webnovel

Chapter 338

Mag-four na ng hapon ng dumating kami sa bayan ni Mang Kanor. Sa may Botolan siya malapit sa dagat yung bahay niya. Mukang kabisado naman ni Martin yung lugar kaya di kami nahirapan sa paghahanap nito.

"Good Afternoon Sir Martin, Mam Michelle!" masayang bati samin ni Mang Kanor ng dumating kami sa bahay nila.

"Good afternoon din po!" sagot ko din ng makababa ako ng kotse.

"Tara pasok kayo sa loob, pagpasensyahan niyo na yung bahay namin." sabi pa ni Mang Kano habang kinukuha kay Martin yung bag namin.

Napatingin ako kay Martin kasi nga di ko maintindihan kung bakit niya kailangang ibaba yung gamit namin kung susunduin lang naman namin si Mang Kanor para makabalik na kami sa Manila.

"Siya nga pala Ma'am asawa ko si Lydia, Siya naman si Mam Michelle....," di na natapos ni Mang Kanor yung label ko ng magsalita si Martin.

"Asawa ko!" sabay kami napatingin sa direksyon niya ni Mang Kanor pero parang bale wala yun sa kanya sa halip ay inakbayan pa niya ko. Di naman ako makapagreact kasi nga may ibang tao.

"Napakaganda naman pala ng misis niyo Sir," sagot ni Aling Lydia na pinahainan kami ng Casava cake at juice sa lamesa.

"Salamat po!" sabi ko bago ako umupo sa mahabang upuan kung saan tumabi rin sakin si Martin.

"Ninong!" tawag ng isang bata na humahangos palapit kay Martin, agad itong nagbless sa kanya.

"Bless ka din kay Ninang!" utos ni martin sa bata na agad ding lumapit sakin at kinuha yung kanang kamay ko para mag-mano.

"God Bless you!" sabi ko dito habang ginulo yung buhok niya.

"Apo ko yan Mam sa panganay kong anak." paliwanag ni Mang Kanor.

"Regalo sayo ni Ninong!" sabi ni Martin habang inabutan ng isang pulang emvelop yung bata na agad namang nagpasalamat at umalis.

"Pupunta yun sa nanay niya at ipagmamalaki yung bigay ng ninong niya," sabi ni Aling Lydia ng mapansin niya na sinundan namin ng tingin yung batang tumakbo palabas.

"Magpahinga muna kayo at alam kong pagod kayo sa biyahe," sabi ni Aling Lydia na kinuha yung pinggan sa kamay ko kasi nga tapos na kaming magmeryenda ni Martin at balak ko sana ligpitin iyon at ilagay sa lababo.

"Hindi okay lang po," tanggi ko kasi nga gusto ko nga sana ay umalis na kami para bago maghating gabi ay makarating na kami ng Maynila.

"Tara pahinga muna tayo!" sabi ni Martin na hinila yung kamay ko at kahit naguguluhan ako kung ano talagang plano niya ay sumunod ako kasi nga pasahero lang ako at wala akong sasakyan.

Dinala kami ni Mang Kanor sa second floor at pinapasok kami sa isang kwarto kung saan naroon na rin yung gamit namin. Kung tutuusin mas malaki pa nga yung bahay ni Mang Kanor samin palatandaan kung gaano ka generous si Martin sa kanya.

"Salamat Kuya," sabi ni Martin bago niya isinara yung pinto.

Binuksan ko yung bintana para may pumasok na hangin at dahil nga malapit kami sa dagat ay amoy na amoy ko yung sea breeze.

"Bukas na tay umuwi sa Manila, dito na tayo magpalipas ng gabi," sabi ni Martin na naghuhubad ng sapatos niya habang naka upo sa may gilid ng kama.

Maliban kasi sa isang aparador wala ng ibang gamit sa loob ng kwarto kahit side table ay wala kaya yung gamit namin ni Martin ay naka patong lang sa stool na nasa gilid ng kama.

"Kung gusto mong gumamit ng banyo nasa gawin kanan siya sa may dulo." sabi uli ni Martin bago humiga sa kama. Malamang masait pa yung ulo niya dahil nga sa alak na ininom niya kagabi.

Hinayaan ko lang siyang mahiga habang ako ay naka tingin sa labas ng bahay. Nung mapagod ako sa katatanaw sa labas ay lumapit narin ako sa kama at nahiga sa tabi ni Martin. Nang maramdaman niyang nasa tabi niya ko ay agad niya kog niyakap.

Dahil nga tahimik yung paligid at medyo malamig din nakatulog ako. Nagising lang ako nga marinig ko si Martin na ginigising ako habang hinahalikan yung buong mukha ko.

"Gising na!" sabi nito habang hinahalikan yung dulo ng ilong ko kaya nagmulat na ko ng mata at tiningnan siya.

"Tinatawag na tayo ni Mang Kanor, kakain na daw ng hapunan," sabi nito muli ng makita niyang tulala parin ako. Balak niya sana akong muling halikan but this time yung labi ko yung target niya pero di ko siya hinayaan kaya tinabig ko yung mukha niya bago ako tumayo.

Kumuha ako ng t-shirt at short sa bag ko bago ako lumabas ng kwarto at tinungo yung sinasabi ni Martin kanina na banyo. Dinala ko rin yung toothbrush ko, buti nalang may sabon akong dala at toothpaste and other necessities kaya naligo ako. Ayaw ko naman kasi maging burden sa pamilya ni Mang Kanor.

Dahil wala akong dalang blower tinutuyo ko yung buhok ko ng mabuti gamit yung tuwalya. Paglabas ko ng banyo andun si Martin nakatayo at mukhang hinihintay ako.

"Maliligo ka?" tanong ko sa kanya na agad naman siyang tumango.

Iniabot ko sa kanya yung tuwalya ko kasama kung tote bag ko kung saan andun yung sabon, toothpaste and even shampoo ko. Wala kasing gamit sa loob, malamang di akalain ni Mang Kanor na maliligo kami sa ganitong oras kaya di sila nakapaglagay ng gamit sa loob.

Nung maayos ko yung gamit ko di ko na hinintay si Martin at nauna na kong bumaba. Inabutan kong naghahain si Aling Lydia ng pagkain samantalang si Mang Kanor ay naglalagay ng pinggan sa lamesa.

"Upo ka na Mam at kakain na tayo," sabi ni Aling Lydia ng mapansin ako.

"Si Sir Martin?" tanong ni Mang Kanor ng di niya nakita si Martin.

"Naliligo pa po pero pababa narin yun," sagot ko habang humila ako ng isang upuan at umupo roon.

"Naglagay ka ba ng gamit sa banyo sa taas?" tanong ni Mang Lydia kay Mang Kanor ng marinig niya yung sinabi ko.

"Naku nakalimutan ko!" sabi ni Mang Kanor na aalis na sana ng magsalita ako.

"Okay lang po may dala naman kami!"

"Pasensya ka na Mam ha wala kasing gumagamit ng banyo dun sa taas kaya walang mga gamit dun. Actually yung buong second floor." paliwang ni Aling Lydia na naglagay ng nilagang manok sa lamesa.

"Ah talaga po!"

"Oo, dalawa lang kasi yung anak namin. Yung babae ko may asawa na siya yung nanay nung batag lalaki kanina at bumukod na siya ng tirahan. Samantalang yung pangalawa naman namin sa Maynila nagtatrabaho kasama ni Kanor kaya ako lang dito ang naninirahan." paliwanag ni Aling Lydia.

Next chapter