Pagkatapos kung kumain ay pinili kong tumambay sa likod bahay kung saan may maliit na gazebo doon kung saan may mahabang upuan kung saan pwedi kang tumambay.
Masasabi kong ito yung pinaka favorite kong spot ng bahay namin ni Martin, mula kasi sa kinauupuan ko makikita mo yung malawak na garden na punong-puno ng ibat-ibang uri ng bulaklak at saka puro siya bermuda grass kaya kahit gumulong ka, okay lang.
Niloloko nga ako minsan ni Martin na dun daw kami magmake love habang nasa ilalim kami ng kalangitan na punong-puno ng bituin pero syempre di ako pumayag kahit pa sabihin niyang malayo kami sa kapitbahay at imposibleng may makakita samin, mahirap parin. Di naman nagpumilit si Martin kasi ayaw naman niyang di ako comfortable kapag sinabi kong ayaw ko di naman na siya nagpupumilit kaya alam ko na mataas parin yung respeto sakin ng asawa ko maliban sa mahal na mahal niya ko.
"Kumusta, busy ka?" text ko kay Martin.
Actually may text na siya kanina sakin asking kung gising na ba ako at kumain na pero di ko yun kagad napansin kasi nga inuna kong lagyan yung kumakalam kong sikmura. Meron na kong bagong phone, dinala ni Yago nung Saturday kasama sa dinala niya yung sing-sing ko at yung luma kong phone na binigay ni Martin sakin pero di na pinagamit ni Martin yung phone yung sim na lang. Pinaretrive na rin ni Martin yung old number niya para di na daw siya mahirapan sa maginform ng mga old contacts niya.
Hanggang ngayon di parin niya alam kung sino yung kumuha ng phone niya pero pina block na yung mismong phone para di na magamit kung sino man ang may hawak ngayon.
Makalipas lang ng ilang minuto ay tumunog na yung phone ko tumatawag na si Martin sakin, "Hon."
"Kagigising mo lang?"
"Kanina-nina lang," sagot ko sa kanya habang humiga ako sa mahabang upuan habang nasa tenga ko yung phone.
"Bakit ngayon mo lang ako tinext?" tanong ni Martin na may halong pagtatampo.
"Kumain kasi muna ako, grabe yung gutom ko!"
"Anong inulam mo?"
"Bulalo, ikaw kumain ka na?"
"Tapos na!" sagot ni Martin sakin pero mula sa kabilang linya naririnig ko yung paggalaw ng keyboard niya.
"Mukang busy ka," sabi ko, ayaw ko naman kasi maistorbo siya kaya kung ano lang mamaya nalang ako makikipagkwentuhan pag-uwi niya.
"Di naman may sinasagot lang akong mga email."
"Baka kasi naiistorbo na kita, baba ko na!"
"Wag muna kwentuhan muna tayo, miss na nga kita eh. Kung pwedi nga lang uwi na ko diyan para makasama na kita." pagdadrama ni Martin.
"Sus, halos iilang oras palang tayo nagkahiwalay. Isa pa late ka na ngang pumasok tapos maaga ka pa uuwi."
"Eh bakit ba kung late ako at maagang uuwi may magagawa ba sila kung namimiss ko yung asawa ko?" masungit na sabi ni Martin sa kabilang linya.
"Ewan ko sayo, sige na mamaya na tayo magkwentuhan tapusin mo na yang ginagawa mo at ng maaga ka maka uwi."
"Hon naman!" pagmamaktol ni Martin halatan gusto niya pa kong maka usap.
"Sige na at tatawag pa ko kina Mama at Papa at di ko sila natawagan nung nakaraan kasi nga sobrang busy nating dalawa." talagang enimphasize ko pa yung sobrang busy naming dalawa.
"Haha...haha... ano ka ba naman Hon, maiintindihan tayo nila Mama at Papa kasi nagdaan din sila diyan kaya wag kang mag-alala. Isa pa sa Sabado dalhin natin sila sa bahay para makita nila kung saan tayo nakatira. Okey ba yun sayo?"
"Okey na okey," masaya kong sabi. Syempre gusto ko ding makarating yung magulang ko kung saan ako ititira ni Martin para di sila mag-alala sa kalagayan ko.
"Sige na tawagan mo na sila, kamusta mo nalang ako ha! Kapag na miss mo ko text ka lang uuwi ako kagad!" sambit ni Martin na halatang may dalang panunukso.
"Sige tetext kita kapag namiss kita haha...haha...!" sagot ko sa kanya pero asa siya. Ito na nga lang yung chance ko na makapagpahinga ng mahaba kasi wala siya tetext ko pa siya para ano para maitali nanaman ako sa kama, "No way!" sabi ko habang natatawa sa sarili ko kasi alam ko na magkaiba kami ng iniisip ni Martin.
Pagkatapos naming mag-i labyuhan dalawa saka ko tinawagan si Mama.
"Ma, kamusta?" masaya kong bati ng sagutin ni Mama yung tawag.
"Mikael, tumawag na yung anak mo!" sigaw ni Mama kay Papa.
"Bakit Ma?" takang tanong ko.
"Paano nung nakaraan pa hinihintay ni Papa mo yung tawag mo, porket daw nagasawa ka na di mo na kami naalalang kamustahin." salaysay ni Mama bigla tuloy akong nakunsensya.
"Ituturo mo pa ko, ikaw kaya nagsabi nun!" narinig kong sagot ni Papa sa kabilang linya pero para kay mama yung salita niyang iyon. Di ko tuloy mapigilang mapangiti.
"Kamusta ka na Michelle?" tanong ni Papa sakin.
"Mabuti naman po, kayo diyan?" tanong ko rin alam ko naman naka loud speaker ako kaya naririnig din ako ni Mama.
"Mabuti naman din maliban dito sa Mama mo na tanong ng tanong bakit di ka pa daw tumatawag. Ang kulit kahit sinabi ko na nasa Honeymoon ka gusto tawagan ka daw namin. Gusto pang mangistorbo sa paggawa niyo ng apo namin." dirediretsong sabi ni Papa, di ko tuloy mapigilang mamula.
"Ewan ko sayo Michael, ikaw kaya diyan ang nagtatanong kung kamusta na si Michelle tapos ngayon ako ang sasabihin mong gusto mang istorbo." sabi ni Mama.
Nagtatalo na silang dawala kung sino ba yung talagang nag-aalala sakin pero syempre deep inside alam ko naman na parehas sila kaya napapangiti nalang ako at bago pa sila tuluyang mag-away nagsalita na ko.
"Ma, Pa sabi nga pala ni Martin sunduin namin kayo diyan sa Saturday punta kayo dito sa bahay. Okay lang ba?"
"Oh sige, Pwedi ba kaming maligo sa swimming pool diyan 'nak?" tuwang-tuwang sabi ni Mama.
Nabanggit kasi ni Martin sa kanila last time na may swimming pool itong bahay namin.
"Oo naman, pweding pwedi kang mag bathing suit 'Ma,"masaya kong sagot kay Mama.
"Ah talaga!"
"Opo kasi malayo kami sa kapitbahay kaya walang makakita sayo."
"Buti nalang kasi kapag may nakakita sa Mama mo baka masuka, haha...haha...!" pang-aasar ni Papa.
"Tumigil ka nga diyan samantalang nung sexy pa ko halos tumulo yang laway mo kapag nakikita mo kong naka suot ng swim suit."
"Dati yun nung kabataan natin pero ngayon jusko Eden tumigil ka na nga!"
"Ah ganun, ikaw maghanda ng kakainin mo mamaya!" sabi ni Mama at tuluyan na nga silang nagtalo. Iniisip ko tuloy kung ganyan din ba ang mangyayari samin ni Martin if ever tumanda na kaming dalawa.