webnovel

Hermosa and Vika

TULALA siya nang magising kinabukasan.

Nang makita niya ang kalagayan ng kanyang paa. Hindi na siya nagsalita pa o nagtanong. Kahit ang pansinin si Roena na kanina pa nasa tabi ay hindi niya pinukulan ng tingin. She chose to watch the curtain from the open window as it danced on what the air taught it.

"Ma'am, kailangan niyo na pong kumain."

Ilang beses na siyang sinasabihan nito pero hindi siya nakinig. Sinulyapan niya lang ang may sementong kanang paa matapos ay tumingin ulit sa kurtina.

Tumayo si Roena nang pumasok si Malik. Kasama nito ang doctor na tumingin sa paa niya. They were talking about the healing process. Narinig din niya ang pinayo nitong gumamit ng wheel chair.

Iritable niyang pinikit ang mga mata dahil doon. Ayaw niyang may makakitang nakasanay siya roon. O lumabas na makikita ng kahit sino. Pakiwari niya ay napakawalang kuwenta niya at hindi nababagay pang bumalik sa pagmomodelo. Galit niyang idinilat ang mata upang tingnan si Malik.

"Alright. Thanks, Mr. Salvador." Malik offered a handshake with the doctor before he turned to Roena. "I'll take care of her, Roena. You can rest now."

Nag-aalangan ito noong una pero sa huli ay tumango at nagpaalam sa kanya. She just nodded her head and closed again her eyes. Muling sumagi sa isipan niya ang nagkakagulong staff at co-models upang makiusyoso. Lahat sila marahil ay disappointed sa nangyari sa kanya. Kinagat niya ang dila upang pigilang huwag umiyak. She had enough last night. Gustuhin man niyang magwala ay hindi na niyon maibabalik ang lahat. Hindi noon mapapagaling ang paa niya.

Huminga siya nang malalim at niyakap ang sarili. The smell of the room and lying on hospital bed makes her feeling weaker and sick. Nagsisimula na siyang maalbadbaran sanhi para uminit ang ulo niya.

The bed waved because Malik silently sat beside her. At dahil sa nakakarinding katahimikan ay ultimo paghinga nito ay naririnig niya. Kumunot ang noo niya nang haplusin nito ang braso niya- nananatiling walang imik.

"Ilang linggo akong mananatili rito?" lakas loob niya tanong.

"You had a grade one sprain. So four weeks." Sagot nito, nanatili ang kamay sa baywang niya.

Huminga siya nang malalim bago idinilat ang mga mata. "Hindi ako makakasama sa event m-mamaya-" Agad niyang kinagat ang labi nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. The bitterness of reality kept on filling her lungs. It was very painful and intoxicating.

Her shoulder began to shake as tears rolled down on her cheek. Nagpaubaya siya sa paghila ni Malik upang mayakap. Ang bigat nang dibdib niya. Parang punung-puno iyon ng hangin at kailangan niyang ilabas.

"I wanted to go back. But things ain't right for me and I think I shouldn't... come back." Humiwalay siya kay Malik upang takpan ang sariling mukha. Feeling niya ay talunan siya dahil sa nangyari at wala na siyang mukhang kila Pink at Alisa. Sila na ibinigay ang pag-asa sa kanyang mga kamay ay pinawalan niya.

Sa ganoong posisyon ay hinila siya nitong muli upang yakapin. They stayed like that 'til she calm down. Pinawalan siya nito upang tulungan siyang alisin ang luha sa kanyang mga mata. Pinatakan din nito ng halik ang kanyang noo, bagay na lalong nagpagaan ng kanyang loob.

Tumayo ito upang ayusin ang pagkaing dapat ay nakain niya kanina pa. Muli siyang lumingon sa bintana. Nag-aagaw kahel at dilim ang paligid, ibig sabihin ay papasimula na ang event. Humugot siya nang hininga bago hinarap si Malik.

Pinapanood niya ang bawat galaw nito. He was very flawless and sleek on his white shirt. She snapped back to reality when she realized how heavy his eyes. Nang matapos ito'y agad niyang hinuli ang kamay.

Agad itong huminto sa ginagawa upang tingnan siya. "Are you hurt?" He worriedly asked, his eyes drifted to her foot.

Umiling siya. "Galing kang Davao hindi ba? Dumiretso ka roon nang hindi nagpapahinga."

Umupo sa gilid niya si Malik. Hinaplos nito ang likuran niya bago sumagot, "Let's eat first. I'll explain to you everything later."

Ang tahimik niya habang kumakain sila. Panay ang sulyap niya rito bawat subo. Habang ito naman ay palaging lumilingon sa cellphone nito sa sofa. She found that suspeciously, as if Malik was hiding her about something.

Gayunpaman ay hindi niya isinatinig iyon. Ayaw niyang dagdagan ang sakit na nararamdaman. Baka may problema lang na kailangang ayusin ito dahil nagpunta ito sa Davao dahil sa trabaho at wala nang iba pa. Pinanghawakan niya ang positibong hinala sa isip at patay malisyang dinampot ang baso para uminom.

Nabitin ang pagpatong niya ng baso nang bigla itong tumayo upang sagutin ang tawag. Lumabas ito nang walang paalam at doon sinagot ang tawag.

Pinaningkitan niya ang pinto at ang wall clock. Tumagal kasi nang kalahating oras bago ito bumalik. He even unbuttoned the first three button of his white shirt.

It makes her nervous and worried. She tried to reach him. "Why?" She asked trying to get at least something of his explanation now but he seemed stocked on the issue. Sabay silang lumingon sa pinto noong bumukas iyon at iniluwa si Peach Romero.

Kumunot agad ang noo niya nang lapitan ito ni Malik upang makipag-shake hand.

What the hell is happening here? "Peachy?"

Lumapit sa kanya ang babae para makipagbeso. "Sweet Chic, I will explain to you later. Just calm down." Pigil sa kanya nito bago hinarap ang kanyang boyfriend. "They are tracking him down on the event. Maybe he is thinking that Jyra is Vika."

Dumilim ang expression ni Malik. His hand closed hardly into a fist.

Sumulpot sa bukas na pinto ang isang naka-itim na suit. Lumapit ito kay Malik upang bumulong.

Kumalabog ang dibdib niya nang lumingon sa kanya si Malik. His eyes, it was very angry, far from the soulful and concern one a while ago. Walang imik itong tumalikod upang sumama sa lalaki.

"Where are you going?" Pigil niya pero humarang si Peach sa kanyang vision kay Malik. Sumara ang pinto kasabay nang pagpatong ng dalang bag sa sofa.

Pinanood niya ang pag-alis nito ng table tray. At pag-asikaso sa pinagkainan nila ni Malik. Nanatili siyang tahimik at naguguluhan. Una dahil paano nagkakilala si Malik at ang kaibigan? Kailan pa kung sakali? At bakit parang may mission sila na kunektado sa kanya at kay Vika?

Tinuro rin niya sa kaibigan kung saan ang basurahan nang mapansin ang pagiging taranta nito. Nanatili pa rin siyang tahimik sa panonood ng bawat galaw nito.

"Sweet Chic." Tawag nito habang busy sa pagkuha ng sanitary gel sa loob ng bag nito. She's busy on rubbing her own hand and arms when she glanced on her damage foot. Pinitik nito ang tuhod niya kaya nagitla siya sa pinaghalong gulat at sakit.

"Masakit, ha!" singhal niya rito.

Nginisihan lang siya nito at nang maka-upo ay saka ito nagseryoso. Binalot niya ng kaba dahil doon.

"Natuklasan ko kung nasaan si Jessica Holmes."

Agad siyang humawak sa braso ni Peach. "Saan?" Sinubukan niyang igalaw ang mga paa ngunit pinigil agad siya nito.

"Relax. Okay?" Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy, "Hindi siya ang babaeng nakita mo noon sa Main Owl City, dahil tinatago ni Andrei ang asawa nito sa Davao."

Namilog ang mata niya, kasabay nang pagngilid muli ng kanyang mga luha. "Is she alright? Peachy, tell me she's fine, right?" Inuga-uga niya ang braso nito. Pinipilit na magsalita ang kaibigan.

"Dumiretso na ako kay Malik dahil alam kong mas mapapalagay ako kapag siya ang kumilos." Kinuha nito ang kamay niya. "Sinabihan ko siyang magmadaling pumunta sa Davao para sagipin ang natitirang alas natin. I send to him the whole details with pictures so he will not be lost."

Piniga nito ang kamay niya. Doon niya napagdugtong ang lahat. Kaya pala biglang nawala si Malik at hindi nagparamdam. He was actually helping her yet she suspect him for worst.

"He went to Davao with his team, and they successfully found your mother."

Hot tears flowed on her cheek when she closed her eyes from the good news. How happy she was because she will be going to see Jessica again. Her loving and sweet mother. "Then where is she right now?" Her arms were shaking when she tried to squeeze her friend sleeve.

"She is safe, Sweet Chic. We hide her for the meantime and about your demon father." Peach paused from her speech to look into her eyes.

Doon niya na napagdugtong ang sinabi nito kay Malik. Ang tinutukoy nitong hinuhuli ay ang kanyang damuhong ama.

"Andrei found out the chases a while ago and he is on the event to take Vika. Because he thought that Hermosa and Vika is one."

Next chapter