webnovel

Vika is my bestfriend

THREE people stood still before her. Their images were blurry and shallow, but she knew them. On the left was Carla. She looks happy while staring at her.

I miss you, mom!

Her eyes promptly heated with loneliness when she saw, Jessica on the center. She looks weak and hesitant. Hindi niya na napigilang humikbi at agad itong niyakap. Ngunit nawala ang mga ito sa harap niya. Gumawi ang paningin niya sa natitirang imahe. "Winona?" Tawag niya rito dahil bukod tanging ito lamang ang hindi nakatingin sa kanya. Para bang hindi siya nakikita.

"Win, look at me." Inabot niya ito ngunit biglang nawala ang imahe.

Sa sobrang takot ay bigla siya nagising. She rose up on the bed and look around. Her breathing were heavy as she crumpled the white comforter. Ang weird ng panaginip niya. At ang nakakapagtaka ay bakit magkakaiba ang emosyon ng tatlo.

Ano kayang ibig sabihin noon?

Hinaplos niya ang kanyang leeg. Wala na ang lagnat niya. At ang nakakahiyang pangyayari kagabi ay naiwang bukas na katanungan. Nawalan siya ng malay kaya narito siya sa higaan ni Malik.

The door pushed open, Malik entered with only a towel covering his lower body. His biceps, chiseled pecks, and elusive V were calling for attention. She swallowed hard when he glanced at her.

"I got your clothes. You have work today, right?" He asked while pulling the chair in front of her and sit.

Marahan siyang tumango nang idikit nito ang kamay sa kanyang noo.

"You can stay here if you want?" he offered.

She was very tempted to not go to work and do something that a sick person shouldn't do. "I have to work."

Tumingin sa kanya si Malik. He didn't react to her response, he seems bothered by something.

"Hindi kami nakapag-work out kagabi, mamaya baka magkita kami sa gym," dugtong niya.

"You're body reached its limit. Don't push too hard. Take some rest... here." Pinatakan siya nito ng halik sa labi bago tumayo. Dumiretso sa walk-in closet at naiwan siyang tulala.

Her body was still weak. Tama ito. Kapag pinilit niya ay baka mapaano siya. Hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari kagabi. Gusto niyang makausap sila Lawrence, pero paano?

Tumayo siya upang silipin ang sarili sa salamin. She was wearing a huge white t-shirt that looks dress on her. Tinaas niya iyon upang silipin ang kulay ng panty niya. "Wow, purple!" Agad niyang binitawan ang t-shirt at napalapat noon sa hita niya nang biglang lumabas si Malik.

His eyes drifted on her legs before he focused on fixing his sleeves.

"If I'm going to stay here. Can I use your kitchen? I want to cook a pancake."

Lumapit sa kanya si Malik at kinulong siya sa mga bisig. "Do whatever you want. Just don't go anywhere... and if you do, give me a call at least."

Tikom ang kanyang bibig sa pagtango. Ang mainit nitong palad ay humahaplos papasok sa suot niya. Pinigilan niya iyon at ngumisi. Agad siyang dumistansiya at umupo sa higaan. "You're going to be late if you continue that."

Bumuntong hininga ito. "Can I just get some energizing kiss then?"

Nang makaalis si Malik ay biglang bumagsak ang balikat niya. Ang katahimikan ay nakakapangulila at dumadagdag sa panghihina ng katawan niya. She go through the Kitchen. It is good that Malik have stock of food supply. Kumpleto ito sa ingredients lalo sa condiments. Nang buksan niya ang double door refrigerator, she got tempted on the roast chicken. Nasa box iyon at halatang hindi nagalaw.

Curious, she took it and opened. Nagulat siya nang may malaglag na papel. Pinulot niya iyon at agad binuksan. Pangalan agad ni Winona ang bumungad sa kanya.

To. Malik

Nabalitaan kong umuwi ka na. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Miss na kita. I love you.

Your Vika,

Tumingin siya sa roast chicken at nawalan ng ganang galawin iyon. Kaya pala parang pamilyar ang design dahil ganoon magluto si Winona. Inayos niya ang pagkakalagay at muling ibinalik sa ref.

Saglit siyang natulala sa ginagawa nang maalala ang kaibigan. Nakukunsensiya siya.

Nang matapos magluto ay kumain agad siya. She tour herself on every rooms. She even cleaned the bedroom. Sobrang nababagot siya kaya maging ang office at sala ay nilinis niya. Pagod niyang inayos ang kurtina upang tingnan ang view. Napangiti siya. "Mas maganda pala ang tanawin dito kapag umaga." Agad siyang lumingon sa cellphone niya nang tumunog iyon. Tinakbo niya iyon para masagot ang tawag. "Hello, Lawrence?"

"Sis, nasaan ka? Narito kami sa NP, sa mismong inn mo. Nakailang doorbell na kami, hindi ka manlang natinag."

Natawa siya nang ma-imagine ang possible nitong itsura. "Wala ako riyan. Narito ako sa-" Natigilan siya nang mapagtanto ang natuklasan ng mga kaibigan kagabi. She cleared her throat. "Anong ginagawa niyo riyan?"

"Tanungin mo kung nasaan siya."

Dinig niyang utos ni Jessica. Lihim siyang napangiti dahil magkasama ang dalawa. Naisip niya tuloy na siguro panahon na para ibahagi niya ang ilan sa sikreto sa dalawa. Sinabi niya ang location kung saan siya naroon. Agad ding sinabi ni Lawrence na papunta na sila. Ginawa niyang oras iyon para maligo.

Maayos naman ang sala pero pakiwari niya ay magulo ito. Hindi siya mapakali. Umupo siya pero agad ding tumayo. Sumulyap siya sa cellphone matapos ay sa pinto. "Magpapaalam pa ba ako sa kanya?" Dinampot niya ang cellphone at hinanap sa contacts ang pangalan ni Malik. Tinawagan niya ito.

Sa ikatlong ring siya nito sinagot. "Baby?"

Napapikit siya. Hindi niya alam kung saan niya sisimulan ang pagpapaalam. "Kasi ano... Sila ano-" Huminga siya nang malalim. "Pupunta rito sila Jessica at Lawrence." Pinakiramdaman niya ang nasa kabilang linya pero nananatiling tahimik si Malik. "Malik?"

"It's okay."

Nakahinga siya nang maluwag dahil doon. Nakakahiya kasing bisita siya tapos magdadala siya ng ibang tao.

"What's mine is yours too. Soothes yourself."

Nahihiya niyang tinaas-baba ang ulo. "Thank you. Anong oras ka pala uuwi?" Pinulahan siya ng pisngi sa kanyan tanong. Parang ang dating ay ganap na silang kasal at siya ay gaya ng mga asawang babae na hinihintay ang kanilang asawa lalaki sa pag-uwi.

"Maybe late, but I will call you when I'm done."

"Alright. Don't skip your meal."

"I will. I love you."

His voice was like acid that always melted her heart. "I love you too, Malik." Pinatay niya agad ang tawag at nilingon ang pinto nang umingay ang doorbell.

Pinagbuksan niya ng pinto ang dalawa. "Come in." She pushed wide the door to let them in.

Jessica seems to wonder the place while Lawrence stayed tight-lip and awkward. Pinaupo niya ang dalawa at nag-serve ng juice. Nananatiling tahimik ang dalawa hanggang sa bumuntong hininga si Lawrence. "We have been friends for how many days. And I know, we are still new. But, Jyra, I hope you are okay. Alam mo bang alalang-alala kami sa'yo kagabi."

"Buti nalang naroon si Malik. Binuhat ka niya. Gusto sana naming sumama, ang kaso naisip naming hindi ka naman papabayaan ni Malik," sabad ni Jessica.

Sasagot na sana siya nang biglang sumingit si Lawrence. "Ipinagtanggol ka namin kay Gracielle."

Tumango si Jessica nang may tapang sa mukha. "Sabi ko sa kanya, sa susunod na sabihan niya tayong cheap, sisiguraduhin kong mauunawaan niya ang meaning noon. Lawyer pa naman ang mommy ko. Kaya namin siyang ipakulong sa kahit anong paraan." Maarte nitong inirap sa kawalan ang mata habang iniisip ang nangyari kagabi.

Lawrence took her attention. "Nag-aral ako ng boxing noong college days ko. Baka gusto niyang gawin kong punching bag ang dila niya sa pagiging daldalita."

Hindi niya na napigilang matawa dahil doon. Hindi niya alam na matatapang ang mga ito. "Anong sinabi ni Graciella?" Kay Jessica siya tumingin.

"Namutla. Hindi niya alam ang kinakalaban niya. Hindi porket nasa taas siya, kaya niyang apakan ang mga nasa paanan niya. Nagsisimula palang tayo, hindi ibig sabihin noon ay mababang uri na tayo." Sagot nito, dinampot ang juice para uminom. Ang mga mata ay sinusuri ang buong sala.

"Correct! Hindi magandang nagingialam siya. Ano kung may issue sa inyo ni Vika. Hindi niya na dapat pinakikialaman iyon." Si Lawrence, komportable sa pagkakasandal sa sofa.

Nasubukan niya ang pagiging mabuting tao ni Lawrence noong matunghayan nito ang tungkol sa kanyang kapatid. Hindi nito kailanman tinanong ang tungkol doon, bagkus ay mukhang nagustuhan pa ang kanyang kapatid. Jessica may seem curious to anything, but she doesn't have interest of degrading other people. Her mind were set on her goal and future.

Their hearts were good.

"Vika is my best friend," bulong niya.

Next chapter