngayon ng ngiti. Kahit ininsulto niya ang kagandahan ko, nakita ko ang brand ng phone niya. Sony. Ganu'n din kasi ang akin. Coincidence lang ba talaga? Laguna... Sony...

Oo na. Ako na ang assuming!

-

"Karylle! Hindi ko naman ginusto e! Ano bang kagusto gusto sa lalaking walang ibang ginawa kundi mang-asar?" mahinang atungal ko kay Karylle habang palabas ng room. Ngayon lang kasi ako nagkalakas ng loob na ikwento na may gusto ako kay Emman. Tapos absent pa si Lara kaya si Karylle ang sasalo ng sentiments ko about Emman. For now.

"Mamaya mo na ikwento iyan pag nakalabas na tayo ng campus baka may makarinig." saway sa akin ni Karylle.

Napasimangot ako. Nakakaloka 'yung tipong kinukwestiyon ng utak mo bakit ka nagkagusto sa lalaking hilig bwisitin ka.

Mapapadaan kami sa room nila Emman kaya hindi ko maiwasang hindi mapalingon. Nandon siya nakatayo kausap 'yung kumakalat na ka-loveteam niya sa klase nila. Ngiting ngiti pa siya pati 'yong babae. Hindi katangkaran, singkit, at maputi at Hannah ang pangalan nong babae. Bagay nga silang dalawa. May kung anong pumiga sa puso ko.

"Selos?" dalawang boses ang nagsabay na magtanong. Si Karylle ang isa at nilingon ko ang isa pa. Si Jasper. Nakasunod siya sa amin.

"Tse! Bakit ako magseselos?" akmang hahampasin ko si Jasper pero nakaiwas siya at tawa ng tawa.

Nakarating kami sa parking lot na nakasunod si Jasper. Paano ako magkukwento kay Karylle kung nandito ang isang ito?

"Jasper, umalis ka na nga. May girl's talk kami. Unless bakla ka kaya makikiusyoso ka?"naiirita na tinataboy ko si Jasper. Mamaya ikwento niya kay Emman ang maririnig niya.

"Girl's talk? Baka Crush talk? Huwag kang mag alala, hindi ko sasabihin kay Emman. Promise." umakto pa siya na ni-zipper ang bibig niya.

Sinamaan ko siya nang tingin. Hanggang sa sumuko din ako. Pag talaga kinalat niya, makakatikim din siya nang bugbog.

"Oo na. Crush ko nga si Emman. Hindi ko naman ginusto." napayuko na ako. Nahihiya kasi ako. Parang inamin ko na rin kasi na nagseselos ako kanina.

"Kelan pa?" usisa ni Karylle.

"Baka noong 1st year pa. Hindi ko alam. Na-confirm ko lang ngayong 2nd year." napabuntong hininga na sabi ko.

"Kaya pala tinititigan mo siya noong first day." natatawa na sabi ni Jasper.

Nanlaki ang mata ko. "N-nakita mo?" Ay pusang gala!

"Oo naman. Sasakay ka pa lang, may hinahanap ka na agad sa loob. Lalo nang makaupo ka. Hindi man lang kumurap ang mata mo." naiiling na sabi niya.

Napatakip na lang ako sa mukha ko. Grabe. Baka alam na din niya sa sobrang pagka-obvious ko. Kainis!

Next chapter