webnovel

Chapter 14

14

"Ahh... S-sir... dahan-dahan lang ho..."

"Masarap?"

"Ohh... O-opo... p-pero ahh! Sir... m-masakit po kapag dinidiinan niyo."

Tumawa lang siya saka lalo pang idiniin iyon. Halos mapuno tuloy ng mga halinghing ko ang kanyang kwarto. Grabe naman kasi itong si Sir Rod. Aminado akong magaling siya pero may sa sadista rin e.

Pagkatapos ng ginawa namin ay lupaypay ako sa kanyang kama. Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko. Taragis! Para akong nabugbog ng ilang siga sa kanto.

"Ayos ba?" Sinamaan ko ng tingin si Sir Rod na nasa aking paanan at namumunas ng sariling pawis. "Oh, ba't ganyan ka makatingin?" natatawa niyang untag.

"Ayoko na pong magpaganun ulit sa inyo, Sir. Ang sakit pala sa katawan." Tawa siya nang tawa habang pinupunasan pa rin ang butil-butil niyang pawis sa mukha.

"Ang saya mo ngang masahein e. Ingay mo. Ano, inaantok ka na?"

"Iyon na nga ang masama roon Sir e. Nabugbog na't lahat ang katawan ko ay hindi pa rin ako inaantok."

"Patay tayo riyan."

Hindi ko alam kung paano at kailan ako nakatulog. Kinabukasan, pagkagising ko ay natagpuan ko na lang ang aking sarili sa kama ni Sir Rod. Ang huling naaalala ko kagabi ay pumasok siya sa banyo habang ako'y hinang-hinang nakahiga sa kanyang kama.

Bumalikwas ako ng bangon at kaagad na lumabas ng silid ni Sir Rod. Wala siya roon. Gayon din sa salas at kusina.

"Good morning, Krisel. How's your sleep?" bati ni Ma'am Mira na mag-isang nag-aalmusal sa hapag.

"Ayos lang ho."

"Come, join me. Let's have a breakfast." Tumango ako saka naupo sa silyang malapit sa kanya. "Wala pa si Yaya Lordes," aniya pa kaya tumango-tango ulit ako.

Hinintay kong sabihin niya rin kung nasaan ang ibang tao sa mansiyon, partikular si Sir Rod pero hindi na muli siyang nagsalita. Kaya nagsimula na rin akong kumain kahit kating-kati na akong magtanong.

"Yes, Krisel? What is it? Alam kong may gusto kang itanong. Kanina ka pa panay sulyap sa akin e. Ask it away."

"Uh... N-nasaan po si Sir Rod?" Saka lang ako nakaramdam ng hiya nang umangat bahagya ang gilid ng labi ni Ma'am Mira.

"You know what, kung hindi lang imposible, iisipin kong may something kayo ni kuya. But I know my brother well. Hindi iyon pedophile so that was a stupid thought." Mahina siyang tumawa. "Anyway, to answer your question, nasa company si kuya at nagka-cramming sa report niya kay dad. Inuna ba naman kasi ang pagbuntot sa atin sa party ni Felix kagabi kesa asikasuhin ang pinapagawa sa kanya."

Pagkatapos ng agahan ay tila lalo akong nanghina. Hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Ma'am Mira na imposibleng magkagusto sa akin si Sir Rod. Imposible ba talaga? Ni katiting ba wala talagang pag-asa?

Parang pinagsukluban ng langit at lupa ang mukha ko hanggang sa dumating si 'Nay Lordes. Tinanong niya ako kung ano raw ba ang drama ko sa buhay.

"Sana nga drama na lang ito, Nay Lordes. Yung tipong sa harap lang ng camera ko ito mararamdaman," wala sa sariling sagot ko sa kanya.

"Susmiyong bata ka! Napa'no ka ba at nagkakaganyan ka?"

Napa'no ako? Nahuhulog lang naman ako sa lalaking imposibleng sumalo sa akin; sa lalaking parang bituin sa kalangitan, hindi ko maabot kaya hanggang masid na lang.

Takteng 'yan! Nakakamakata pala 'pag sawi sa pag-ibig.

Sumapit ang hapon ay hindi pa rin umuuwi si Sir Rod. Para akong asawang hindi mapakali kahihintay sa kanyang mister. Para na nga akong shungang paulit-ulit na pinupunasan ang lamesa sa sala.

"Wow! Kintab na niyan ah," ani ng pamilyar na boses sa likuran ko. Nilingon ko iyon at ang nakakapanatag nitong ngiti kaagad ang sumalubong sa akin.

"Felix..."

"Expecting someone else? Sa hitsura mong 'yan parang ibang tao ang inaasahan mo."

"Ah h-hindi, nagulat lang ako. Teka, si Ma'am Mira ba ang sadya mo? Tawagin ko lang."

"No, ikaw talaga ang sadya ko."

"A-ako?"

"Yeah, ayain sana kitang magsimba."

Lumapit siya sa akin saka iginiya ako sa sofang naroon. "Tama na 'yang pamumunas mo na 'yan. Ang kintab na oh." Tipid akong ngumiti sa kanya.

"So, ano Krisel, simba tayo."

"Sige."

Nagpaalam agad ako kay 'Nay Lordes. Inaya ko rin si Ma'am Mira pero nang malamang kasama ko si Felix ay tumanggi ito. Makakasira lang daw siya sa date namin. Aba't date na rin pala ang pagsisimba ngayon?

Dahil wala akong dalang damit pangsimba ay pinahiram ako ni Ma'am Mira ng desenteng damit. Nilagyan niya pa nga ako ng kaonting make up kahit sinabi kong 'wag na.

"Magsisimba po kami Ma'am, hindi magde-date," nakailang ulit ko nang pagpapaintindi rito ngunit katulad kanina ay humagikgik lang ito.

Sa biyahe ay panay ang kwento ni Felix ng kung ano-ano. Halos makagawa na nga ako ng talambuhay sa rami ng ibinahagi niyang detalye ng kanyang buhay. Nagtanong-tanong din siya ng mga bagay tungkol sa akin nang wala na siyang makwento. Pero nung nasa simbahan na kaming dalawa at nagsimula ang misa ay bigla siyang tumahimik. Para kaming naging estranghero sa isa't isa bigla. Nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa sermon ng pari. Tutok na tutok siya, halatang iniintindi lahat ng salitang lumalabas sa bibig ng kura.

"Kain tayo?" nakangiti niyang baling sa akin pagkatapos ng misa.

"Nag-iiba ka pala 'pag nasa loob ng simbahan," wika ko.

"Is that a bad thing?"

Umiling akong may ngiting nakapaskil sa labi.

"Tara na, kain tayo."

Sa mamahaling restaurant ako dinala ni Felix kaya todo protesta ako. Pinaglaban ko ang turo-turo at street foods pero talagang mapilit siyang doon na raw kami kumain. Paborito niya raw kasi ang mga pagkain doon at gusto niyang ipatikim sa akin ang mga iyon.

Sa huli ay sumuko rin ako at sumunod na rin sa kanya papasok ng eleganteng kainan. Sa hitsura pa lang ng mga upuan at mesa ay halatang hindi na kakasya ang isang daang kusing para sa isang putahe. Hindi pareho sa turo-turo na isang daan lang para ka nang namiyesta sa dami ng mao-order.

"Good afternoon Sir, Ma'am. May I take your orders?" bati sa amin ng waitress. Hindi ako mapakali sa upuan ko habang iniisa-isa ni Felix ang order namin doon sa waitress. Hindi kasi talaga ako sanay sa mga sosyalang ganito. Hindi ako sanay na tinatawag akong ma'am at pinagsisilbihan. Mas sanay akong ako ang gumagawa nun.

Habang hinihintay naming mai-serve ang mga in-order ni Felix ay nakaramdam ako ng pananakit ng pantog. Ganito talaga ako kapag hindi ako komportable o kaya'y kinakabahan, naiihi bigla.

"Felix, naiihi ako."

"Nandoon banda ang CR. Tara, samahan kita."

"Wag na, ako na lang." Tumayo ako at sinundan ang daan patungo sa itinuro niyang banyo raw. Nagmamadali ako pero ang pagmamadaling iyon ay biglang nahinto sa gitna ng aking paglalakad. Tila umatras ang ihing ilalabas ko sana sa nasaksihan ng dalawa kong mata.

Ang isa sa mga sosyaling mesa ng sosyaling kainan na iyon ay inu-ukopa niya... nila ng kasama niya.

"Roderick, don't be so KJ!" dinig kong boses ni Trina habang pilit na sinusubuan ang lalaking dahilan ng unti-unting paninikip ng dibdib ko.

Next chapter