webnovel

Siblings struggle

Hindi natuloy ang plano nila Fred dahil napagkasunduan nang mga itong sumama sa Manila para suportahan ang bagong release ng Candella. Umalis si Malik dahil kinailangan nitong bisitahin ang panggabing shift sa North Gate. Walang patid ang phone calls noong umalis.

Hindi tuloy siya mapakali nang wala itong sinabi kung sasama o hindi. Inaasahan niya kasing doon ulit ito matutulog para sabay-sabay na sanang aalis.

"You, okay?"

Napalingon siya kay Shawn noong abutan siya nito ng orange juice. Nilingon niya muna ang hawak nitong alak bago kinuha ang baso. "Ubusin ko lang 'to, then akyat na ako."

Tumungga muna ito sa hawak na bote bago tumango. "Kinuha ko ang field na gusto ko dahil wala akong interes sa business... pero ngayon... unti-unting parang gusto ko nang saluhin 'yon basta kasama kita."

Hinipan ng hangin ang ngiti sa labi niya sa tinuran ng kapatid. The message should be casual but she comprehended it differently. She's fully aware of Shawn's feelings towards the old Vika. For a short moment, while looking to Shawn's eyes she can feel the tenderness on it. The intimacy that siblings are forbidden.

Ipinikit niya nang mariin ang mga mata dahil sa paulit-ulit na nakikita ang ningning sa mga mata ni Shawn sa tuwing titingin sa kanya. Tinakpan niya nang kumot ang mukha at muling idinilat ang mga mata. "Ganoon lang talaga si Shawn, ano ka ba Jyra. Huwag mong bigyan ng meaning."

Marahas niyang tinanggal ang kumot upang huminga nang malalim. Bago siya nahiga kanina ay tinodo niya ang aircon. Napakalamig pero hindi niya iyon maramdaman dahil sa dalawang bagay na nagpapagulo sa utak niya.

"Malik is playing guess what's on my mind, while Shawn is scrubbing my sculp." Pinagtatadyakan niya ang mga unan sa paanan habang ginugulo ang buhok. Nang muling sumagi sa isip niya ang halik kanina ni Malik. Biglang nalukot ang mukha niya sa sobrang kahihiyan. "What's happening to me?" She groas to sit upright. When she can't still understand everything, she slams her back on the bed to force herself to sleep.

Pero muli siyang bumangon noong makatanggap ng message kay Atty. Peachy.

Atty. Romero: I have a good news for you, sweet cake.

Atty. Romero: About that Hetch guy! Oh my gosh! Tom almost murdered his photos when he caught me grinning while looking at his sexy photos. Goddamn it!

Seriously, Peachy?

Muling umilaw ang cellphone niya para sa bagong message.

Atty. Romero: He is pure, confirmed, seriously, as a matter of FUCK, I mean fact. He is Single!

Mapait siyang humalakhak habang paulit-ulit na binabasa sa isip ang salitang single.

Atty. Romero: Walang reply, ganoon?

Atty: Romero: P.S. huwag mo raw ipapakita kay Tom 'yang si Hetch. Babasagin daw niya ang mukha.

Hindi niya na napigilang mag-reply. Nanginginig pa siya habang ginagawa ang kakapiranggot na mensahe.

Jyra: Hindi siya single. Sila ni Vika. >_<

Atty. Romero: Girlfriend? Fling? Di nga?

Tumayo siya para lumapit sa bintana. Doon siya huminga ng wagas dahil pakiwari niya ay mauubusan siya ng hangin sa katawan. Sinuklay niya ang buhok at dismayadong umirap sa kawalan. Bakit nga ba hindi niya naisip ang bagay na iyon?

Noon pa man ay sikat na si Malik. He has the breathtaking looks that every woman would surely drool even if he doesn't smile. Old or young admires him for being polite and courteous. What more now? He was very famous in his field. They even tag him as famous bachelor Engineer; the youngest because of his achievement.

Jyra: Bakit affected ka?

Napakagat siya nang kanyang ibabang labi noong tatlong tuldong ang lumabas sa reply ni Peachy. Muli siyang bumalik sa kama at pagapang na inakyat iyon.

Atty. Romero: Wag ka nang magbanggit ng ibang tao. Ikaw ang punto ko rito. What are on you two? Sucks, Sweet Cake. Marami ka talagang kuwento sa akin. Shalla na ako, nag-lunch break lang at back to consultation. Take care!!!!!!!!

Tuluyan siyang bumulagta sa higaan.

She can't share the story about Malik to anyone. She can't. It's just that the past will be revealed if she starts to tackle it. Everything was connected to Malik. He might not be the beginning but he is part of it. He is part of everything.

Maaga silang umalis ng bahay. Kaya naman maaga rin silang nakarating ng Maynila. The sun was rising when she stood in front of the huge glass window. While sipping her coffee and her right arm is resting inside the pocket of her short shorts, she watched the beautiful scene as the atomic tangerine hugs the dark sky.

This is the spectacular view that she'd adore when she was in Dubai and Hongkong.

Sunrises are hello from god, and hope for those people who suffered from last night.

"Are you ready?"

Nilingon niya si Shawn nang may ngiti sa mga labi. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Tumawag kasi si Mr. Ross habang sila'y nasa biyahe. Nag-request itong gumawa ng mini clip patungkol sa tema ng bagong release na mga damit. The theme was about blooming roses. Mrs. Friis was really inspired by flowers, and she uses that idea to apply to her designs.

Nilapag niya sa lamesa ang mug at inabot ang nakalahad na kamay ni Shawn.

Piniga nito ang kanyang mga kamay. "Kinakabahan ka?" he asked tenderly.

Marahan siyang tumango. Hinila rin niya ang kamay para ipakita kay Shawn ang panginginig noon. "See?" she chuckled to what she saw.

Muling hinawakan ni Shawn ang kanyang kamay at tinitigan siya sa mga mata. "You can do it." He gently tapped her reddish cheek. He even glided his pointing finger on her chin. "I'm here. I will support you."

Instead of wiping out her nervousness, she felt her heart ached because of Shawn's bold action. Hindi niya alam kung sasakyan niya ba ang ginagawa nito o ipapabatid dito ang totoong nararamdaman. Pero sa huli ay ngumiti na lamang siya at muling tumango.

Next chapter